30

2 1 0
                                    

Napagpasyahan kong pumunta ng hospital dahil feeling ko ay masama ang lagay ko.nagpasama na lang ako kay jack para nadin sure kung may nagbabantay nga,edi maganda makita nila kaming mag kasama at mapagkakamalang nagpapacheck up lang.

Mabuti na lang at may unan sa kotse nito na syang ginamit ko para ilagay sa tyan.minsan naiisip ko na tadhana na talaga na magkakilala kami ni jack para sa mga bagay tulad na lang ng ganto.

"Sige na dyan ka na muna ako na lang papasok." sabi ko ng maraming namin ang kwarto ng doctor.

"Hindi na sasamahan na kita,malaki utang na loob namin sayo ni elise ehh." sabi naman nito kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"So ganyanan?pag may utang na loob sumusunod kapag wala sige makabira ano?" sabi ko dito na tinawanan nya lang.

"Come on sasama nako promise di ako maglilikot."

"Hmpp siguraduhin mo lang kung hindi ikaw ibabayad ko sa doctor,malay mo ganyan yung mga tipo nya hahahaha."tawa ng malukot ang mukha nito.

" huh,my body is for my elise only bleh."gaspang nito ng biglang may pumasok sa isip ko.











"Only cindy!!"








Ipinilig ko na lang iyon at hindi na inintindi pa.magsama sila kung gusto nila,perwisyo sila sa buhay ko.sana lang masaya na sila dahil di ako nagpakahirap lumayo para lang sa wala.

"He tara na nga!ang daldal mo ka lalaking tao mo ahaha." gaspang ko na lang dito bago kumatok.ng may sumagot na sa kabila ay pumasok na kami dahil ayaw naman magpaiwan ng isa sa labas.tsaka ko lang din inilabas ang unan na nasa tyan ko.

"Hi,good morning I'm Dr.jenica Suarez." pakilala nito na pinaunlakan naman namin.

"Good morning doc,may itatanong lang sana ako." sabi ko ng makaupo.

"Anything Mrs.?"

"Cariño po,tsaka miss lang po." magalang na sabi ko.

"Ohh sorry akala ko kasi ay asawa mo sya,your Mr.jack Martinez right?"

"Yes doc nice meeting you,and were not married magkaibigan lang po." sabi ng bakulaw na katabi ko.

"Oh sige na ms.cariño ano ba yon?"

"Ehh kasi doc feeling ko may malubha akong sakit?" di pa siguradong sabi ko.

"At bakit?ano ba ang mga nararamdaman mo?" tanong nito sabay labas ng cliff board.

"Ahmm parang naging sensitive yung pang amoy ko doc,tapos nagiging mainitin na din minsan yung ulo ko lalo na po pag si jack yung nakikita ko--" naputol yung sa sabihin ko ng sumingit ang huli.

"At bat ako nasama dyan?" tatawa tawang sabi neto.

"Dapat di ka dito nag papacheck up ehh baka naman nababaliw ka na sa pagkamiss mo kay al----"bago pa man nya matapos ay inunahan ko na ito.

" sige subukan mo at susungalngalin kita,at anong tingin mo sakin may sakit sa utak?ikaw kaya dalhin ko sa mental?"singhal ko na tinawanan nya lang pati ang doctor ay nakitawa bago kami inawat.

"Okay okay ano pa ms.cariño?"

"madalas din po akong kain ng kain di po kaya empatso lang to?" tanong ko sa doctor.

"Matakaw ka lang talaga." singit na naman ng isa kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Ikaw pag nagsalita kapa sisipain kita palabas!" inis sabi ko na tinawanan nya lang bago tumahimik.

"Hmm I don't think so?nakakaramdam ka ba ng hilo?o kaya nasusuka?" tanong pa nito.

"Dati doc nakaramdam pero alam ko isang beses lang tapos non dun na nag bago yung pakiramdam ko doc."

"Okay kailan ka huling dinatnan?" dun na ako napahinto.

"Datnan?as in regla doc?" kinakabahang tanong ko.

"Yuckk,so gross!" reklamo ng isa na di ko pinansin.

"Uhuh tell me ng makasigurado tayo sa mga symptoms or findings sayo."

"Ahh d-alawang buwan na ata doc." sabi ko ng maalala kung kailan ako huling nagkaron.ang huli ay kakasimula pa lang ng buwan kung saan malapit nang matapos yung kasunduan.bigla naman akong nanlamig sa naisip na resulta.



Imposible!






"Ahh okay here try this na din para makasiguro tayo." sabay abot nito ng PT na halos ayaw nang kunin ng nanlalamig kong kamay.

Itinuro naman nito ang cr kaya dumeretso ako ng pasok bago pinakatitigan ang PT na hawak.

Hindi ko alam ang posibleng mangyari oras na malaman ko ang resulta.pero kung ano man sigurado akong tatanggapin ko ito ng buo.

Sumunod lang ako sa instruction kung pano ito gamitin bago hinintay kung ano ang resulta.
















Halos di ako makapaniwalang nakatingin sa PT na hawak ko habang palabas ng banyo.

"Anong resulta ariana?" hindi ko na nasagot ang tanong nito kaya hinablot nito iyon at tinignan at nakita kong pati sya ay natulala sa resulta ng PT.

"Positive" halos pabulong na sagot nito na syang nagpaiyak sakin dahil di ko alam kung pano ito sa sabihin sa magulang ko ng hindi sila nasasaktan.

Lagot ako nito, ano na lang yung mukhang ihaharap ko sa kanila pag nalaman nila ito?paniguradong hahanapin nila ang ama at hindi titigil hanggat hindi nila nalalaman kung sino.

Ayoko!ayoko nang makagulo pa!alam kong masaya na yung ama ng pinagdadala ko kaya para san pa at sasabihin sa kanya?hindi ko alam kung tatanggapin nya ba?o baka kunin na lang sakin kapag tapos ko nang ipanganak.

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa kin kaya napahagugol na ko dito at mas lalong isiniksik ang mukha sa dibdib nito.

"Pano na jack?lagot ako nito!patay ako sa magulang ko pag nalaman nila." sumbong ko dito na tila alam nya ang sagot

"Hush tahan na nandito naman kami eh kung gusto mo wag na nating Ituloy yung plano dahil magkaka baby ka na den." suwestyon nito na inilingan ko dahil sila naman ang mahihirapan sa huli.

"Hindi,kailangan matuloy yon para maayos na ang gusot at mag kasama na kayo ni elise." sabi ko bago humarap sa doctor na nakatingin lang samin.

"Doc,pede ba malaman kung ilang buwan na sya?gusto ko din ho sanang makita sya tsaka marinig yung heartbeat nya." sabi ko kaya napangiti naman ang doctor bago ako yayaing mahiga at simulang lagyan ng cooling gel at transducer ang tiyan ko.

"Okay ms. hingang malalim okay ganyan nga." sabi nito na sinunnod ko naman bago nito ituro ang monitor sa harap kung saan makikita ang isang bilog na nagalaw.

"Okay iyang circle na nakikita nyo ay yung baby,and base sa result ay your 2 months pregnant." sabi nito kaya naman naiyak ulit ako sa galak ng biglang kinalikot nya ang monitor at narinig namin ang mahinang tambol na paniguradong sa baby ko galing.

"So yan yung heartbeat ni baby,ipiprint ko na lang yung picture para meron kayong remembrance.sa ngayon ang mapapayo ko lang ay iwasan ang masyadong stress,uminom ng vitamins..." hinayaan ko na lang na si jack ang makipag usap sa doctor dahil tila akoy hibang pa sa mga kaganapan na nangyayari sa buhay ko.






At sa isiping may bagong nilalang ang mabubuhay at ito ay nasa sinapupunan ko pa ay halo halong emosyon ang aking nararamdaman.nariyan yung takot,pangamba pero mas lamang ang kasiyahan sa akin dahil kaunting panahon na lang ay makakasama ko na ang magiging anak ko at makakatuwang ko sa buhay.

The Love GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon