39

3 1 0
                                    

Muntik ng magkagulo ng malaman ng tatay na si dein ang ama.nasuntok pa nga ito sa mukha at pasalamat na lang at hindi ito bumawi.ngunit nauwi naman ito sa usaping...

"tatanungin kita Aldrich iho,mahal mo ba ang anak ko?" tanong ni nanay kaya napalaki ang mata ko sa sobrang bigla.

"Nay!ano ba namang tanong yan!kita mo namang seryoso tayo dito bigla kang magbibiro." sabi ko sabay tawa ng pagak ngunit ng tignan ko sila ay kapwa nga seryoso na akala mo ay nakasalalay ang buhay nila sa sagot ng katabi ko.

"Mukha ba kong nagbibiro?ha Cheng?" saad pa nito kaya napalunok ako dahil sa kahihiyan at gulong pinasok ko.

"Nay,naman kasi!hindi ho yan ang tamang oras para dyan,okay?saka may kanya kanya tayong---" pero biglang naputol ang sa sabihin ko sana ng sumabat ang lalaking nakatingin din ng seryoso sa magulang ko habang may bangas ang mukha.

"If I don't love your---" muntik na kong matawa dahil pinutol din ni tatay ang sasabihin nito.

"Hoy bata ka!magtagalog ka dahil nandito ka sa pamamahay namin!hindi porket naging boss ka ng anak ko ay mag-aastang siga ka na lang kahit san ka magpunta matuto ka ring lumugar dahil nasa lugar ka ng mahihirap." sabi ng tatay ko na mas mahinahon na ngayon.

"Sor--pasensya na po,at uulitin ko na lang po yung sasabihin ko sana...hindi po sana ako nandito kung hindi ko ho mahal ang anak nyo.napangunahan lamang po ako ng takot na baka may mangyaring masama sa kanya kung magpapatuloy ang relasyon namin noon.hindi lang naman po sa business ang kalaban ko pati na rin po ang nakaraan kaya naipit po ako sa sitwasyong mahirap takasan at alam kong kapag pumili ako ay masasaktan at masasaktan sya." seryoso ng sabi nito.

"At bakit hindi mo na lang ginawan ng paraan?edi sana maayos na ang buhay nyo ngayon,sana hindi kayo aabot sa puntong magkakahiwalay."saad ng tatay ko.

" maniwala ho kayo at sa hindi gumawa naman po ako ng paraan.yun nga lang,yung ibang desisyon ko ay alam kong sobrang nakasakit sa kanya.hindi naman po ako nagsisisi dahil kung hindi nangyari yon ay hindi namin matatagpuan ang mga sarili namin na walang tulong ng isat isa.mas natuto ho kami sa maraming bagay kesa noon na para kaming mga paslit na bata na kailangan pa ng gabay.ngayon ay kaya na naming tumayo at mag desisyon ng sarili namin.kaya kahit nasaktan ko sya ay alam kong may natutunan pa rin kami sa nangyari at di bale nang masaktan ako basta makita syang sumaya kahit magkalayo kami,kesa magdusa sya kasama ako."magalang na saad nito.nakita ko namang napatango ang nanay ko at napangiti siguro dahil nahikayat sya sa mga sinabi nito.ang tatay ko naman ay kalma parin ngunit mababatid ang mas magaang awra na nakapalibot sa kanya.

"Sige kung ganon kaya mo bang gawin ang mga ipapagawa namin sayo?" saad ng tatay ko kaya napatingin sa kanya ang nanay.

"Wala sa plano natin yan!" rinig kong bulong nito.o kung bulong bang matatawag dahil alam kong narinig din iyon ng katabi ko.

"Basta makisakay ka nalang!pahirapan mo naman kahit konti yang lalaking yan dahil sa pananakit sa anak natin.hindi yung nakakita ka lang ng pogi ay pagbibigyan mo na,aba!mas magandang lalaki naman ako nung kabataan ko no?" balik naman ng tatay ko kaya napatawa na lang ako dahil sa diskusyon nilang dalawa.

"At bakit ka natawa nak?" tanong ng tatay ko.natatawa ko naman itong sinagot.

"Eh kasi tay magyayabang ka na lang yung di pa halata,nakita ko nga yung litrato nyo ng binata at sobrang payat nyo don ahaha akala ko nga ng una pede nang ituro bilang skeletal system dahil parang kita na yung buto nyo ahaha!" tawa ko ng makita ang wedding picture nila ng nanay sa album.

"Aba tinawanan ako ng anak mo Linda!ayaw maniwala na magandang lalaki ako nung kabataan.abat babae ang nanliligaw sakin noon.kahit payat ako ay alam ko na kung pano maghanap buhay,dahil ang nanay ko ay wala namang pakialam samin simula ng nagkaroon ng bagong asawa." ayan na naman kami sa kwento ng tatay.halos masaulo ko na yan ihh.

The Love GapWhere stories live. Discover now