Chapter 09: Happiness

Start from the beginning
                                    

Ano?

Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko. "A-Ahh..." Ano ba ang sasabihin ko? Teka... 'Yong tinutukoy ba niya ay 'yong pinag-usapan namin kagabi? Seryoso siya ro'n? "A-Ahh, oo! May lakad nga kami ni Leigh ngayon." Hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya sa sinabi ko, hays. Kumalma ka Akira, please.

"G-Gano'n ba? Pero hindi ba kami puwedeng sumama sa inyo?" Remi asked na nakatingin kay Leigh.

"Well, it will be just the two of us. Saka, madalas naman tayong magkakasamang tatlo," tugon ni Leigh.

"Ahm..." Magsasalita pa sana si Remi subalit hindi na niya naituloy ang sasabihin niya.

Napansin kong nakatitig na silang dalawa sa akin ngayon ni Molly. Iba na naman ang tingin ni Molly sa akin at tulad iyon kung paano niya ako titigan nitong mga nakaraan. I don't know what to think about her.

"Sige, mauna na kami. Mag-iingat kayo! Bye!" nakangiting paalam sa amin ni Remi na kumaway muna bago siya sumunod sa kay Molly na siyang nauna nang umalis.

"So, pa'no? Tara na?" yaya sa akin ni Leigh. Napatingin ako sa kaniya. Until now ay nakangiti pa rin siya. Hindi talaga maikakaila na lalo siyang gumaganda kapag nakangiti.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. "Uhm."

"Let's go!" Gano'n na lamang ang gulat ko nang bigla niyang kunin ang kamay ko! Agad ko naman 'yong binawi. "Why? Anong problema?" nagtatakang tanong niya.

"Uh... W-Wala..."

Bakit gano'n? Bakit parang bigla nalang akong nakuryente sa hawak niya? Ano ba talagang nangyayari sa akin?

"Ayos ka lang ba?"

"O-Oo... Ayos lang ako."

Ngumiti siyang muli sa akin at kinuha na naman niya ang kamay ko. Hindi na ako pumalag pa at hinayaan nalang na magkahawak ang mga kamay naming dalawa hanggang sa makalabas kami ng school.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa mga kamay namin na hanggang ngayon ay magkahawak pa rin. Simula pa kanina ay malakas na ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko hindi na ito normal. Maybe, I need to see a doctor.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya hinayaan ko lang ang mga paa ko na sumunod sa kaniya. Mayamaya pa ay binitawan na niya ang kamay ko.

"Whoa! I missed this place!" she exclaimed.

Nang ilibot ko ang tingin ko sa paligid ay napagtanto kong nandito kami sa peaceful place niya na pinuntahan namin noon. Kung saan may dalawang malaking puno at sa pagitan no'n ay may dalawang swing. Umupo siya sa isang swing kaya umupo na rin ako roon sa isa pa.

"This place is relaxing," she suddenly said. Sinulyapan ko siya. Nakapikit siya habang dinadama ang hangin.

She's right. This is an ethereal place where somehow you'll have a peace of mind for a meantime.

Nakatitig lang ako sa mukha niya. Kitang-kita sa kaniya na relax na relax nga siya sa lugar na 'to. Mabilis kong iniwas ang mga mata ko nang bigla siyang tumingin sa akin. Iginala ko ang paningin ko sa iba't ibang direksiyon.

Hindi naman siguro niya napansin na tinititigan ko siya, 'di ba? Mga ilang sandali pa ay bigla siyang tumayo at pumunta sa tapat ko.

"Punta tayo ng mall," yaya niya. Tumango naman ako at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa swing. Ngunit, para bang bigla na namang binalot ng boltahe ang buo kong katawan nang sa pangatlong pagkakataon ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Tara!" excited niyang hiyaw at nagsimula na siyang humakbang. Samantalang ako ay nakasunod lang sa kaniya habang nakatingin sa mga kamay namin na magkahawak.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now