29

2 1 0
                                    

"Sweetheart pede video call na lang?may ipapakilala ko sayo."

"Sige sino ba yan?"

"Bagong kaibigan,paniguradong magkakasundo kayo." sabi ni jack kaya naman sumingit nako.

"Elise!ako to--aray masakit!""abnormal di ka pa kilala nyan!" Singit ni jack kaya napatawa ako."oo nga hehe sorry ulet ehem,hi elise ako si ariana pede mo bang ma video call para makita kita?"tanong ko at yung pamilya ko naman ay walang ginawa kundi panoorin lang kami.

"S-sige." medyo lito pang sagot nito bago namin nakita ang mukha nya.at sobra akong namangha dahil para syang anghel na nagpanggap na tao at bumaba sa lupa.

"Wow ang ganda mo nga talaga kaya siguro naging model ka!" manghang sabi ko at pagka rinig ng model ay biglang pumunta sa likod ko si alyanna para makiusyoso pati narin si aiden.

"talaga ate model sya?oo nga ang ganda nya.so sya yung girlfriend mo kuya jack??" tanong nito sa lalaking ngumiti lang at halatang proud na tumango.

"Ah ehh hello? Hehe" nahihiyang sabi nito pati ang magulang ko ay lumapit na rin para masigurong Mali ang iniisip nila.

"Ay sya nga pala magpapakilala kami elise,kami ang pamilya cariño at kung nagtataka ka kung bakit nandito si jack ay sa kadahilanang sya ang aming kasambahay--aray nakakarami kana ahh!!" daing ko ng batukan na naman ako nito.pero wala naman akong nakikitang reklamo sa magulang ko kaya naisip ko na may favoritism na nagaganap sa bahay.

"Wag kang magpapaniwala dito sa babaeng to sweetheart at puro kagaspangan lang ang nalabas sa bibig.nga pala tapos na ba ang shooting mo?" napalitan ng pagaalala ang mukha ni jack sa tanong nyang yon.

"Ano kaba okay lang ako kaya nga kita natawagan ehh,nga pala may gusto sana kong sabihin sayo." sabi nito sa nababahalang tono.

"Pede ko bang marinig yan?promise di ko ipagkakalat,tsaka nakwento na rin sakin ni jack yung pinagdadaanan nyo kaya baka makatulong ako." suwestyon ko na hinayaan na lang ni elise.kaya dumeretso kami sa terrace para ipagpatuloy ang naudlot na paguusap.

"Jack,ang totoo nyan ay nag leave muna ako sa modeling career." panimula nito na ikinatahimik namin.kaya naman nagpatuloy sya.

"Jack buntis ako!at kailangan natin ng tulong dahil baka makahalata na ang mommy at daddy ko!" sabi nito na nagpagulantang samin.

"Teka s-sweetheart t-totoo magiging daddy nako?" utal na tanong ni jack na mababakasan ng saya ang mukha.

"Oo at malapit na kong manganak kaya naisip ko nang sabihin to sayo.sorry dahil ngayon ko lang nasabi,dahil noon ay may nagbigay sakin ng picture na tinututukan ka ng baril mula sa malayo kaya hindi ko agad nasabi sayo sorry!!" hagugol nito kaya wala akong nagawa kundi mahabag.

"Pero bakit naman ganyan sweetheart laban natin to ehh bat mo sinosolo?at pano ka nakakapagpadala ng pera sa magulang mo?"

"H-hindi nila alam na n-nagpatayo ako ng bakeshop dito dahil sa P.A ko pinamahala ang pagpapalago dito kaya wala silang alam na dun ako kumukuha ng pampadala." kwento nito na hinangaan ko dahil nakaisip agad sya ng solusyon sa problema nya.

"Ehh teka balik tayo sa baby pano naman kami makakatulong?" tanong ko na nagpatingin ng dalawa sakin.

"Tutulong ka?/tutulungan mo kami?" sabay na tanong nito

"Bakit masama ba?"

"Baka kasi madamay kapa ng magulang ko kapag nalaman nilang kasabwat ka." nagaalalang sabi ni elise na nginitian ko lang.

"Yun nga ang gusto ko ehh yung may thrill,nawalan na kasi ng silbi ang buhay ko kaya naman naghahanap ako ng direksyon sa buhay kesa naman gabi gabi akong naiyak dahil sa mga walang kwentang bagay at baka ikadepress ko lang." sabi ko na lang na akala mong hindi big deal sakin ang mga mangyayari.

The Love GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon