24

2 1 0
                                    

Mag iisang linggo nang hindi na uwi si dein.kapag nasa office naman ay di nya parin ako pinapansin kaya di na din ako naglakas ng loob na itanong ang kung ano man ang nangyari samin nung bakasyon na kung tutuusin ay wala na naman na dahil nangyari na at di naman ako nagsisisi kaya wala naman syang dapat ikabahala.

Dahil na din sa pagtatapos ng kontrata ay naisipan kong magresign na lang dahil iniisip ko na baka ako na talaga ang dahilan kaya nagkaganon.

At ngayon nga ay naglalakad ako papuntang office ni sir dein ng mapansin kong wala naman si Jenna kaya naisip ko na dumeretso na lang at kumatok sa pinto.iniisip ko pa din kasi na baka kung magdire diretso ako ay baka lalo ng magalit sakin si dein.

Naghintay ako ng may magsasalita sa kabila ngunit lumipas na ilang sandali ay wala parin kaya kumatok ulit ako sa ikalawang pagkakataon.

Pag ito wala parin papasukin ko na tamo.

At nung wala parin ay basta ko na lang binuksan ang pinto,bahala na kung mapagalitan tutal magreresign na naman nako para nadin makalimot.

Pero sana nung mga sandaling yon ay mas pinili ko na lang na magintay sa labas,kesa makita harap harapan kung pano ipamukha sayo ng taong mahal mo na madali ka lang paltan at pagsawaan.dahil isang eksena ang bumungad sakin kung saan yung babae halos wala nang pang itaas ay nakakandong kay dein na todo hawak sa magkabilang bewang ng babae habang sige sa laplapan ang dalawa.

Kung hindi ko lang nabitawan ang folder na naglalaman ng resignation letter ko ay magmumukha akong tanga na nanonood ng live porn.

Dali dali naman akong nag ayos ng makitang natigilan ang dalawa.pinunasan ko na din ang luhang di ko namalayang umalpas mula sa aking mga mata.

"A-ah ehem sorry hehe!nakakaistorbo ata ako ba-abalik na lang ako memeya,sige na!!" sabay karipas ng takbo ng hindi tinitignan kung sino yung babaeng kalampungan ni sir dein.



-----

Dito ako sa rooftop dinala ng mga paa ko kaya naisipan kong dito na lang din magpalipas ng oras dahil ayoko ng ganon ulit ang pangyayaring makikita ko mamaya kaya tinagalan ko na.siguro naman sobra sobra pa yung oras na binigay ko sa kanila?

Pagkatapos kong magpahangin ay dumeretso ulit ako sa office ni sir dein.pero ngayon ay mas mabagal na lakad ang ginawa ko,tinitignan kung nandyan na ba yung secretary nya para magtatanong muna ako bago pumasok.


"Miss Jenna,nandyan ba si sir?" tanong ko ng makitang nandon na si miss Jenna.

"Ahmm oo pero may kasama ehh." pagkasabi nya non ay sya namang bukas ng pinto kasabay ng pag labas ng dalawang tao galing sa loob.


Tinitigan ko ang babae at parang namumukhaan.at nung mapagtanto ay sya namang laki ng mga mata ko.

Sya yon.si cindy juaquin isang sikat na modelo na ipinakita sakin ni manang kung sino ang dating kasintahan ni sir,na sya ring isat kalahating kaugali ni satanas na nagtatago sa maputing balat.

Hmpp maputi ka nga,maitim naman yung budhi mong animal ka!!gusto ko sanang sabihin ngunit nagising ako sa isang tikhim at nung tumingin ako dito ay isang masamang tingin ang sumalubong sakin na walang iba kundi si sir dein.

"A-ahh hehe hi sir,may gusto lang po sana akong sabihin wag po kayong mag-alala tungkol po sa work to." putol ko na sa balak na pagsasalita nito na alam ko namang kokontrahin nya.

"Ohh!your the girl earlier diba??" tumango na lang ako dito at tipid na ngumiti dahil di ko naman kayang makipagplastikan dito.

"Ahh okay pero next time you should knock first before you come in okay?yan tuloy nakita mo ang di dapat makita tsk anyway ngayon alam mo na pede mong magamit ang style na yon sa magiging lalaki mo!" masaya pang pahayag nito na akala mo ay sobrang ganda ng naisip.

Ngumiwi  na lang ako dahil di ko maisip na gagawin ko yon sa ibang lalaki kung yung unang nagpabaliw sakin ay hindi nako hinayaang makaahon.

Magsasalita na sana ako ng pinutol naman ng boss namin.

"Hey cinds cut it out,diba may lakad kapa?come on ihahatid na kita sa baba.and you miss cariño wait for me in my office I'll just accompany her." kung anong lambing ng tono nito sa babae ay sya namang tigas pag dating sakin.

Edi sya na mag sama sila mga bwisit sila.pero di ko parin mapigilang ang sarili ko na tignan ang papalayong bulto ng dalawa habang nakaabrisiete ang babae sa kanya.



"Ganyan talaga kapag nagmamahal laging mong mararamdaman yung sakit,at kahit anong Iwas mo lalapit at lalapit parin ito sayo mag mahal ka man o hindi." sabat naman ng nasa likod ko kaya napatingin ako dito habang nagpupunas ng luha.

"Haha ano ka ba naman ate Jenna ehh ano ka guru na ngayon?" idinaan ko na lang sa tawa yung sakit.

"Hay nako kayo talaga akala ko pa naman magtatagal kayo. ayun at dumating lang yung isa ay na tanga na naman si boss di marunong pumili ng tunay na ganda ehh." natawa na lang ako dito dahil alam kong pinapagaan nya lang naman yung loob ko.

"Natural ate mana mana lang yan ehh." sabay ko sa biro nito na tinawanan nya lang din.

"O sya pumasok kana at baka bumalik na si boss ayusin mo yung mukha mo,ayan na nga lang ipagmamalaki natin dudungisan mo pa hala sige pasok na!!" wala naman akong nagawa ng itulak nya ako papasok.



Kaya naman ng makapasok ay kaagad kong inilibot ang paningin na tila kinakabisado ang lahat ng parte sa bawat sulok dahil siguradong matagal tagal pa bago ako makabalik o baka nga hindi na.






"So?what do you need?" nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita sa likod pero di ko pinahalata at humarap dito bago ngumiti ng tipid.

"I'm just here sir to pass my resignation letter.tutal naman po ay p.a nyo parin ako kaya dito na ko dumeretso." sabi ko at iniwasan ang kanyang blangkong mga mata.


"Just put their in my table.and ohh before that why are you resigning again??" kulang na lang ay makurot ko sya sa bumbunan dahil sa tanong nya.


Kinginang manhid neto syempre una ikaw sumunod ikaw yung huli ikaw padin!!gusto ko sanang isigaw pero syempre joke lang di na nga ako makatingin ng maayos sabihin pa kaya yon?kaya naman sinabi ni ko na lang ay...

"Kasi po nagrereklamo na yung mga magulang ko na bakit di na daw ako nauwi at kung may balak pa daw akong umuwi kaya naman naisip kong bumalik na lang po sa lugar namin para di na po nila ko kinukulit." bagkus ayon na lang ang sinabi ko.

Pero totoo yon ahh tinawagan ako nung nakaraan ng nanay at sinabing kung wala daw akong balak kahit na mag bakasyon man lang doon ay itatapon na lang nila lahat ng gamit ko dahil perwisyo lang daw kapag nililinis dahil wala namang gagamit.at tutal naman ay malaki na ang ipon ko pede na kong mag tayo ng sariling negosyo.

"Okay." Teka?yun na yon?wala man lang na"so iiwan mo na ko?"o kaya naman"wala lang ba sayo yung mga pinagsamahan natin?"pero naisip ko na iba nga pala itong taong to dahil kahit kailan ay di ko narinig ang ganong salita na galing sa kanya.

"Pero may gusto sana akong itanong bago sana ako umalis." pigil ko dito ng nunkang lalakad na sya.ni hindi na nga kami na kaupo at magkaharap lang at tanging coffee table lang ang pagitan.

"What is it?come on sabihin mo na kasi busy ako okay??" inip na sabi nito kaya wala akong nagawa kundi ipagpatuloy na lang ang nais itanong at bumabagabag sakin simula nung mga nakaraan pa.



"Mahal mo ba ako??"



The Love GapOnde histórias criam vida. Descubra agora