40

3 1 0
                                    

Nandito kami ngayon ni dein sa may labas habang hinihintay si drake na matapos maligo.ngayon din kasi namin sasabihin sa anak namin na si dein ang tatay nya.

"Bakit ka nga pala hindi nagalit sakin?bakit di mo na lang din ako pahirapan?para naman makabawi ka sa mga nagawa ko sayo.to all the pain you're feeling,bakit nagagawa mo parin akong kausapin na parang wala lang din sayo ang mga nagawa ko?" takang tanong nito kaya napatingin ako dito.

"Hindi naman totoo yang mga sinasabi mo.syempre nagalit ako,dahil tinaboy mo ako pagtapos ng nangyari satin.pero kung babalikan ko yung mga nangyari hindi din naman ako masasaktan kung una pa lang ay hindi na ko pumayag sa kasunduan diba?tsaka hindi mo din naman kasalanan na minahal kita dahil ipinakita mo naman iyon sa kontratang pinirmahan ko.tsaka bakit pa ako magtatanim ng sama ng loob sayo gayung si drake yung naging kapalit ng lahat ng hirap na dinanas ko.at isa pa,naisip ko na din sanang pahirapan ka sana para naman magtanda ka na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya mong mag-isa.kaya lang ay naunahan na ko ng tatay sa pagpapahirap sayo at binangasan ka pa nya sa mukha kaya naawa na lang ako at di na tinuloy." sabay ngiting mapang-asar dito.nakita ko naman syang napailing na napapangiti.

"So naaawa ka lang sakin kaya moko kinakausap ganon?nakakasakit ka ng ego alam mo yun!ako?si Aldrich Dein Villacorte ay kinaawaan lang ng isang Ariana Marie Cariño?hmmp pasalamat ka mahal kita kung hindi,naku!" parang batang saad nito.natigil naman ako sa pagtawa ng marinig ang huling mga salita nito.

"A-ano nga ulit yung sinabi mo?nabibingi na ata ako." sabi ko dito dahil hindi ko alam kung namali lang ba ko ng dinig o talagang yun yung sinabi nya.

"Na alin?" maangan na sabi nito habang may naglalarong ngisi sa mukha.

"Yung huling sinabi mo?" bagkus ay sabi ko na lang at hindi pinansin ang mapang asar na tinging binibigay nya.

"Naku??" maang parin na sagot nito kaya di ko na napigilang hampasin sya sa braso na ikinatawa nya lang.

"Hindi ako nakikipagbiruan,buset ka!tinatanong ka ng maayos puro kabalbalan naman ang sinasabi mo!" gigil na sabi ko habang patuloy syang hinahampas.ng mapagod ay itinigil ko na lang at napagpasyahang sa loob na lang hintayin ang anak dahil baka lalo akong mabuset sa pang-aasar ni dein.

Pero bago pa lang ako tatalikod ay yinakap nya na ako kaya naman hindi ako makaalis dahil na rin sa higpit non.

"Ano ba!may balak ka bang patayin ako?" singhal ko dito.tumawa na man sya bago luwagan ng kaunti ngunit hindi parin umaalis sa puwesto,bagkus ipinatong nya pa ang kanyang baba sa aking balikat kaya naramdaman ko ang hininga nyang lumalapat sa leeg ko.

"Sorry na,binibiro lang naman kita dahil ang cute mo pag naaasar." sabi din nito kaya naman hinampas ko sya sa likod na ikinadaing nya.

"Ouch!eto nalaman lang na mahal ko sya naging brutal na!pano na tayo nyan pag naging mag-asawa na tayo?edi battered husband ang kinalabasan ko?hindi kana naawa sa future hubby mo,may bangas na nga ginugulpi mo pa!"madramang saad nito na kahit hindi ko kita ay alam kong nakanguso ito.hindi naman agad ako nakagalaw dahil sa walang habas nyang sinabi.ng makahuma ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito bago iharap sa akin.

" anong sabi mo?ohh ayusin mo kundi pipingutin kita!"banta ko ng makita ang mapaglarong ngiti nito sa mukha.

"Sabi ko mahal kita!at kawawa--hmmp."natigil ito sa tangkang sasabihin pa dahil hinalikan ko na sya.

"sapat na sakin na marinig ang salitang mahal kita para papasukin ulit sa buhay ko.dahil aminin ko man sa hindi ay ikaw lang ang taong nagpabaliw sakin ng todo.hindi man ikaw ang unang boyfriend ko,pero sayo ko naman naranasan ang lahat ng una sa buhay ko.at nagpapasalamat ako dahil ikaw yon,yung taong hindi ko inakalang mamahalin ko ng todo na hindi ko na nagawa pang tumingin sa iba dahil nakuha mo na ang lahat.lahat lahat kaya hindi na ko nakawala pa." hinihingal na sabi ko matapos ko syang halikan.napangiti naman ito bago dampian ng magagaan na halik ang labi ko.

The Love GapWhere stories live. Discover now