32

2 1 0
                                    


Ngayon na ang araw kung kailan kami lilipad papuntang states.kaya naman sinulit na namin ang araw kahapon.

Bago nga din pala kami umalis ay dadaan pa kami sa bahay nila jack para makapag paalam na at masabi sa personal ang plano kahit na sinend na lang ni jack sa email yung iba.mas maiintindihan daw kasi nila kung sa personal maipapaliwanag ang ginawa namin para naman mapaghandaan na daw.kaya sumang ayon na lang kami.







Iniisa isa ko na ang pag labas ng gamit at nung saktong nasa tapat na ko ng pinto para sana dun na lang hintayin si jack ay may nagsalita sa likod ko.


"May hindi kaba sinasabi samin ha Cheng?" sabi ni nanay kaya napatingin ako dito at nakita ang talim ng tingin nya kaya naman naguguluhang tumingin ako kay tatay na may blankong ekspresyon.

"Huh?anong sinasabi nyo nay?tinatago po?ahmm wala naman?" takang tanong ko dahil wala naman akong maalala na itinago ko.tsaka ko lang naalala ang ipinagbubuntis ko na hindi ko nasabi sa kanila dahil sa takot.









Hindi.hindi pede yon



"At kailan namin malalaman ha?wag ka nang mag maang maangan pang bata ka!bakit mo nagawang ilihim samin to ng tatay mo?bakit hindi mo sinabing buntis ka!!" nagulantang na lang ako ng isigaw ni nanay yon kaya natulala akong napatingin dito.

"P-paanong---aray!tay masakit!!" hiyaw ko ng sampalin ako nito.


"At totoo nga ang sinasabi ng nanay mo?na ano,na buntis ka?ano bang nagawa naming Mali at napalaki ka naming ganyan ha!!" bulyaw nito sakin sabay bato ng hawak na PT na di ko alam kung san nila nakuha.

"T-tay m-magpapaliwanag ho ako,s-sasabihin k-ko n-aman eh." kanda utal na sabi ko dahil pinipigilang umiyak.mabuti na lang at nasa loob pa kami ng bahay at madaling araw pa lang kaya walang masyadong makakarinig samin dahil mga tulog pa.

"At kailan mo sasabihin kapag naka alis kana?ni hindi mo naisip yung maiiwan mo dito!sabihin mo sinong ama nyan?si jack ba?kaya gusto ka nyang isama sa ibang bansa?sabihin mo!!" bulyaw ng ama ko kaya dali dali akong napailing.

"Hindi po si jack tay,h-hindi naman s-sya yung ama n-nito ehh w-wag nyo ho s-yang id-damay tay." hagulgol na sabi ko.




"Pede ba wag mo ng pagtakpan ang ama ng bata Cheng! sabihin mo na lang samin ng tatay mo at ng maayos na!!!"galit naman na sabi ni nanay kaya hinarap ko ang magulang na may luha sa mukha.


" hindi nyo na po kailangang malaman dahil m-masaya na po s-sya sa buhay nya!ano po bang mahirap intindihin don!!"hindi ko na ding mapigilang magtaas ng boses dahil hindi din nila ako maintindihan.



"At ano?gusto mong maging bastardo ang anak mo?ganun ba ang gusto mo?ang maging solong ina para dyan sa katangahan mo?ano bang mali sa pagpapalaki namin sayo,napag aral ka namin,napagtapos tapos ito pa ang isusukli mo puro kahihiyan!!" sabat ng ama ko kaya tinignan ko ito at ngumiti ng mapait.


"Talaga tay?puro kahihiyan ang nakukuha nyo sakin?samantalang lahat na man ng gusto nyong dalawa yung sinusunod ko!sabi ko ayaw ko ng CPA diba?nakinig ba kayo?diba hindi naman dahil ayaw nyo sa kursong astronomy dahil sabi nyoy wala namang kwenta at nagsasayang lang ng pera kaya sinunuod ko kayo!!ni hindi ako nagpakilala ng boyfriend sa bahay dahil sa takot na mapagalitan nyo!ni hindi ako nakaranas mag-sleep over kahit nasa kapitbahay lang!lagi ko naman kayong sinusunod ehh pero talagang hindi ko na kinaya dahil nag mahal lang din naman ako ahh?minsan iniisip ko na bakit sa inyo na kahit antagal nyo na masaya parin kayo?bakit parang okay lang ang lahat sa inyo?bakit tanging yung gastusin lang natin sa araw araw yung problema nyo?bakit hindi naging kagaya nyo yung nararanasan ko ngayon!!"sumbat ko sa kanila dahil hindi ko na kinaya ang pang aapi nila sakin kahit na pamilya nila ko.sakto naman na dumating si jack na nagmamadali ng madatnan ang nangyayari dito.



" ano pong nangyayari dito?tito?tita?"takang tanong nito bago ako alalayan.


"Sabihin mo nga sakin iho,kilala mo ba ang ama ng dinadala ng anak ko?"madiin paring sabi ng tatay ko.


" bakit ayaw nyo na lang kasing pabayaan ang taong masaya na sa buhay tay!!"


"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya magtigil ka dyan!puro ka kahihiyan,ikaw jack sabihin mo kung kilala mo" galit na sabi ni tatay kaya naman ng makitang magsasalita si jack ay inunahan ko na.

"Tito----" "bakit ba laging ibang tao ang iniisip nyo ha tay?sila ba nagpapakain saten?at bakit ba ayaw nyo na nalang akong suportahan sa desisyon ko!!hindi naman lahat puro kahihiyan lang ang dala ko ahh,napaayos naman natin yung bahay!nakapag paupahan!may bahay bakasyunan pa!sabihin mo tay ano ba talagang gusto nyong mangyari at bakit lagi kaming mga anak mo ang pinahihirapan mo!!" di ko na mapigilang sigaw kaya naman nasapak ako nito na syang ikinadaing ko.


"Wala kang modo!!anak lang kita kaya wag mo kong sigawan ng ganyan!ano na lang ang sa sabihin satin ng kapitbahay?ng pamilya natin?na pinalaki ka naming tanga?!!"



"Matagal na kong tanga tay!ano bang mahirap intindihin don?!!ginawa ko na yung lahat pero kulang parin pala sa inyo!hindi ko na mababalik yung nangyari na bakit ayaw nyo na lang tanggapin na mag kakaapo na kayo!!" sabat ko naman dito.

"Apo?na ano,bastardo?hindi,hindi ka na aalis.dito ka lang sa bahay ng magtanda ka sa mga pinaggagawa mo!!" sabi nito bago kunin ang mga bagahe ko pero bago yon ay inilayo kona ito at ibinigay kay jack.

"Hindi nyo na mababago yung desisyon ko tay,dahil kailangan din nila ako don.hindi pedeng basta nyo na lang ako ikulong dito dahil hindi tama yon!kahit na anak nyo ko!!bakit tinanong nyo ba kung gusto kong mabuhay?diba hindi naman!tapos kung ituring nyo kami minsan ay parang isang robot na bilang ang bawat galaw,dapat walang mali,dapat tama lahat!pero ito tama ba ito tay?ang ikulong ako sa bahay hanggang sa madepress?hindi ako papayag dahil kailangan ako nila elise don!"




"sige bahala ka sa buhay mo!malaki kana diba?sige hahayaan ka na namin pero wag kang babalik dito ng hindi kasama ang ama ng ipinagdadala mo tandaan mo yan!!" sabi ni tatay tsaka hinila ang nanay papasok sa loob.nakita ko pang nakasilip ang mga kapatid kong kapwa din umiiyak dahil siguro sa nakitang eksena.kaya naman ngumiti na lang ako sa mga ito.


"Hintayin nyo si ate ha?babalik ako magkakaayos din tayo wag kayo mag alala.wag nyo papabayaan sina tatay ha?sabihin nyong mahal ko sila at napatawad ko na sila at pasabi din na sorry at napakasuwail kong anak ahh,mag-iingat k-kayo d-yan t-tatawag ako pag m-ay oras ako okay?mahal ko kayo." hindi ko na muling napigilan ang pag iyak kaya naman tumalikod na ko dito at sumakay sa kotse ni jack.










"Sigurado ka na ba sa desisyon mo ariana?alam mong hindi kita pipilitin kung aayaw ka,at paniguradong maiintindihan na man ni elise yon." nag aalalang sabi nito na nginitian ko lang.



"Sigurado na ko jack,tsaka ayoko nang may mawala ulit na mahalagang tao sakin.tingin ko ay hindi ko na kakayanin kung mangyari yon.at ayokong isaalang alang ang mga bagay na pede kong maitulong sa inyo na batid kong kaya ko naman."




"Hay,bahala ka pero nandito parin kami ni elise at tutulungan sa abot ng makakaya namin." sabi nito na tinanguan ko na lang bago tumingin sa labas.







The Love GapDove le storie prendono vita. Scoprilo ora