Kawawa naman s'ya.

Mabuti na lang pala at ako mismo ang pumili ng mga Flight Captains na makakasama ko sa flight, kasi kung may ganito ding naganap, alam kong may mapapahiya talaga at ayaw ko no'n. Pinagpapasalamat ko nga at hindi na nagtanong pa si Daddy tungkol sa mga Flight Captains na pinili ko.

Itinuon ko lamang ulit ang buo kong atensyon sa harapan nang may marinig akong boses na nagsasalita na naman. She have a soft and silvery voice. Hindi ko alam kung nagpapacute lang ba s'ya o ganito talaga ang boses n'ya. Parang hindi makabasag pinggan at hindi nakakasawang pakinggan. Habang nagsasalita s'ya nakangiti ang mga labi n'ya at gano'n na din ang mga mata n'ya.

Ganito ang mga hinahanap ni Daddy. Ganitong ganito ang gusto n'ya.

"How old are you, hija." Daddy asked that makes her stopped.

"Twenty-five, Sir." Nakangiti pa rin s'ya, pero ramdam ko ang kaba sa boses n'ya. Hindi nga lang n'ya pinahalata.

"What do you think, Manuel?" Nilingon ni Daddy si VP Pimentel. "Board of Directors?" Nilingon n'ya ang ilan pang mga lalaki at babae na nakaupo din.

"She has a pleasant voice. Masarap pakinggan, hindi din s'ya nautal. Good for me." Sagot no'ng babae na sa tingin ko ay miyembro ng Board of Directors.

Napangiti ako sa sinabi n'ya na 'yon.

"She's also tall and slender. Maganda 'yong ngiti, natural. Tapos 'yong mga mata parang nangungusap habang nagsasalita." Si VP Pimentel na s'yang sinang-ayunan ng lahat.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko at hindi kalaunan ay tumango.

"You, Yvette? What do you think? Pasado ba?" Biglang tanong ni Daddy na s'yang nagpawala ng ngiti ko sa labi. Kaagad akong napaayos ng upo nang nasa akin na ang mga mata ng lahat. Napatikhim din ako nang wala sa oras.

"Well, for me, she's fit to be one of the —"

"Congratulations, you're qualified. You're now part of Project: REMI." Daddy said while nodding his head.

Kung kanina ay halos mapunit na ang labi ng babaeng Flight Attendant dahil sa lapad ng kan'yang ngiti, ngayon ay halos mabinat naman ang kan'yang labi dahil sa labis na pagkakaaawang ng kan'yang bibig. I know, she's shocked. I can also feel that she wanted to cry because of her swelling eyes.

"O My God, Sir! Thank you very much for this —"

"No, don't thank me, thank yourself. Thank yourself for doing your best here in our audition." Matapos 'tong sabibin ni Daddy kaagad s'yang pinaulanan ng palaklakpan ng mga Board of Directors at gano'n na din ni VP Pimentel. Nakisabay na rin ako sa pagpalakpak at gano'n na din ang mga Flight Attendants na nasa harapan namin.

After three hour, may isa na ring naging qualified! God, thank you! Akala ko matatapos ang araw na 'to nang walang magiging qualified sa panlasa nila! Sa panlasa ni Daddy!

"So, time check, it's already eleven-thirty am. Mag-lu-lunch na muna tayong lahat dahil halatang mga gutom na ang ating mga Flight Attendants dahil walang kabuhay-buhay ang kanilang mga mata ngayon."

Kaagad kong nilingon si Daddy sa kan'yang puwesto nang bitawan n'ya ang mga salitang 'yon.

"Alam ko ang mga iniisip ninyo," Tumayo si Daddy sa kan'yang silya at pinatitigan ang lahat ng Flight Attendants na nasa harapan namin. "Iniisip ninyo na wala akong puso, na masama ako, na hindi maganda ang ugali ko." Sabi ni Daddy habang tumatawa ng konti. "I am not like that, guys. However, kung 'yon ang iniisip ninyo tungkol sa akin at hindi na 'yon mababago, okay lang. Sanay na ako." Bahagyang lumingon si Daddy sa akin na s'yang nagpakabog ng puso ko. "Pero, ito lamang ang masasabi ko. Kung ngingiti man kayo ng peke, galing-galingan naman ninyo. Convince us not just with your voice but also with your smile. 'Yong smile na umaabot sa mga mata, hindi 'yong hanggang labi lang. Tandaan ninyo, beauty queens ang makakasalamuha ninyo, hindi lamang ordinaryong mga pasahero. Beauty queens 'to, guys, all over the world. Kaya kung gusto ninyong mapasama sa Project: REMI, just follow my simple rule; don't stutter. You guys are all Flight Attendants, so technically speaking all of you are fluent in public speaking. So, why stuttering is still visible? Why, I can still hear Flight Attendants stuttering at a simple word? Show us what you have guys, show us your potential. Convince us that you're deserving to be part of Project: Remi. That's all, you can now all take your break. May libreng pananghalian doon sa information desk. Puwede na kayong makalabas." Mahabang pananalita ni Daddy habang ang boses ay hindi tumataas. Para s'yang guro sa kan'yang boses na tinuturuan ang kan'yang mga estudyante. Para s'yang guro na pilit pinapaintindi sa mga estudyante ang leksyon na hindi nila naiintindihan. Very soft.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon