CHAPTER 26: To Cross The Line

Start from the beginning
                                        

"Ha?"

Napabuga siya ng isang tawa. "Kunwari ka pa. Itanong mo na. Ngayon lang ako may balak sagutin 'yan."

"Bakit parang wala man lang sa mga magulang mo 'yong mga nakukuha mong awards? Bakit hindi nila kayang magsakripisyo ng kahit kaunting oras para sa 'yo? Gaano ba kahalaga ang trabaho nila? Mas mahalaga ba sa'yo?" Halos hingalin ako sa sunod-sunod kong pagtanong.

"Alam mo Naihne, kulang na lang tanungin mo ako kung ampon lang ba ako." Tumawa siya. "Sobrang future-oriented kasi nina Mama at Papa. Grabe ka-workaholic ngayon dahil ang dami nilang plano. Nag-iipon na sila para sa pagpapa-renovate ng bahay, tapos para sa pang-college ko raw. Ang ganda 'di ba, ang swerte ko, napakaresponsable ng mga magulang ko."

"Pero 'yong kasalukuyan pa'no?"

Doon, naitikom niya ang bibig. Siguro'y napag-iisip-isip niya na rin 'yong mali.

Naging tahimik kami hanggang sa marating na namin ang campus. Habang naglalakad sa pathway, saka lamang siya medyo nakaahon sa malalim na pag-iisip dahil sa mga 'good morning' na natatanggap mula sa mga kaklaseng nakakasalubong namin.

Nasa bukana na kami ng pintuan ng klasrum nang mapansin namin ang nakatambay na si Luke.

"Sabay ata kayo?" Nagpalipat-lipat ang nanunuksong tingin ni Luke sa aming dalawa ni Elle.

"Friends na kasi kami!" anunsyo ni Elle na ikinakunot ng noo ko.

"Asa." Nilampasan ko sila para dumiretso na sa upuan ko.

"Hayaan mo na Luke. Sungit-sungitan lang 'yan kuno, mahal naman talaga ako niyan as a friend," pabulong niyang sabi kay Luke pero sapat na ang lakas para marinig ng sarili kong tainga.

May ibinulong pabalik si Luke at 'yon ang hindi ko narinig. Nagtawanan na lang sila habang ako naman ay kunwaring pumunta sa harap ng blackboard para burahin ang mga natitirang nakasulat doon.

Walang masyadong ganap ng araw na 'yon. Maghapon ko lang siyang inobserbahan sa klasrum dahil sa pag-aalala. Alam kong pinepeke niya lang ang sigla niya. Maganda naman 'yon na positive thinker siya pero hindi ba makakasama rin 'yon pagdating ng araw? Hindi 'yon pwede dahil sabi ni Mom, mas maganda pa rin na may oras pa rin tayo na kilalanin 'yong lungkot at mabigat na pakiramdam nang sa ganoon 'di magpatong-patong at sumabog kalaunan.

PAGDATING ng gabi, halos hindi ako makatulog dahil mas nadoble ang pag-aalala ko kay Elle. Sinusubukan kong intindihin 'yong pakiramdam na palaging nag-iisa sa bahay, walang taga-gising sa umaga, walang taga-asikaso 'pag may sakit. Maayos ang bahay kapag tahimik lang pero nagiging malungkot rin kapag sobrang tahimik na.

MULING dumating ang panibagong araw. Habang nasa daan kami papuntang paaralan, nangati ang dila ko at 'di ko napigilan ang sariling tanungin ulit siya.

"Paano mo natitiis na mag-isa sa bahay niyo?"

Tinawanan niya lang ako. "Hindi ako nag-iisa 'no, may aso na akong kasama sa loob."

"Hindi mo ba sinubukang kulitin sila na isama ka na lang nila sa Maynila?"

Tipid siyang umiling. "Ayaw ko sa siyudad. Panigurado rin na 'di nila ako papayagan kung sakali. 'Pang gabi ang trabaho ng mga magulang ko kaya kahit sumunod pa ako doon sa kanila, wala rin. Hindi pa rin nila ako matututukan."

NAGING mabilis ang oras. Namalayan ko na lang gabi na naman. Hindi na naman ako makatulog. Sinusubukan ko naman na kumbinsehin ang sarili ko na mahimbing na ang tulog niya ngayon pero malabo.

Lumabas ako ng kwarto dahil sa biglaang pagka-uhaw. Iniingatan ko ang bawat kilos dahil baka magising ko sina Mom na nasa kabilang kwarto.

Pabalik na ako ng sariling kwarto nang mamilog ang mata ko dahil naabutan kong nakaupo na sa kama ang Nanay ko.

"Mag-aalas dose na. Bakit hindi ka pa natutulog?" may bahid ng pag-aalala sa kaniyang tono.

Bilang isang mabuting anak, sinabi ko ang totoo. "Nauhaw po ako , Mom."

"Naihne, walang sekreto dapat 'di ba?"

Tumabi ako kay Mom at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Mom, salamat."

"Para saan," pagtataka niya.

"Sa araw-araw. Sa pag-aasikaso at pag-aalaga sa amin ni Nat palagi."

Ginulo niya ang buhok ko. "Naman, natural lang dahil ina niyo ako. Responsabilidad ko 'yon at hindi ako magsasawang alagaan kayo dahil mahal ko kayo eh."

Napangiti ako. Tama si Willow, ang swerte ko. "Sa tingin mo po ba, paano ko matutulungan si Elle?"

"Naku, sabi ko na nga ba't hindi ka na baby." Tinusok-tusok niya na naman ang tagiliran ko. "Tagasamahan mo lang siya palagi. Wala siyang kapatid, 'di ba? Pwes magpaka-kuya ka-"

"Pero Mom?"

"Ay sorry, oo nga pala. Edi, be her best friend. True loves starts with friendship, ika nga nila."

"May iba na po siyang best friend," tugon ko nang maalala ko na si Willow iyon.

"Basta, maging kaibigan ka palagi sa kaniya. Huwag kang aalis sa tabi niya para naman maalalayan mo siya kapag nakikita mong kailangan niya ng kasama, 'di ba?"

Naputol ang pag-uusap namin ni Mom dahil biglang umiyak si Nat. Kinailangan niya ng bumalik sa kabilang kwarto para samahan at timplahan ng gatas ang kapatid ko.

Nang gabing iyon, hindi na ako nagdalawang isip na simulan ang balak na pinag-iisipan ko matagal na.

Nag-log in ako sa messenger para kumustahin at itanong kay Willow kung ano ang username sa fb ng Mama ni Elle.

Kabado man, buo na ang desisyon kong kausapin ang magulang niya. 

Ctrl + Z [On-Going]Where stories live. Discover now