26

3 1 0
                                    


Nandito na ko sa harap ng dati naming bahay na halatang bago ang pagkakagawa.natawagan ko na din sila madel at sinabi lang nila na magingat  na lang daw ako.

Napansin ko naman na pinagtitinginan na ko ng mga marites na kapitbahay kaya naman huminga muna ako ng malalim bago mag doorbell.

"Sandali lang!!" nagalak ang buong pagkatao ko ng marinig ko kung kay ninong boses iyon nagmula.

"Ano ho ang maipagliling--cheng??" nanlalaki matang tanong sakin ni nanay kaya naman mabilis na niyakap ko sya sa sobrang sabik na makita.

"Nay!nakauwi nako huhu na miss ko kayo!anlaki na ng bahay natin hindi na tayo maglalagay ng mga balde sa tulo pag naulan." sabi ko dito habang yakap sya at umaagos ang luha.

"An-nak,nakabalik kana?ohh ang panganay ko!antagal mong nawala hali nat pumasok na tayo siguradong matutuwa ang tatay at mga kapatid mo nyan." sambit naman ng nanay habang kita ang saya sa maluhaluha nyang mga mata.




Pag pasok namin ay nakita namin silang na sala at nag mimidnight snack pa.ginabi na din kasi ako ng uwi dahil nga hapon nako nakaalis sa makati.

"Nandito na ang ate Cheng nyo!ano pang hinihintay nyo at nakatunganga lang kayo dyan!!" sa sinabing yon ni nanay ay nag unahan naman yung dalawang hambog kong kapatid.

"Ate!!/ate cheng!!!"sabay na sabi ng dalawa at dinamba ako ng yakap.pero di rin naman nagtagal yon dahil bumitiw din sila.

" ate Cheng wala ba kong pasalubong dyan?kahit sapatos man lang??"sabat ng bunso kong kapatid na lalaki.

"Ako ate?wala bang mga damit kahit pangalis ko dyan?o kaya naman bag??" sabat naman nung babae hindi ko na babanggitin ang mga pangalan dahil mga walang hiya talaga na imbes ako yung alalahanin inuna payung mga pasalubong ko.kung hindi ko lang sila mga kapatid ay nailibing ko na sila sa lupa sa sobrang gigil.

"Tengene kayong dalawa lagot kayo sakin mamaya" pabulong na sabi ko sa dalawa kaya naglayuan naman at nagsumbong.

"Nanay si ate nagmumura ohh kakauwi lang nyan!" sumbong ng hinayupak kong mga kapatid.

"Luh nay wala kong sinasabi kakauwi ko lang ako na naman ang pinagtitripan ng dalawa!" depensa ko at di ko alam kung nag diwang anghel ang sinabi ko dahil napingot ni nanay ang dalawa.

"Sya nga mga depungal kayo kakauwi lang ng ate nyo puro pasalubong agad ang hinahanap nyo ni hindi nyo tinanong kung ayos lang sya!!" napangisi naman ako ng makitang dumadaing na ang dalawa.pero panandalian lang pala yon dahil bigla akong piningot ni nanay.

"Aray!naman nay isa ka pa ohh kakauwi ko lang kamay nyo agad natikman ko!!" ngiwi ko habang hinihimas ang tenga at yung dalawa naman ay napabungisngis na lang bago ako dilaan.

May araw din kayo sakin tignan nyo!!

"At ikaw namang babae ka!kung hindi ka pa binalaan na itatapon ang gamit mo ay di kapa uuwi anong klase kang anak at di man lang kami madalaw na pamilya mo!hindi ka naman nag ibang bansa ahh nasa makati ka lang naman akala mo nasa mars kana at di ka makadalaw!!" gigil na sabi ni nanay na akala mo ay di ako inyakan kanina.

Tumawa na lang ako bago yumakap at umabrisiete kay tatay.

"Ehh kasi naman nay,na wrong timing yung pag apply ko nun.sumaktong hectic yung schedule dahil maraming clients kaya hindi kami na kakapagleave ng mahaba at tsaka sayang naman kung mababawasan yung sahod ko no?" partly true yung sinabi ko dahil marami ngang laging cliente ang kumpanya dahil saklaw ng villacorte ang halos lahat ng business kaya hindi din biro yung trabaho namin.pero hindi din naman totoo na hindi ako nakapag bakasyon no?dun nga may nangyari samin ni--uhh wag na pala banggitin.

"Oo nga pala anak sa sobrang tagal mong nag trabaho dyan ay ni hindi mo man lang ata nabanggit ang pangalan ng pinagtrabahuhan mo?" sabat ng tatay kaya naman sinagot ko na ito habang nakaupo.dahil si tatay lang naman ang hindi tumayo dahil alam nyang ako ang lalapit sa kanya.minsan kasi ay hindi mo mahahalatang nagtatampo yan dahil kinikimkim nya yung saloobin nya.

"Sa villacorte inc po ako nag trabaho tay kaya malaki po talaga yung sahod.tsaka di ba pinakita sa inyo nitong dalawang abnoy yung litrato ko sa facebook?andami ko ngang picture ehh lalo na yung sa office."

"Sa villacorte yon ate?kaya pala ang ganda.teka edi nakita mo na yung gwapong Aldrich dein Villacorte ha ate?yung CEO ng villacorte group?" sabat ng mahadera kong kapatid.at kahit wala naman akong iniinom ay bigla nalang akong nasamid.pambihirang buhay naman to oo kakauwi ko palang at sinabing mag momove on ay pinapalala pa ng mismong pamilya ko yung lalaking yon.

"Oo at teka nga ang landi ahh makagwapo ka ehh hindi mo naman alam ang ugali non.ang sungit sungit kaya non!" sabat ko dito.

"Kahit na ate pogi paren yieee kinikilig ako ate nakita mo na yung crush ko!!!" sa sobrang gigil ko ay nabato ko sya ng unan na nasa sofa kaya tawa naman ng tawa ang isang bakulaw dahil nalukot yung mukha ng isang ate nya.

"Hay tumigil na nga kayo!nagsisimula na naman kayo ehh.kayong dalawa tulungan nyo ang ate nyong Ipasok ito sa kwarto nya." sabi ni nanay na hawak ang mga maleta ko.

"Teka nanay ibibigay ko na yung mga pasalubong nyo tutal yun yung hinihintay ng dalawa kaya ganyan." napangiti naman ang dalawa habang ako ay lihim ding napangisi.

Sige masaya kayo ahh,makakabawi din ako hahahaha.

Inilabas ko ibang mga nakabalot pero may iniwan ako sa loob.

"Ohh eto nay,tay,couple cellphone po para may mapaglibangan kayo bukod sa TV at dyaryo.nay eto mga gamit pang alis nyo kumapleto na yan mapa damit o ano para naman kapag aalis tayo eh maporma.eto tay ganun din yung iyo para may pang lakad kayo." sabay abot dun sa mga binibigay ko.

"Ay salamat naman anak,nakikita ko kasi si alma na naglalaro ng tongits sa selpon kaya gusto kong subukan mabuti at ito ang pasalubong mo ang ganda pa ohh!" sabi ni nanay kaya napangiti naman ako.

"Sobra sobra nato anak wala namang akong mapag gagamitan ehh at tsaka hindi naman ako mahilig magbabad sa mga ganyan mas okay pa yung TV ay." sabi naman ni tatay kaya umusod ulit ako dito palapit.

"Okay lang yan tay ano kaba,pede ding pantawag yan no?makausap nyo sila Lola sa probinsya ng makabalita naman tayo kala tita." sabi ko kaya wala naman syang nagawa.

"Ehh kami ate?kami pa talaga yung hinuli ehh?" reklamo ni alyanna.

"Psh ohh eto ohh tignan nyo dyan sa nakaplastic mag kasama kasi yung inyo ehh!"sabi ko sabay bigay ng malaking plastic na pinagkaguluhan naman ng dalawa.


" ano to ate?brief??eh kaya ko namang bumili neto ehh papabili nalang ako kay nanay.magbibigay ka na lang brief pa!mas maganda yung kala nanay kesa sakin e!!"reklamo ni aiden kaya pinigilan kong matawa dahil hinintay ko pa yung reaksyon ng isa.

"Ate ano to!?panty tsaka bra?tapos so-en pa yung tatak ng panty!alam mo namang dun din kumuha ng panty si nanay sa bumbay tapos so-en din binigay mo?parang inutang mo din ata to ehh!!" hirit ng isa pa kaya dun na ko tuluyang natawa dahil sa mga reaksyon nila.




"Hahahaha my ghod ahaha mga uto uto talaga pag dating sa regalo hahahaha sorry yan lang yung natira ehh" gaspang ko pa.

"Nanay ohh!/tatay ohh!" sumbong nung dalawa sa magulang namin na natatawa na den.

"Ibigay mo na nga Cheng at iiyak na yung dalawa ehh." suway ni tatay kaya inilabas ko na yung sa kanila talaga.

"Ohh ahaha mga atat kasi ehh ayan tuloy.wag nyong higpitan mga baliw at may selpon din dyan sa loob!" saway ko nung makitang kinakapa nila yung loob.

"Mabuti nang sigurado no baka memeya facemask lang yung nasa kahon e."

"Ay sayang di ko naisip yon ahh sige next time na lang." hirit ko kaya nakatanggap naman ako ng masamang tingin sa dalawa na tinawanan ko lang.

"Osya osya magsitulog na kayo at gabi na den.sa kwarto nyo na lang tignan yang bigay ng ate nyo.ikaw Cheng kakain kaba?" tanong ni nanay na inilingan ko lang dahil mas gusto kong matulog na lang ng mapahinga lahat ng cells ko sa katawan.

Tsaka ko na sa sabihin sa kanila sa nagresign na ko siguro naman ay okay lang dahil wala na kaming utang.tsaka ko na lang din po-problemahin yung mga problema ko dahil ngayon mas kailangan ng katawan,puso at utak ko ng pahinga.

The Love GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon