9| bata

3 0 0
                                    

Ray

"Uh. . Sorry Tina hindi ka namin masasali kasi nakasali na si Anna eh." Saad ng batang babae na naka ponytail na kasing edad namin.

"Ah okay lang!" Sagot naman ng batang babae.

Hindi ako marunong mag basa ng mukha ng tao pero halata sa batang babaeng naka ponytail at sa iba pang kasama niya na ayaw nila ang presensya ng babae.

Matagal ko na 'yan napapansin. Sa tuwing gusto niya sumali ay lagi nilang pinipili ang kalaro nila na si Anna.

Minsan nakakalaro rin siya kapag wala si Anna subalit kapag present siya, hindi siya sinasali.

Halata sa mukha nila na nandidiri sila sakaniya.

Napansin ko naman siyang na dismaya sa sagot ng kalaro at umupo na lamang sa swing at magisang inii-swing ang sarili.

Binaba ko ang bolang hawak ko at napag-desesyonan kong lumapit sakaniya.

"Hi! Ako pala si Ray." Muntik na siyang mahulog sa duyan dala ng gulat, pa- salamat nalang at agad agad ko siyang nahablot.

Hindi siya nag salita at aakmang aalis pero nag salita uli ako.

"Hindi ka ba nila sinali?" Tanong ko at lumingon siya sa akin at nahihiyang tumango.

"A-ako si Valentina." Sabay dahan dahang nag dadalawang isip na lumapit sa akin at naki-pag kamayan.

"Di bale ako na lang makikipag laro sa'yo!" Lumawak naman ang ngiti niya.

"T-talaga po ba?" Wika niya at tumango ako.

Inanyayahan ko siya sa may slide para mag laro. Kapansin-pansin na nahihiya siya saakin.

Parang nag dadalawang isip pa nga eh at hindi siya lumalapit sa akin, siguro mga 3  feet ang layo namin sa isa't isa o mas malayo pa doon.

Of course i was confused, dahil kanina lang kasama ang mga babae ay masayahin at maingay siya.

"Nahihiya ka ba saakin?" tanong ko sakanya.

Nahihiya nanaman siyang tumango. Tumawa naman akong ng mahina.

"Huwag kang mag-alala, makikipag laro ako sa'yo kahit anong oras. Kaya huwag kang mahiya sa akin, friends naman tayo hindi ba?" Lumiwanag naman ang kaniyang mukha at masayang tumango.

Doon nag sisimula ang pagkaibigan namin ni Valentina.

Hindi ko mai-kuwento ang lahat ng detalye ngunit halos araw araw kaming nag laro buong araw, rain or shine pa man 'yan.

Minsan naliligo kami sa ulan, lalo na kapag bumabaha, Ayun tuloy lagi kaming na se-sermonan ng mga magulang namin.

Mas naging close kami sa araw araw naming pagkikita. Lahat ng mga bagay-bagay ay kinikuwento namin isa't isa.

"Oo nga pala, bakit 'nung una tayo nag kakilala mahiyain ka? Eh dun naman sa mga babaeng kalaro mo sanay na sanay ka?" Wika ko at dinilapan ang ice-cream na hawak hawak ko.

Nandito kami sa harap ng tindahan. Bumili kami ng dirty ice-cream ni Manong Jeff na lagi nag lalako dito sa barangay namin. Ang binili ko ay 'yung tig sampong cone samantalang si Tina ay tag sampong sa cup.

Umiling siya sandali bago nag salita. "Hindi ko din alam." Un lang ang kaniyang sagot.

Halata namang hindi siya comportable sa tanong ko kaya hindi ko na lamang siya tinanong uli.

Hanggang sa nag elementary ay mag kalaro parin kami. Hindi kami mag kaklase pero kapag uwian, nag lalaro kami sa tabi ng puno minsan sa may city play ground.

Secondary FriendWhere stories live. Discover now