CHAPTER 26: To Cross The Line

Start from the beginning
                                        

"Yes!" sagot namin lahat.

Matapos ang pagpapakilala ni Miss, kami naman ang inutusan niyang magpakilala isa't-isa, pero ngayon may binigay siyang format: pangalan, edad, at personal na pilosopiya raw sa buhay na parang isang indirect introduction sa pangarap naming career.

Nag-iisip pa lang naman ako ng sariling pilosopiya nang marinig ko na agad ang apelyido ko. Napatayo ako nang walang handang introduction.

"How do you pronounce your first name, Mr. Crasco?"

"Nayn po."

Tumango si Miss Cali at binigyan ako ng malawak na ngiti. "Sige nga, let us get to know you, Naihne?"

Inayos ko ang tindig at sinalubong ang mga matang nakatingin sa akin. "Good morning. I'm Naihne Crasco, and I'm thirteen. It's in my nature to treasure every second. Naalala ko ang sulat sa akin ng isang kaibigan, 'every moment, worth the click', isa ito sa mga nabasa kong naging parte na rin ng aking pananaw."

Wala sa sariling napalingon ako sa babaeng nakaupo sa harapan. Pinangunahan niya ang pagpalakpak habang tumatango-tango na parang proud na Nanay.

Naupo na ako at nakinig na rin sa self-introduction ng iba. Sunod-sunod ang pagsulyap ko sa kina-u-upuan niya ngayon, pansin ko ang kaniyang pagkainip dahil ang tagal matawag ng apelyido niya.

"Sino ang hindi ko natawag?"

Iisang kamay lang ang tumaas.

"Ano pangalan mo, bebe?"

"Elle po. Hernandez, Elle Reign."

Inisa-isa ni Miss ang card na hawak-hawak niya. "Baka sa ibang seksyon ka, Elle."

Hindi pwede.

"Pero 'yong pangalan ko po nasa lista na po ng Happiness."

"Sure?"

Tumango si Elle. "Mabait po ako, Miss. Huwag niyo na po ako ilipat sa ibang seksyon."

Napangisi ako. Sobrang na-miss ko ang kakulitan niya.

Mukhang nakuha niya na rin ang loob ni Miss Cali dahil sa pangungulit niya. Sabagay hindi rin naman kasinungalingan na nasa lista na siya ng seksyon namin. Baka na-miss place lang ni Miss ang card niya kaya hindi niya ngayon agad mahanap.

Sa huli, pumayag na rin ang tagapayo namin at inutusan si Elle na magpakilala na rin.

"Hello po. I'm Elle Reign Hernandez, fourteen. Life, I believe, is a storm. We are conditioned to be resilient enough in order to survive, but when it comes to writing a song, go on, let go of all the worries and be vulnerable. And I..." pasimple siyang kumindat sa akin na ikinabigla ko. "Like you," pagtapos niya. "Ay mali. And, I thank you pala."

Nagsitawanan ang karamihan.

Marahil nga, isang biro lamang iyon. Sinabi niya lang para magpatawa kaya nakitawa na lang rin ako.

Natapos ang self-introduction, sumunod naman ang pagtalaga ng seating arrangement. Sa taong ito, si Luke Mendex ang katabi ko, napapagitnaan namin siya ni Ace Benosa. Nasa ikalawang row kami ipwinesto dahil ayaw daw ni Miss ng mga boys at the back.

Si Elle naman ay nasa unahan ko, katabi niya ang dalawang babaeng hindi ko alam ang pangalan dahil ngayon ko pa lang naman naging kaklase.

Hindi man halata pero napapabulong na lang talaga ako ng 'salamat lord' dahil pabor na pabor sa akin ang school year na 'to.

Sumunod naman ang eleksyon ng class officers. Nang nakaraang taon, hindi ako pumayag na ma-elect pero ngayon hinayaan ko na lang sila. Resulta, nasa peace officer nakalista ang pangalan ko, sa baba naman ay ang pangalan niya. Mababaw na kung mababaw pero sa simpleng bagay na iyon, masayang-masaya na ako.

Ctrl + Z [On-Going]Where stories live. Discover now