41

3 1 0
                                    

Ngayong araw ay napag pasyahan namin ni dein na ipakilala ang bata sa mga lolo nito na nasa manila,kaya naman ngayon ay lulan na kami ng kotse papunta sa mansyon ng mag-asawa na kanina pa raw naghihintay.

"Sya nga pala dein,san ka natutulog nung nasa laguna kapa?" tanong ko dahil nung mga huling araw na sya pinayagang matulog sa bahay.

"Sa hotel." maikling sagot nito habang hawak ang kamay ko kahit na nagmamaneho sya.

"Ehh pano yung trabaho mo non?" tanong ko pa rin.

"Daddy handle it for a while,while im in Laguna,trying to pursue you and your family.tsaka ang mommy rin mismo ang nagsabi sakin na hindi ako makakatuntong ng manila hanggat di tayo nagkakaayos.siguro alam na din na nakauwi ka na kaya ayun ako yung kinulit ng kinulit." napapailing na lang sa sabi nito.

"Ayy oo nga pala,sa tagal naming nasa states bakit di mo man lang naisip na puntahan na lang kami?" tanong ko dahil mahigit dalawang taon na din nung nagkahiwalay sila ni cindy.

"Naisip ko na yan pero ayoko na mang pangunahan ka.alam ko namang babalik at babalik ka sa pinas dahil nandito ang pamilya mo.tsaka isang beses din sa isang buwan ako napunta para makita ka yung nga lang hindi ko alam na anak natin nun si drake,dahil bukod sa nasa malayo ako hindi ko nadin ipinaimbestiga dahil dalawang bata lagi yung kasama mo bukod sa mga kaibigan mo.tsaka mahigit dalawang taon ko lang din nalaman kung san ka naglalagi." mahabang paliwanag nito.kaya pala hindi nya nalaman na anak nya si drake dahil mag-dadalawang taon na ata ito ng mahanap nya kami ngunit hindi naman makalapit.

"Edi sana tinry mo na rin,malay mo dun sa states palang nag kaayos na tayo edi sana napaaga din yung uwi namin." sisi ko din sa kanya dahil sa pagiging duwag na magpakita samin.

"Sinabi ko naman na ayokong pangunahan ka,dahil una ako ang nagtaboy sayo,pangalawa akala ko ay sobrang galit ka sakin na halos isumpa mo na ko kaya ka nagpakalayo layo." nakangusong sabi nito kaya di ko napigilan na pisilin ang pisngi nya na ikinadaing nya.

"Cute!" sabi ko na lang.ngumisi naman sya sakin.

"Ikaw ha,kung merong nangyari satin iisipin kong naglilihi kana.atsaka gwapo ako!pano mo nasabing cute?" tatawa tawang saad nito kaya nahampas ko sya dahil sa kahihiyan na lalong ikinalakas ng tawa nya.tinignan ko naman si drake na nasa backseat at nakahinga ng maluwag ng matantong mahimbing parin ang tulog nito.

"Psh bunganga mo nga!puro kabalbalan na naman ang lumalabas dyan nakikita mo ng tulog ang anak mo ang lakas mo pang tumawa." sita ko dito.ngunit ngumisi lang sya.

"Its your fault love,not mine.you making me laugh and smile at the same time.you making me realize your worth and the beautiful things that surrounds you,and I'm proud because the woman I love the most is the same woman who love me even more and I'm thankful for that." malambing na saad nito na syang ikinatunaw ng inis sa loob ko at napalitan ng naguumapaw na saya at pagmamahal dahil sa taong nagparamdam sakin ng samut saring emosyon.kaya naman dahil sa kilig ay hinalikan ko sya sa pisngi na syang ikinagulat nya ngunit kalaunan ay napangiti na lang din.






---------

Nakarating kami sa mansyon ng magtatanghali kaya naman naghihimutok na ang anak namin pagkagising na gutom na daw sya.

"mommy dutom na to,are we here na po ba?usto to nang tumain ehh!can we tell to the house of grandpa and grandma to be near?" tanong nito na ikinatawa namin dahil hindi nya napansin na kanina pa kami nakatigil sa may garahe ng lolo nya at hinihintay na lang syang magising.ngunit ayan agad ang lumabas sa bibig nya pagkagising.

"Hay nako baby,kanina pa po kaya tayo nandito.ikaw na lang ang hinihintay kasi tulog ka pa." sabi ko dito kaya napapapahiyang inilibot nya ang tingin bago may alanganing ngiti sa labi nito habang nag kakamot ng ulo.

"bat di no po nisabi agad mommy!ato na lang po pala dapat winake no na lang po ato!" ungot nito na nagpailing samin bago bumaba.nagpakalong naman ang bata sa ama kaya naman dumeretso na kami sa loob.

Pagtungtong pa lang namin sa pasimano ng bahay ay agaw pansin na ang mag-asawa na parehong nakatayo sa may living room na kababakasan ng tuwa.

"Nandyan na sila hon!!" tuwang tuwa na sabi ni tita Alisha sa asawa habang inaalog alog ito kaya naman napatawa ako.nabaling naman sa aking ang tingin ni tita bago nagkukumahog na tumakbo palapit sakin bago ako yakapin.

"Iha,na miss kita!lalo kang gumanda.hiyang ka na sa ibang bansa,pagpasensyahan mo na ang kagaguhan ng anak ko at ako na ang nagmamakaawang balikan sya hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang yan nung mawala ka ehh.mas lalong naging bulakbol." medyo naiiyak naman na sabi ni tita kaya nagtatakang magtatanong na sana ako ngunit na unahan ako ni dein.

"Mom!wag nyo na pong pakonsensyahin si ria,ako naman po ang may kasalanan kaya okay lang." sabi nito habang pinandidilatan ng mata ang nanay.nakatanggap naman sya ng pingot dito nakalimutan na buhat nito ang bata na nakatingin lang samin habang hawak ang tiyan.

"Hay nako Aldrich wag mo kong pandilatan ng ganyan!abat---" magsasalita na sana ito ngunit nabaling naman ang atensyon ng ginang sa bata na direkta ng nakatingin sa kanya.

"Omy ghod!drein tignan mo to dali!!sya na ba ang apo namin iha?" tanong nito kaya nakangiting tumango naman ako.nakita kong lumapit na din si tito drein upang makita ang tinutukoy ng asawa.

"Opo tita,tito si Ashton drake po."pakilala ko naman sa anak ko.

"Aba ay ka gwapong bata naman nire!kamukhang kamukha ng lolo nung kabataan ko ehh!" pagmamayabang ng ginoo kaya napatawa naman ako.

"Dad ako yung tatay kaya ako yung kamukha!di nyo ba napansin ohh tignan nyo pa kami talaga ang hawig." kontra naman dito ni dein na nagpailing sakin dahil sinakyan pa ang kayabangan ng tatay.

Napatawa naman ako ng batukan ito ng sariling ama.

"Abnormal ka talaga,ayaw mong magpatalo na magkamukha kami ehh sa akin kadin naman galing kaya kamukha din kita pati yung apo ko!!" sabi ni tito na nagpatawa samin.natigil lang nung kumulo yung tiyan ng anak ko ngunit meyameya ay bumunghalit din ng tawa.

"Mommy,tabi tayo dutom na to ehh!tanina pa tayo ito di pa tayo natain!!" atungal nito na nagpangiti na lang sakin.nabaling naman ang atensyon ng bata sa mag-asawa ng mag salita ang mga ito.

"Is my grandson to hungry?" tanong ni tito kaya nag-aalangan na tumango ito.

"Ohh tara na at ng makakain na ang apo ko!pede ba kitang kalungin iho?" tanong naman ni tita kaya napatingin samin si drake na tinanguan lang din namin kaya naman nahihiyang sumama ito sa lola kasama ang lolo nito.

"Ayy nako ang bigat na pala ng batang ire, napakalsuog mo ahh!ang cute cute mong bata ka.memeya papakita ko sa iyo yung picture ng daddy mo nung bata pa." sabi nito sa apo at nauna nang naglakad kasama ang asawa.narinig ko namang nagsalita ang anak ko na nagpatawa sakin.

"Tige po,pewo po pede tain muna?dutom na po tasi ako taka po tabi mommy sarap kain ito.miya na po yung picture daddy to po ahh" inosenteng sabi nito.

Napatigil ang pagmasid ko sa mga ito ng pumulupot ang kamay ni dein sa bewang ko bago ako nito hapitin palapit.

"Tara na?nag-uungot na yung anak natin at gutom na daw.para din makapagpahinga tayo kahit saglit lang." yaya nito na sinang ayunan ko bago kami sumunod sa mag-asawa kasama ang anak namin na nasa dining na.

The Love Gapजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें