19

2 1 0
                                    

Napagpasyahan na lang na dito na din sa hotel kami tumuloy.kasi nga iyon yung suggest ko,sinabi ko na para mas masaya kasi mas maraming tao kaming makakasalamuha kesa naman sa rest house na kami kami lang den kaya baka di namin masulit kasi baka tamarin.



Nung una ayaw pa ni dein kasi daw baka lumandi lang ako at aaminin ko nasaktan ako don,kasi feeling ko ambaba ng tingin nya sakin buti nalang napagsabihan sya ni tita.


So ayun na nga pagkatapos namin magpahinga kahapon (ay mali sila pala kasi nga nauna na kong mag-enjoy)ay nagsimula na din kami.inuna ng mga matatanda na libutin yung mga tourist spot kaya wala kaming nagawa ni dein kundi sumunod.

Sa loob ng tatlong araw ay puro saya lang naman yung naramdaman namin nandyan yung pags-swimming,diving,snorkelling, skiing, nag try din kami sa mga inflatables like banana boats at namangha nga ako dahil lahat yon nasabayan nila tito.dahil kunsabagay masyado pa naman silang mga bata kasi kung tutuusin ay parang wala pa nga silang anak kung umasta dahil malimit din sawayin ni dein yung mga magulang nya.

At syempre isa pa sa kinahahangaan ko sa kanila ay kahit na matagal na silang mag-asawa ay hindi parin nawawala yung sweetness nila sa katawan.naiinggit tuloy ako sa kanila kasi naisip ko kung totoo na magkasintahan din kami ni dein ay baka matulad kami sa mga magulang nya na nagmamahalan ng walang pagkukunwari.

Tila nagising naman ako sa malalim na pagiisip ng may yumapos sa akin mula sa likuran.isa pa sa napapansin ko simula nung may nangyari sa pool ehh masyado ng dikit ng dikit si dein sakin na akala mo ay lagi akong mawawala.

"What are you thinking?hmm?" tanong nito habang ipinatong naman ang kanyang baba saking balikat.di ko tuloy maiwasang mangiti at kiligin ng palihim sa inaasta nya para tuloy kaming mag-asawa na ngayon palang mararanasan ang honeymoon.

Pakiramdam ko bigla akong namula ng maisip yung honeymoon pero iwinaglit ko ito sa akong isip dahil alam kong malabong mangyari yon.lihim na lang akong napabuntong hininga bago sinagot yung tanong nya.

"Ako?ahmm wala naman naiisip ko lang kung ano na ang mangyayari pag natapos na yung bakasyon natin dito" at kung ano na ding mangyayari satin pagkatapos ng kasunduan.gusto ko sanang idagdag kaso ayoko namang sirain ang ganda ng atmosperang nakapaligid samin.

"After this?" tumango naman ako at di nagsalita kaya tinuloy nya ang nais sabihin.

"Were going back to the company,yeah same old days.and you really know why were here right?because we need this to calm ourselves far away from stress." sumangayon na lang ako sa sinabi nya.

Katahimikan ang namayani samin ng iharap nya ko sa kanya at magtatanong na sana ako kung bakit ngunit sinalubong lang ako ng mga labi nya.

Hindi naman ito yung unang beses na naghalikan kami pero yung pakiramdam yung nagpapabaliw sakin kaya wala akong nagawa kundi tumugon sa mga halik na binibigay nya.

Gumalaw ang kanyang mga labi na sinabayan naman ng akin hanggang sa naramdaman ko ang kanyang dila na ipinapasok sa aking bibig at dahil akoy lunod na sa nararamdaman ay kusa itong ibinuka upang sya ay malayang makapasok.

"Uhmm"

Ungol ko ng bigla nyang sipsipin ang aking dila na naghatid ng init sa aking katawan.hindi ko na maisip kung ano ang mangyayari pero pilit kong hinahagilap sa puso ko ang salitang pagsisisi ngunit wala akong makapa kundi kaligahayan,kaligayahan na alam kong iisang tao lang ang may kayang gawin at kahit kailanman ay walang tutumbas.


Nararamdaman ko na ang kanyang kamay na minamasahe ang aking dibdib at ang kanyang halik na bumaba na sa aking leeg ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Damn it!!" mura nya sabay layo,ako naman ay habol hininga dahil di makapaniwala na aabot kami sa ganon.tinignan ko sya na halatang gigil dahil sa higpit na hawak nya sa kanyang cellphone.

"Hello!!" salubong ang kilay na bungad nya na halatang di na tinignan yung caller.nagbago naman ang hilatsa ng mukha nito nung sumagot ang nasa kabilang linya.

"I'll just going outside hmm?" anito sakin habang nakatakip ang kamay sa telepono at hinalikan ako bago dere-deretsong umalis.




Hindi ko alam kung anong meron pero nakaramdam ako ng takot ng iwan nya kong mag isa dito sa loob ng unit para samin.

At naniniwala akong hindi sa company yon dahil sinabihan nya ang secretary na walang tatanggaping tawag dahil nasa bakasyon kami at sabihin din sa mga gusto syang makausap ay next week na at gawan na lang ng schedule. kaya nagtataka ako ng bigla na lang syang aalis at iiwan ako dahil lang sa kausap nya.


Pinilit ko na lang iwaglit ang nasa isip ko at napagpasyahang mamasyal na muna para makapagpahangin at malimutan na rin ang mga nangyari kanina.





------

Pagpasok ko sa unit ng hotel room namin ay nagulat ako ng lumabas si dein sa banyo na bagong paligo at nakatapis lang ng tuwalya sa ibaba kaya di ko napigilan ang sarili na titigigan ang gandang likha ng kanyang magulang.

"Ahem!ahmm kanina sino yung kausap mo?" mahina kong tanong dahil naiilang nako sa titig na binibay nya sakin.

"None of your business" malamig na sagot nito kaya nagulat ako dahil di ko inaasahan na ganon yung isasagot nya,dahil sa tagal na din naming mag kasama ay ngayon nya lang ulit ako kinausap ng ganyan.

"A-ahh okay,sorry!" hinging paumanhin ko na lang.

"And ohh tell mom and dad that I will not eat dinner."

"Bakit?" di ko na namang mapigilang tanong.

"Just tell them I'm tired okay?and I'm not starving!!" nagulat na lang ako sa pagsigaw nito at nakita nya naman iyon ngunit binalewala nya lang at dumeretso na sa kama ng hindi nagbibihis at nahiga patalikod sakin.


"S-sige kung yan yung gusto mo magpahinga ka na lang." habang sinasabi ko yon ay di ko mapigilang manginig dahil sa takot.

Naka labas na ko ng naramdaman ko ang basa na nasa aking pisngi at nung hawakan ko ito ay tsaka ko lang namalayan na napaiyak na lang ako sa takot dahil sa nangyari kanina.



Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero sana maging maayos na ulit bukas.

The Love GapWhere stories live. Discover now