26| Discover

0 0 0
                                    

Valentina

Nagising ako sa ingay ng tray sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang paligid, hindi ito pamilyar sa akin pero mukhang nasa hospital ako.

Inalala ko lahat na nangyari kagabi, noong nag laro kami sa gabi, kumain ng sopas at lugaw, kumain ng snacks, nag kuwentuhan, nakapartner si Sam sa laro at siyempre ang pag bagsak ko sa hagdan.

Para tuloy umiikot ang mata ko dahil sa lahat ng pinoprocess ng utak ko.

Pag katapos kong maalala ang lahat, doon na sumakit ng sobra ang katawan ko.

Sobrang sakit ng leeg ko, binti ko, at lalong lalo na ang braso ko. Naka semento ang braso ko hindi ko lang alam kung pati ang leeg ko dahil hindi ko makita masyado ang condition ko.

Napaiyak ako sa sakit, sobrang hapdi. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ka sakit, ang bigat bigat.

Maya maya pumasok na ang magulang ko at kaagad akong tinahan. Iyak parin ako ng iyak at hindi parin tumitigil ang sakit.

"Kaya mo yan Nak! Kapit lang." Naluluhang sabi ni mama.

Pasalamat na lang at nawala rin ito onti onti pag katapos bigyan ako ng gamot.

"Nak, Huwag ka mag alala yang mga nanakit sa'yo nakuh!! Idedemanda ko ang nga yan!" Galit na sabi sa akin ni mama.

Napangiti naman ako ng kaunti habang sinisinghut ang sipon ko.

"We'll make sure na they wouldn't get near you again. What they did was unforgivable and unforgettable, they should be punish for what they've done." kalmado ngunit nakakatakot na saad ng papa ko.

Hindi ako sumagot at umiyak na lamang ulit. Agad agad akong niyakap ng magulang ko kasama si ate Bianca.


Noong nagising ako, dahil nga sa sakit ng katawan pinayuhan ako ng mga doctor, nurse at ng magulang ko na mag pahinga muna.

Gagaling na rin ang sugat ko at good news ay matatanggal na ang nakalagay sa leeg ko at hindi naman masyadong na pinsala at ang braso ko lang ang na kailangan i- semento at ngayon ay gumagaling na rin.

Pasalamat na lang din at walang masamang nangyari sa ulo ko at nagkasugat lang ng malaki.

Noong pangalawang araw ko ay ganun din, nag pahinga ako buong araw at nag palakas. Tinanggal na rin ang . . sa leeg ko at nakakain na ng maayos.

Binibisita rin ako ni Georgia at dinadalhan ako ng cakes at tinapay at kinuwento niya lahat ng nangyari noong gabi at pag katapos nun.

"So ayun na nga ang nangyari. Sayang!!! Di mo nakita 'yon dapat talaga kasama kita doon manood naiinis talaga ako sa 'yung tumalak sa'yo! Nakaka buset deserve nilang ang negative enegery che!" Pag tatapos niya sa kuwento niya.

"Okay lang. Next time na lng tayo manood. Siya nga pala." Napalingon siya sa akin habang nag babalat ng mansanas.

"Ano 'yon bhe?" Huminga ako ng malalim bago nag salita.

"S-si Sam? Saan na siya? Kmusta na siya? okay lang ba siya-"

"Bheee isa isa lang wag excited! Naku si cruxxx talaga hanap ah." Sabay siko sa akin.

"Hoy hindi. Gusto ko lang talaga mag thank you sa kaniya kasi siya 'yung bumuhat sa akin pababa." Saad ko na nakangiti.

"Aysussss oh sige sige bahala ka." Sabay nilagay sa bunganga ko nag binalatan niyang mansanas.

"May pag ka mysterious talaga 'yun noh? Ewan ko kung anong nangyari doon. Bigla na lamang siyang nag dropped out. Base sa tsismis ay mag aaral na raw siya sa ibang bansa." Bigla naman ako ng kirot sa dibdib.

Secondary FriendWhere stories live. Discover now