Chapter 17: Remi's Birthday

Magsimula sa umpisa
                                    

"I love you too, mga kuya ko."

"Kamukha mo talaga si Mommy," bigla namang sambit ni Kuya Resty.

Bigla ko tuloy naalala si Mommy. Kapag birthday ko, sobrang excited niya at puro papuri ang naririnig ko mula sa kaniya.

I miss you, Mom.

"Maiwan ko muna kayo. Aasikasuhin ko lang 'yong ibang bisita natin," paalam ni Kuya Rex kaya tumango kami sa kaniya.

Muli naman akong napasulyap sa may gawing pinto at nagbakasakaling siya na ang papasok roon. Sinulyapan ko rin ang cellphone ko pero wala pa rin text. Crystal, I know pupunta ka.

"What's wrong?" tanong ni Kuya Resty.

"Wala naman, Kuya."

"Are you sure? Mukha kang worried at kanina ka pa hindi mapakali kakatingin sa phone mo."

"Oo nga, kanina ko pa nga rin napansin," gatong naman ni Kuya Renz.

"Kanina ko pa kasi hinihintay 'yong kaibigan ko, e. Pero until now, wala pa rin siya," saad ko sa malungkot na tono.

"Baka naman na-traffic lang or what?" Kuya Resty said.

"Baka nga."

"Wait, lalaki ba 'yang kaibigan mo o babae?" makahulugang tanong niya.

"Of course, a girl!"

"E, bakit parang sobra ka naman yatang nag-aalala kung pupunta siya o hindi?"

"Of course, she's important to me."

"Okay... Just wait for her a little longer. Puntahan muna namin 'yong mga bisita."

"Okay."

"Cheer up. It's your birthday kaya dapat masaya ka," nakangiting hayag ni Kuya Renz bago siya sumunod kay Kuya Resty.

Nagtungo sila kung nasaan 'yong mga classmates ko at iba ko pang mga kakilala.

"Magpapa-impress lang naman sila sa mga babae," natatawang bulong ko.

Wala pa kasing mga girlfriend ang mga kuya ko. Masyado silang seryoso sa buhay, sa business, at sa pag-aaral kaya wala nang oras sa para sa mga sarili nila. Pero okay na rin 'yon, dahil ibig sabihin lang no'n ay ako lang ang only princess nila.

"Wala pa rin ba 'yong kaibigan mo?" Mayamaya ay lumapit sa akin si Kuya Resty.

"Wala pa rin, e."

"Sure ka bang pupunta siya? In a minute, your party will be about to start," he said as he glanced at his wrist watch.

"Yes. Pupunta siya," nakangiting sagot ko sa kaniya. Alam kong pupunta si Crystal at confident ako ro'n.

"Okay. We'll just assist the visitors. Sumunod ka na lang sa garden, okay?"

I just nod at him. "Sure!" At nagtungo na ulit siya sa mga bisita.

Unti-unti nang nag-aalisan ang mga bisita upang tumungo na sa garden. I heaved a breath. Hindi puwedeng hindi siya dumating. Hindi ako magiging masaya sa gabing ito kung wala siya.

I tried to call her pero walang sumasagot. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Nawawalan na ako ng pag-asa.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga bulungan. Napatingin ako sa mga tao at nakapako ang tingin nila sa gawing... pintuan.

"Crystal..." Napanganga ako nang makita ko siyang kapapasok lang sa pinto.

She's wearing a black overskirt dress with a purse on her hold. Having a fierce look with her little touch of make-up. With a pair of black stilettos which made her even more taller. And her updo hairstyle that emphasizes her pretty face.

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon