CHAPTER 26: To Cross The Line

Start from the beginning
                                        

Medyo nakakapanibago ang school year na 'to dahil umaga't hapon na ang klase namin kumpara noon na half-day lang. Dati, sari't-sari ang tinuturo sa amin TLE – Baking, Housekeeping, Tailoring, Computer Hardware Servicing at marami pang iba. Ngayon, pinapapili na lang kami ng isang specialization. TVL track lang ang ino-offer sa Senior High dito, at tatlong strands lang ang pagpipilian namin – Home Economics, ICT (Information Communications Technology), at Industrial Arts.

ICT ang pinili ko dahil wala lang, masarap daw 'yong aircon sa Computer Lab eh.

Si Elle naman, HE ang pinili. Hindi ko siya tinanong nang direkta, nakita ko lang sa lista ni Luke na siyang class president ulit namin.

Dumating ang uwian. Kakalabitin ko na sana siya sa kaniyang balikat para ayaing umuwi nang bigla siyang tumakbo papalabas ng klasrum.

"Hans!" Tinapik niya ang asul na bag ng lalaking nakatalikod sa kaniya.

Pinanood ko silang mag-usap saglit. Tumayo ako at lumapit ng kaunti lang naman. Alam kong maling makinig sa pag-uusap ng iba kaya naman binalak ko na sanang iwan sila at bumalik na lang sana sa klasrum namin. Pero napahinto ako.

"Edi break, mabuti naman," halos pasigaw na sabi ng kausap ni Elle sa kaniya. Naglakad si Hans papalayo at tuluyang iniwan ang nakayukong si Elle.

Nagsibagsakan ang luha ni Elle atsaka siya tumakbo papunta sa bakuran ng klasrum namin.

Walang pagdadalawang isip na sumunod naman ako sa kaniya. Naabutan ko siyang nakatayo, nakatakip ang mga palad sa mukha at panay ang paghikbi. Pinanood ko siya.

Mayamaya pa'y naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya nag-angat siya ng ulo.

Nagkasalubong ang mata namin. Lumuluha siya pero nagawa niya pa rin akong bigyan ng isang tipid ng ngiti.

Napakurap ako at unti-unting itinaas sa magkabilang gilid ang aking mga bisig. Ngumiti ako pabalik at saka ginabayan ang ulo niya para pagpahingahin sa dibdib ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit na siya ring ginawa ko pabalik. Hindi kami nagkibuan ng mga oras na 'yon subalit sapat na ang mga luha niya para maintindihan ko ang pinagdadaanan niya ngayon.

KINABUKASAN, imbes na dumiretso sa eskwelahan, dumaan muna ako sa bahay nila Elle para sunduin siya. Kung noon paghatid lamang sa kaniya ang ginagawa namin, ngayon ay magiging hatid-sundo na.

Wala pa ako sa harap ng gate nila nang matanaw ko siyang naglalakad sa sidewalk.

"Saan ka pupunta?" bating tanong niya agad sa akin.

"Hop in!"

Kumurap siya ng dalawang beses bago sumakay sa usual niyang pwesto. "Saan sana punta mo?" tanong niya habang nasa gitna kami ng daan.

"Sa bahay niyo."

Nilingon niya ako. "Bakit? Susunduin mo ako?"

Tumango ako. "Ayaw mo? Pwede ka nang bumaba."

"Baliw 'to! Nagtatanong lang eh. Ang aga-aga sungit-sungit mo." Ibinalik niya ang atensyon sa unahan tapos ay natawa siya. "Well. Salamat po sa care, nwebe!"

Hindi na ako umimik pa. Pasekretong ngiti na lamang ang nagawa ko.

"Nga pala, nakwento sa 'kin ni Will na kinumusta mo raw ako sa kaniya noong bakasyon. Pasensya ka na pala kong 'di ako makareply sa mga message mo, wala lang talaga akong sapat na oras at signal para reply-an ka." Lumingon ulit siya pero sa puntong ito, may munting ngiti na ang nakapaskil sa mga labi niya. "Sorry, Naihne, promise sa susunod gagawan ko nang paraan."

Tumango na lang ako. Si Willow ni-r-reply-an, ako kahit seen, wala man lang.

"'Yong tanong mo na hindi nasagot ni Willow, pwede mong itanong sa akin ngayon."

Ctrl + Z [On-Going]Where stories live. Discover now