Chapter 13

7 1 7
                                    

Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagising na ako. I tried my best to sleep last night para magkaroon ako ng lakas ngayong araw. I know, I deserve better at papatunayan ko iyon sa lahat ng mga taong mababa ang tingin sa akin including my family.

Bumaba ako para maghanda ng pagkain namin sa umaga. I'm still not okay pero kung ipapakita ko sa kanila na mahina ako lalo lang nila akong ida-down.

Nagsimula na ako sa pagluluto, sinimulan ko sa pagsaing at sumunod naman sa ulam. Wala pa mang nagigising sa kanila ay nakaramdam na ako ng kaba. Well, I know them too well. Kahit napagalitan na nila ako as long as nakikita nila ako may masasabi pa rin sila sa akin.

Naalala ko rin pala, ngayong araw darating ang mga trabahador na mag-aayos sa mga nasira sa bahay namin. Ang laking damage ang nadulot ng bagyo sa amin lalo na sa parte ng kitchen namin. Sa kwarto rin nila Mama halos masira na ang bubong nila. Hindi ko nga ma-imagine ngayon kung paano kami naka-survive sa dalawang bagyong dumaan. Kaya laking pasasalamat ko na lang sa poong maykapal na maayos ang lagay naming lahat.

Nang matapos ako sa pagluluto ay inayos ko na ito sa hapag kainan. Kinakabahan man ngunit kailangan kong hintayin sila bago gumawa ng ibang gawaing bahay. I just hope si Ate ang unang magising kaso imposible 'yon.

I know may kasalanan din naman ako sa nangyayari sa social media. I didn't handle it well at pati sila nadadamay sa issue ko. Kaso masakit na hindi man lang nila ako pinakinggan. Paano pa kaya kapag nalaman nila ang lahat?

How would I tell them my condition? Maniniwala kaya sila?

I'm in my deep thoughts nang biglang sumulpot si Mama kaya naman nagulat ako at natapon ko ang mainit na tubig na isinasalin ko sa cup sa aking kamay.

"Oh, shit!" hiyaw ko na lamang. Agad ko namang ibinaba ang thermos at pumunta ako sa kusina para hugasan nag parteng nabuhusan ng mainit na tubig.

"Ayan tatanga-tanga kasi hindi nag-iingat!" inis na sambit ni Mama sa likuran ko. Napalunok ako sa sarili kong laway nang marinig ko iyon. I'm so close to cry nang maalala ko na hindi dapat ako magpakitang mahina sa harap nila. Titiisin hangga't kaya.

Masakit man sa kamay ay ipinagpatuloy ko ang naiwan kong kape. Nagsalin muli ako ng mainit na tubig sa cup ko at lumabas ng bahay upang magwalis. One of the way ito para makaiwas sa mga sasabihin nila. Make myself busy and ignore them.

Nakahinga ako ng maluwang nang wala akong narinig na kahit ano mula sa kanila. It was kind of a relief for me. Mula kanina nang dumating ang mga trabahador sinusunod ko lahat ng utos nila Mama sa akin. Alam ko nagmumukha akong tanga sa ginagawa ko. Wala naman akong choice kasi masasaktan ako o kaya naman sermon aabutin ko kung hindi ako susunod. Wala rin naman akong pasok kaya sino pa ba ang mauutusan kun'di ako lang.

Bigla namang lumapit sa akin si Yan kaya itinoon ko naman ang atensyon ko sa kanya.

"What is it?" I asked and signed. Inilagay niya sa harap ko ang papel na may drawing.

Based on what he drew, it was our family. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Kasi sa drawing niya para kaming isang masayang pamilya and it was far from reality.

"Is it us?" I asked again, and he cutely nodded. "You did great. It's so beautiful."

Totoo maganda nga kasi masaya kami and I was smiling there. It was so beautiful at naalala kong hindi ko pa nakikita ang sarili ko na ngumiti muli na walang inaalala at problema.

"Do your drawings and I'll be with you, okay?" Tumango siya bilang sagot.

Bumuntonghininga ako bago tumayo at kumuha ng ballpen atsaka papel sa drawer. Wala akong concrete plan, the only thing I want is to write. Gusto kong magsulat para sa pagbabalik ko may maipagmalaki ako sa lahat ng humusga sa'kin. Magsusulat ako sa papel katulad na lamang ng dati para rin hindi ako masaway na puro cellphone ang hawak ko.

Pumwesto naman ako sa harap ni Yan at inayos ang mga gamit niya para mailatag ko na rin ang papel ko sa pagsusulat. I can see a clean sheet of paper and I can imagine how will these sheets of paper will be tinted with my pen kapag nasimulan ko na ang bagong kwentong isusulat ko.

I was happily smiling but then everything fades when my head become blank. Ang nakikita ko na lamang ay isang papel na magulo, sobrang gulo.

My hand started twitching. Hindi pa man nakalalapat sa papel ang tinta ng ballpen na hawak ko ay parang sumusuko na ang kamay ko. Ilang minuto ko itong tinitigan, thinking of the cause of this shit. I just found myself tearing up nang may tumulong luha sa papel na nasa harap ko.

What the hell is happening?

Nagulat ako nang may humawak sa kamay kong nanginginig. Napaangat ako ng tingin sa nagmamay-ari ng kamay na iyon. It was my sister.

"Ate." Napaiwas siya ng tingin sa akin at binitawan na ang kamay ko. At umalis na lamang na walang sinasabi sa akin. Weird pero wala nang mas we-weird sa kamay kong nanginginig kaya naman binitawan ko na lamang ang ballpen.

Ilang minuto kong pinakiramdaman ang dalawa kong kamay. Also thinking why the hell these hands are trembling. Kung magpapatuloy ito hindi ako makakapagsulat.

"This is not right, nakakapag-type naman ako sa cellphone ko. Oh right, magsusulat na lang ako sa laptop," mukhang tanga kong kausap ang sarili.

Agad kong kinuha ang laptop ko at binuksan ito. I was praying na hindi totoo kung ano man ang nasa isip ko. Kung ano man ang rason ng panginginig ng kamay ko. Maransan ko na lahat 'wag lang 'yon kasi isa 'yon sa nagpapasaya sa akin. At ayokong mawala iyong saya na iyon.

Don't take away my happiness, please.

I opened a word file at hinarap iyon. Parang sasabak ako sa laban sa ginagawa kong ito at hindi ako handa sa magiging resulta sa laban na ito. Napapikit na lamang ako nang magsimulang manginig ang mga kamay ko nang sinubukan kong itipa kung ano man ang nasa isip ko.

Shit! No, please.

Lahat ng nais kong isulat biglang naglalaho. Why the hell is this happening to me? Hindi na ako makapagsulat. Lahat ng natitipa ko ganito ang nagiging resulta.

DAFAGSHSSMAKLHDBDBSB

Dala-dala ang lahat ng gamit ko ay pumanhik ako sa taas at pumunta sa kwarto. Nang dahil sa emosyong nangingibaw sa akin iiwan kong mag-isa na walang paalam sa baba si Yan. I'm sorry.

Pagpasok ko ay inilapag ko sa kama ang laptop at muli kong hinarap ito. Napakuyom ako ng palad at muling bumuntong-hininga. Saan ba nagsimula ang lahat?

Sa social media, yeah.

"I deserve better. Sinimulan mo, tatapusin ko. Hahanapin kita sinira mo ang nag-iisang kasiyahan ko." I meant every word I said.

Pinunas ko ang mga luhang tumutulo sa aking mata. Nagsimula akong mag-type ng new email at password na gagamitin ko.

Kahit sino ka pa kung kilala man kita hinding-hindi kita mapapatawad.

From this day and forward wala na ni isa akong pagkakatiwalaan kun'di ang sarili ko na lamang.

DISCLAIMER
Trust no one even the closest person in your life.

*****
Happy Birthday InspirableInk 🥳🎉

DisclaimerWhere stories live. Discover now