23

2 1 0
                                    

Nagising na lang ako dahil sa tunog ng doorbell kaya naman pupungas pungas akong bumangon ng maramdaman ang sakit sa gitnang bahagi ng katawan.

At dahil don ay tila nagising ako sa katotohanan na talagang may nangyari kagabi na akala ko ay panaginip lang.tumingin ako sa aking tabi para lamang madismaya dahil wala na ang taong inaasahan kong gigising sa akin.

Oo nga pala sino ba naman ako para mag assume na pagkatapos ng nangyari ay pedeng mag iba naman ang nararamdaman nya??

nagsunodsunod ang pag doorbell kaya naman wala akong nagawa kundi bumangon at maghanap ng matinong susuutin,para hindi naman ako magmukhang kahiya hiya.

"Teka sandali lang naman!!!" sita ko dahil parang may galit na ang kung sino man sa labas.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang crew sa hotel.

"Bakit po ba kuya??natutulog pa kasi yung tao ginigising nyo na!" bugnot na ani ko dahil sa sakit ng buong katawan isama pa ang hang over kakainom kagabi.

Shitt!ansakit ng ulo ko napasobra ata talaga ko ahh.

"Ehh ma'am kasi naman po kanina pa ko pabalik balik dito simula kaninang umaga para po sa almusal nyo,pero tanghali na po ay di parin kayo nakakakain." kakamot kamot na sabi naman nito kaya napatingin ako sa orasan na nasa gilid at nakupirmang tanghali na nga.

"Ahh hehe kuya naman di nyo agad sinabi eh!teka sino po ba nag sabi na dito na lang ako kakain?" tanong ko dahil nahihiwagaan ako dahil wala naman akong natataandan na nagparoom service ako.

"si sir Aldrich po ma'am sinabi nya po kasi sa magulang nyo po na napagod kayo kakapamasyal kaya pinadalhan na lang kayo ng makakain." di ko na lang pinansin ang pagbanggit nya sa magulang ni dein na magulang ko din daw.bagkus iisang salita lang ang malinaw sa aking pandinig kaya naman napangiti ako dahil kahit di nya sabihin alam kong nagaalala pa rin sya sakin.

"Talaga ba?" masayang tanong ko naman dito.

"Opo ma'am tsaka may bilin nga din po pala si Mr.and Mrs.Villacorte.sabi po nila na pag nagising nadaw po kayo ay paalalahanan daw po na memeyang hapon na daw po ang alis nyo pabalik." yung saya ko kani-kaninalang ay naglaho ng parang bula dahil sa narinig.

Eto na yung bagay na ikinatatakot ko ng sobra dahil posibleng mawala na ng tuluyan ang mga taong pinahahalagahan ko ng sobra ngayon.na kahit sa Sandaling panahon lang ay natutunan ko na rin silang mahalin.


Siguro ay talagang hindi kami yung para sa isat isa dahil baka ibang tao naman pala talaga ang nakalaan para sa amin at sa kaso nya nahanap nya na dahil babalik na din sa wakas ang matagal nya ng mahal at ang masaklap pa ay hindi ako yun at hinding hindi magiging mahal dahil matagal na syang sa iba at hindi na kayang bumaling pa ng puso nya sa kahit na sino.










-------

"Wala ka na bang naiwan iha?" tanong sakin ni tita ng malabas na lahat ng gamit na bitbit ko.

"Wala na po,okay na po yung akin." sabi ko naman na tinanguan nito at ipinasakay sa private helicopter nila.

"ahh oo nga pala iha marahil nagtataka ka at dito tayo sasakay ano?para kasi madali na ang pagbalik natin sa siyudad at ng magampanan nyo na ang mga naiwan nyong tungkulin." mahabang paliwanag naman ni tito ng mahiwagaan ako kung bakit nga ba kami nandito sa helipad.

"Ahh okay lang po tito,sya nga po pala nasan po si dein??" tanong ko dahil kahit san ako lumingon ay diko mahagilap ang presensya nya.

"Ahh yun ba?nauna na syang umalis at sinabing may aasikasuhin pa raw sya kaya naman mauna na tayong babalik."imporma nito sakin kaya nanahimik na lang ako at di na nag tanong pa.dahil sigurado naman akong isa ako sa kadahilanan kung bakit sya unang umalis.hindi nya man ipaalam sa mga magulang nya dahil siguro ay nakokonsensya sya dahil inaakala nyang nagtake advantage sya.pero kung ako ang tatanungin?masaya pako dahil feeling ko nabuo yung pagkato ko dahil na rin sa nangyari.





Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan kaya naisipan kong pumukit na lang at magkunwaring tulog para hindi ako matanong ng wala sa oras dahil di ko din naman alam ang isasagot.atsaka siguro nakakahalta na din ang mag-asawa kaya di nila binabanggit ang pangalan ng kanilang anak.at nagpapasalamat naman ako dahil don kasi nararamdaman ko parin ang sakit ng pangiiwan nya sakin matapos ang nangyari kagabi.







-----

Pagkahatid nila sakin ay nagpasalamat muna ako bago umakyat sa taas.

Naabutan ko naman si manang na nakaupo habang nanonood ng balita.

"Manang nandito na po ako!!" masiglang bati ko dito.

"Ay maligayang pagbabalik naman iha kamusta ang araw mo?at bakit di mo kasama si adlrich?"ngumiti lang ako ng tipid dito bago sumagot.

" may inaasikaso lang po manang kaya nauna na."

"Ay eh ganuon ba?ikaw ba?gusto mo ng maiinom?gatas baga?"alok naman nito kaya tumango na lang ako.

Pagkalapag ng maiinom ay tinanong ko si manang kung sino ba talaga yung ex ni dein.


"Ahh manang,kilala nyo po ba yung dating kasintahan ni dein?"

"Kasintahan ba kamo?abay oo kilalang kilala ko yoon eh!" sabi naman nito kaya napadiretso ako ng upo at humarap dito.

"Talaga po??ano po bang ugali nya?" tanong ko dahil talagang curious ako sa babaeng hanggang ngayon mahal parin ni dein.

"ay nako yaong batang yaon ay may pagkamaldita,lalo na sa mga kasambahay nila adlrich.sakin lang naman sya di makapagtaas dahil alam nyang pinagkakatiwalaan ako ng pamilya villacorte.pero alam kong nagtitimpi na rin sa akin iyong batang yon dahil lagi kong napupuna." sabi nya kaya di ako makapaniwalang ganon yung minahal na babae ni dein.pero kung sabagay magkaugali naman sila kaya siguro tinadhana.

"talaga manang?" tanong ko para maipagpatuloy nya.

"Oo hay naku ansalbahi ng ugali ng cindy na yaon kapag wala ang mga magulang ni Aldrich at di din naman mapansin ng lalaki yun dahil magaling umarte."


"Eh bat naman po sila naghiwalay??" tanong ko ulit dito dahil di ko alam kung bakit sila nauwi sa ganon.

"Iyon ay dahil nabuking sya ng mag-asawa.sinabi ko dito ang mga nangyayari kaya ayun,ang pinalabas ng bruha ay dahil against ang magulang ni Aldrich sa kanila pagkatapos ay lumuwas sa ibang bansa.at iyon din ang dahilan kaya halos isang buwang di pinansin ng batang yun yung magulang nya pero laking pasalamat na lang at di nya natiis ang magulang kaya ayun hinayaan na lang nila."




So?talagang imbyerna ang babaeng yon pero di naman alam ni dein tsk isat kalahating tanga din pala yong lalaking yun ehh.ang ganda ganda ng natapos with flying colors pa pero bobo naman sa babae,bat di na lang kasi ako!!!



Sa sobrang kakaisip don at paghintay sa pagbabalik ni dein ay nakatulugan ko na lang din dahil na rin sa pagod na nararamdaman dulot ng biyahe.

The Love GapWhere stories live. Discover now