4

5 1 0
                                    


~bahay~

"Nandito na ho ako."

"Ohh bat naman ang aga mo?" Tanong ng nanay.

"Kasi ho nay wala na akong trabaho ehh hehe" habang sinasabi ko yun pahina ng pahinga yung boses ko pero nagkataong dun din ata tumalas yung pandinig nya kasi biglang nanliit yung mata nya ehhh waahhh

"ANO??at bakit ka naman nawalan ng trabaho siguro ikaw may kasalanan ehhh di ka naman paaalisin kung wala kang ginawa ehh sige nga ano bayan ha ke bago bago mo dyan nawalan ka kaagad!!"singhal pa nya tignan moto nasisi pako ehh di pa nga bumubuka yung bibig ko napagbintangan agad

" hindi ako!okay?...siraulo kasi yung boss kung yun ehh ako ba naman yung pagbintangan na nagnakaw ng pera sa punyeta nyang kompanya malay ko ba dun sa pera ng hukluban na yon kaya ayun imbis na I fired ako nag resigned na lang ako hehe"nagpapacute na ko nyan para naman mabawasan yung galit nya hehe

"Ano?ehh depungal din pala yang ano mo ehh edi sana kung ikaw yung kumuha mala palasyo na yung bahay naten aba pag nalaman ng tatay mo yan naku daig na naman nun ang babae kakaputak." ahahaha lam na dis si tatay kasi ehh pag may problema kahit maliit lang ehh sobra na dumada kala mo tuloy laging may kaaway ehh pero kahit ganyan yun ehh mahal ko yun,sila mahal ko sila kasi sila lang yung meron ako ehh maswerte nako na kumpleto kami di katulad sa iba na napagkaitan hayysss.




At gaya nga ng napagusapan ng nalaman ng tatay ang nangyari kung bakit ako nawalan ng trabaho ehh kung ano ano na yung sinabi may sa "bakit ko daw hinayan yon"meron pang " baka pagtsismisan tayo ng mga kapitbahay ng kung ano ano na wala namang katuturan."o kaya"dapat sinapak mo di kita tinuruan nung bata na manuntok kung di mo ginagamit matututo kayong lumaban kaya kayong dalawa ha pag may nangaapi sa inyo patulan nyo pag kayo yung tama di yung hinahayaan nyo lang aba di ko kayo pinalaking ganyan."kaya pag may sermon ang pari sa bahay ehh lahat kami damay ahaha minsan okay lang pero minsan den nakakairita lang kasi kahit wala kang ginagawa ehh masisi ka kaya minsan nananahimik na lang kami ehh taktik daw yon sabi naman ng nanay ahaha.


---

So sa loob ng isang linggo wala akong ginagawa syempre pahinga muna no kakatanggal lang ehh lulubuslubusin ko na.

Kaya lahat ng gusto kong gawin ehh ginawa ko like manood ng anime,kdrama,magbasa ng pocket book,eBook,manga,wattpad pati wecomics pinatulan ko na kahit alam kong sa Chinese yun ahaha maganda naman kasi yung mga stories kaso sa ibang chapter kailangang bayaran buti na lang araw araw may update kung hindi nakuuu nakakaurat.



Nung 2nd week naman ehh nag walk in ako ng mga company kung merong pagaapplyan ng trabaho pero yung mga sinasabi lang naman nila is iisa like

"Tatawagan na lang po namin kayo."

"We will just call you."

"Just wait for our call."

"Wait for the update."

Nak ng ayaw na lang nilang sabihin na di ako tanggap kahit na pasok naman ako kasi wala naman akong bagsak tsaka kahit papano may experience na ko dyan kesa naman kung wala mas lalong mahirap yun baka sabihin natengga ako ehh kakagraduate ko lang.

Kaya umuwi akong sawi

Nung 3rd week naman ehh sa online na ako nag hanap tsaka nag send ng resume sa mga company.masyado akong na pagod nung nakaraan ehh dagdag pa yung pamasahe sayang pang kain din kasi yun pero kagaya nung nakaraan ganun lang din yung nireply nila,pero meron din daw na ubos na yung slot o kaya nakahanap na.di lang nila nabura ihhhh nakakainis sila buburahin ko ehh nag iinit bunbunan ko sa kanila bwisit.

The Love GapWhere stories live. Discover now