Chapter 11: Meeting Her Family

Start from the beginning
                                    

"Siya nga pala, paano mo nasalo 'yong gano'ng kalakas na pag-strike ng bola?" baling na tanong niya kay Akira. Kaya naman lahat din kami ay napatingin na rin sa kaniya.

"Ahm... Volleyball is my favorite sport, that's why."

Naglalaro siya ng volleyball?

"Meaning, you're also playing volleyball?" hindi makapaniwalang tanong no'ng babae.

"Ganoon na nga,"

"Why don't you play with us, sometimes? What do you think?"

"Uh... Sige, next time."

"Great! Sige, balik na kami sa paglalaro, ah? Sorry ulit, Crystal," muli nitong paumanhin sa amin sa sinserong paraan.

Tumango lang ako sa kaniya. Nagsimula na siyang maglakad palayo kasama 'yong iba pa nilang kasama. Naiwan naman sina Remi at Molly na nakatayo lang.

"Bakit hindi pa kayo bumabalik do'n?" tanong ko.

"Sige, babalik na kami. Nag-alala lang kami kasi akala namin matatamaan ka talaga no'ng bola," Remi in a worried tone.

My friends are just too sweet.

"Well, thanks to Akira at hindi nangyari 'yon," usal ko.

"Thanks pala, Akira!" ani Molly at ngumiti lang sa kaniya si Akira bilang tugon.

"Sige. Balik na kami," paalam ni Molly at naglakad na rin silang dalawa palayo.

Ngayon ko lang na-realize. Kilala kami no'ng babaeng kalaro nila pero ako hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

"Hindi ko alam na marunong ka palang maglaro ng volleyball," namamanghang bulalas ko kay Akira nang muli siyang umupo sa tabi ko.

"Volleyball has been my hobby eversince."

"Thank you pala," sambit ko sa kaniya.

"You don't have to."

"I have to. Kasi kung hindi mo nasalo 'yong bola baka tuluyang tumama 'yon sa mukha ko. E 'di, hindi mo na sasabihin na cute ako." I pouted.

She chuckles. "Ano ka ba, Leigh! Siyempre cute ka pa rin kahit anong mangyari." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy nagkaroon ako ng utang na loob sa kaniya. "Ikaw ba? Hindi ka ba naglalaro ng volleyball or kahit na anong sports? Simula kasi nang lumipat ako rito never pa kitang nakitang naglaro ng sports."

"Actually, isa rin naman sa favorite ko ang volleyball. But..." Natigilan ako at humugot ng buntong-hininga. "Hindi ako puwedeng maglaro, eh." Ngumiti ako at

"Ha? Bakit naman?"

Because of my condition.

"Hindi kasi ako marunong maglaro. Sadyang favorite ko lang talaga ang sports."

Noon pa man na bata pa ako, mahilig na akong manood ng mga sports lalo na ang volleyball. But I'm not able to play any sports kaya hanggang nood lang ako. Naging kaibigan ko si Molly noon dahil palagi ko siyang nakikitang naglalaro ng volleyball kaya naman naging close kami dahil do'n.

"Gano'n ba?"

"Uhm..."

Ngumiti lang kami sa isa't isa at sabay na pinanood sina Remi habang naglalaro ng volleyball. Ngayon ko lang napansin na hindi pala magkakampi si Remi at Molly. Ang saya nilang panooring maglaro. Bakas sa mga mukha nila kung gaano nila kagusto ang sport na nilalaro nila. Bagay na hindi ko man lang naranasan o mararanasan man lang.

Lumipas ang mga oras at uwian na naman. Nagpaalam sa akin sina Remi na mauna na lang daw ako dahil may pupuntahan daw sila ng mga kalaro nila kanina, kaya naman mag-isa akong naglalakad ngayon palabas ng school. Nakatungo lang ako habang naglalakad at nang mag-angat ako ng tingin ay natanaw ko ang isang pamilyar na babae. Bahagya kong binilisan ang lakad ko hanggang sa naabutan ko siya.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now