4| Hello

4 0 0
                                    

Valentina

Kusang bumukas na lang ang bunganga ko at nag salita. Nagulat din kasi ako, unexpected and I'm not sure kung ako ba ang binabati niya.

"H-hi" At tumingin na lang ako kay Georgia na nag tatali ng knot sa tent nila.

Pag katapos nun ay tumungo nalang ako sa mga kaibigan ko para maki-hang out.

"Grabe! Ang ganda ng tent nyo nakakaingit!!" Saad ni Lyn nang makita niya ang tent namin.

At Oo hindi ko sinabi sakanila ang nangyari kanina. Simpleng hello lang naman yun.

"Huhu ate George! Puwede makitulog den? Pweasssee" Wika niya with puppy face.

"Sorry teh, Bawal yung mag tabi-tabi na di ka-groupo. Pero puwede kayong dumalaw." Masyang saad ni Georgia. Masaya namang nag celebrate etong dalawa.

"Huwag nyo lang guluhin gamit namin! Masasampal ko kayo!" Tumawa naman sila.

"Wag ka mag alala, Gusto mo linisin pa namin." Hindi na ako naka sagot dahil tinatawag na kami ng advisers at agad agad kaming tumungo doon.

"Good morning everyone! I suppose lahat na kayo ay may tent na, kung may walang tent be sure na mag pa share naman kayo. But anyway dahil alam kong pagod pakayo, Bukas na mag sisimula ang unang araw ng programang ito. Ngayon ay mag linis ng buong kapaligiran at mag pahinga muna." Masayang Wika ni Ma'am Principal sa mag aaral.

"Be sure na gumising kayo ng 5am! Enjoy kids!"

Kanya kanya na kaming balik sa mga tent namin. Ako naman ay dali-daling tumalon sa higaan ko at nag pahinga.

Nakipag chikahan din ako kila Lauanne at Geogia pagkatapos ay pumunta na kami sa cafeteria para kumain ng lunch.

"Mmmm!! An- *Cough* Ang sarap ng pagkain dito!" Masayang Saad ni Lyn na lamon nang lamon.

"Kayanga hindi ito ung hinahanda nila sa canteen, puro gulay ung binibenta nila." Dagdag pa ni Azze.

Tumango tango lang ako. Habang kumakain ako bigla lang...

"Hello!-" Dala ng gulat ay na aksidente akong napabuga kaya 3 pirasong butil ng kanin ang napunta sa mukha niya.

Hindi siya naka galaw...

Pati din ako...

Ilang segundo kaming tahimik sabay dali daling kumuha ng panyo at pinunasan ang kanin.

"H-hala sorry talaga ha! Ikaw kasi bakit pa sulpot sulpot ka." Wika ko sakanya, Promise talaga hindi ko naramdaman ang mga paa niya. Siguro dahil busy ako kumain ay hindi ko na siya napansin.

Eto namang dalawa pinipigilan ang tawa. Tinignan ko sila ng masama at kunware pang umubo-ubo.

"Mamaya mag pra-practice na sa play. Rest ka muna ng kalahating oras. Baka sumakit tiyan mo. See yah" Nakangiting saad niya.

Nag simpleng 'thank you' Lang ako at nag ba-bye na sakanya. Wala namang masama sa sinabi niya, Sadyang baka sumakit ang tiyan kung bagong kain lang tas gagalaw.

Ngunit etong dalawang ito, Masyadong malisyado.

"Ehem~"

"*Cough* Nako Sana all."

"Yieee-"

Binatukan ko naman silang dalawa.

"Ano ba kayo andami nyong alam." Naiiritang sabi ko.

"Naku Sis, You don't need to hide it. Cute naman crush mo eh-" Pag buka niya ng bunganga ay kaagad ko siya sinubuan ng suman.

"Bahala nga kayo jan!" Nag tawanan naman sila.

-/-/-

"Sino ung nabugbog?" Seryosong tanong ni Georgia, kanina pa kasi siya na stre-stress kanina pa kasi kami nag uusap dito hindi lang nakikinig ang iba. Nag taas naman ng kamay si Lauanne.

Nakaupo kami sa damo at nag ka paikot. May iilan na nakatayo. Halos lahat saamin ay naka suot ng jacket ako naman ay naka suot ng hoodie. Gabi na kasi ngayon at nag hahanda na kami para sa play bukas.

"I think Sam is a good character para sa nabugbog tutal mapayat-payat siya." Saad niya sabay humawak si Samuel sa kanyang dibdib na parang nasaktan.

"Grabe kanaman!" Saad niya.

"Hm..Oo nga noh." Pag sangayon ni Georgia sakanya. Kita ang naiiritang mukha ni Samuel ngunit pinilit niya nalang ang sarili na gawin nalang ang pinapagawa sakanya.

"Hmm..dapat pala ung story ni Samuel sa bible ung saatin tutal mag ka pareho ng name." Saad ni Georgia.

"Too bad hindi natin nakuha." Dagdag ni Lauanne.

Bumalik kami sa aming discussion.

"Tas si Tina naman ang samaritan." Sabi niya at tinuro ako habang binabasa ang script.

"Taga bugbog ay si Ray, kasama ung dalawang grade 8." Tumango lang sila.

"Tas ikaw naman ang may ari ng hotel o paupahan." Sabay turo sa grade 7 student.

Pag katapos nun ay nag si tulog na kami dahil gabi na rin at pinapatulog na kami ng advisers.

Hindi ako masyadong makatulog dahil naririnig ako nag uusap sa tabi ng tent. Mag katabi kasi ang tent nila Ray saamin,

And opo nakikichismis ako

Ngunit wala akong naintindihan at hindi namalayang naka tulog na ako.


Madaling araw ay gising na ako. Siguro mga alas-tres ng madaling araw. Tulog pa ang mga kasama ko at ako naman ay tumungo nalang sa labas para mag pahangin.

Umupo ako sa bench na naka lagay sa harap ng area namin. Maya maya ay may naramdaman akong papalapit at umupo sa tabi ko.

"Good morning! Ang aga mo namang gumising." Naka ngiting wika ni Samuel at tinanggal ang kulay itim na jacket at inilagay saakin.

"Ay S-salamat kahit huwag na-"

"No. Magkakasakit ka alam mo naman na malamig."

Napansin ko naman siyang tumingin kaya tumingala ako sa langit at pinagmasdan ito.

"Ang gaganda ng mga bituin" Saad ko na manghang mangha sa kagandahan nito.

Maya maya ay may nahulog na dahon sa mukha niya kaya agad ko itong tinanggal.

Hindi ko alam kung bakit ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kanina ko pa kasi siya nakikitang tumititig saakin.

"Oo nga...Ang gaganda nga nila."

Hindi na ako naka sagot at patiloy na lamang tignan ang mga bituin.


__________

Secondary FriendWhere stories live. Discover now