10| Unbelong

2 0 0
                                    

Ray

Sa huli, hindi ko siya muling nakausap.

Hindi na ako lumapit sa kaniya. Natuon nalamang ang attention ko sa pag babasket ball at pag lalakwatsa kasama ang aking barkada.

Sinabi saakin ng mga kaibigan ko na hindi ko siya dapat maging kaibigan, Ang taong katulad niya ang hindi ko dapat kaibiganin.

Tama naman sila, Narealize ko na ibang iba ang mundo namin.

Masaya ako sa mga barkda ko at unting unting na bo-bored o nasasawa ako sa kaibigan kong si Valentina.

Mabuti na talaga na iwasan ko na siya. Ngunit bakit may parte sa puso ko na gusto ko pa siyang makasama.

Kaibigan ko si Valentina ngunit kailangan ko siyang iwasan para ako ay maka sama pa sa mga barkada ko.

Dahil kung kasama ko siya baka wala rin ang tumanggap saakin.

At ayoko ang pakiramdam na hindi ka nila tanggap.

"Ray Copper, Nasa Team Cinco ka." Wika ng adviser ko na teacher rin namin sa science.

Sinulat ko sa aking kamay ang salitang 'Cinco' at sinubsob ang ulo ko sa lamesa at umidlip uli.

May magaganap na camping, pero wala naman akong pakialam. Masakit na rin ang katawan ko sa mga physical activities ayaw ko na may dadagdag pa.

Pagkatapos ng morning class ay kumain na kami ng kanya kaniyang lunch at sinabihan na pumunta sa aming mga groupo o teams.

Matamlay na kumatok ako sa pinto.

                               CINCO

Literal na word na 'lima' Sa spanish.

Kumatok ako ng 3 beses at bumungkad saakin ang babaeng hanggang ilong ko.

"Hello!! You must be.." Tinignan niya muna ang dala dala niyang paper na naka clip sa cardboard.

"Ray, Ray Copper po." Agad agad niyang hinanap ang pangalan ko at nakita niya ito sa listahan.

"Ah! Ray Copper from 3-5. Please take a sit, Malapit na mag simula ang meeting. If you need for assistance or questions you can ask the people over there." Sabay turo sa isang babaeng naka upo at ang matangkad na nakasalamin na nakatayo.

Tumango na lamang ang sagot ko at umupo sa kung saan na gusto ko. Nakita ko naman ang kaibigan ko at umupo sa tabi nito.

Sa totoo lang, kahit na kasama ko ang kaibigan ko, parang na le-left out ako. Kaya ang iba kong gawin ay ang mag muni-muni.

Maya maya ay may kumatok ule at bumungkad dito ang isang babaeng hanggang sa chest ang haba ng buhok.

"Hi I'm Valentina From 3-3."

Umiwas ako ng tingin at pinoon ang attention ko sa ibang bagay ngunit habang nag lalakad siya papunta sa kaniyang upuan ay hindi ko mapigilang hindi siya pag masdan.

Katulad ko rin siyang na le-left out at parang hindi mapakali.

Maya maya ay tumingin ito sa harapan sa may lamesa ni Lauanne at nung lalaking nakasalamin.

Dahan dahan ding tumingin ang lalaki sakaniya at dahan dahang pumunta sa kaniya.

Hindi ko marinig ang usapan ngunit binigyan lang siya ng papel katulad nung saakin at nakipag kilala.

May masama akong kutob sa lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit.

Natapos ang aking pagmasid nang pumunta na saharapan ang mag le-lead.

Pamiliar na rin saakin ang babae, Kamaganak niya ang adviser ng taga ibang section na si Mrs. Gracia na guro naman namin sa ibang minor subject.

Pag katapos niya magpakilala ay nadaling naman ang tingin ko sa magandang babae.

Pamiliar din ito siyempre siya lang naman ang leader ng cheering squad ng school namin. Maganda din ito at maraming nag kakagusto.

Sunod naman na nabaling ng tingin ko ang lalaki na naka salamin.

Kakaiba ang aura niya. Bastat may kakaiba lang sa ngiti niya.

Creepy kung baga.

Mabilis na tapos ang meeting dahil introduction lang naman daw.

Papaalis nasana ako ng biglang tumama ang mga mata namin. Umiwas kaagad siya ng tingin at lumabas na nang mabilis.

Hindi ko na lamang pinansin at lumabas na rin para pumunta sa section ko.

Kinabukasan, pumunta ako sa cafeteria para mag pila para kumain bago pa magsimula ang meeting ng mga groupo ulit.

Nasa pilahan ako at hindi ko na malayang katabi ko si Lauanne sa pila. Bumati siya at ganun din ako.

May pagka akward ng atmosphere at walang nag sasalita saamin. Okay lang naman dahil maingay ang ibang tao sa loob kaya nababawasan naman ang awkwardness.

"Ano Si Samuel bayan Yieee!" Napatingin ako kung saan nang galing iyon. Nakita ko doon si Lyn,Azze at Val na nasa table.

Inaasar nila ang kanilang kaibigan sa lalaki. Napatingin naman ako kay Samuel bago kay Valentina. Nag katamaan sila ng tingin, agad agad kong binaling ang mata ko sa katabi ko.

"Uhm. . Kailan daw yung camping chaka saan ito magaganap?" Tanong ko sa kaniya

"Hindi pa sure kung kailan but the principal is discussing it to the teacher kung kailan ang mapili nilang date para dito. Not sure din about sa venue." Saad niya na may kasamang ngiti.

Napansin ko namang lumabas si Valentina sa Cafeteria.

                                  -/-/-

Ang bilis ng oras parang kahapon lang ay practice namin, Ngayon nasa loob na kami ng bus at lumalayag na ito papunta sa destination namin.

"Ma'am, Mag sto-stop muna ang Bus 3 sa may convenient store dahil isa raw sa kanila ang masakit ang pakiramdam." Saad ng school nurse na naka sabay saamin sa adviser namin.

"We should stop as well. Baka may hindi pa kumain dito at makapagpahinga saglit ang driver." Tumango naman ng school nurse.

Ang ibang bus ay huminto rin. Pumarada kami sa gitna ng dalawang bus.

Nasa bintana ako naka upo kaya nakita ko ng isang babae na nakangiting natatawa sa cellphone.

Masyadong blurry ang glass kaya hindi ko masyadong makita kung sino ito. Ano kaya ang tinatawanan niya?

Pinoon ko nalamang ng attention ang cellphone ko at umidlip sandali.

Hindi ko na namalayang umandar na ang bus at nakarating kami sa place.

Pag kababa ko kitang kita ang kagandahan ng buong kalawakan.

Maganda ito at malawak. May mga fences na nilagyan lang ng lubid, siguro 'yon ang mga para sa mga area by teams.

iilan palang kami ngayon at pumunta ako sa kung saan ang area namin. Nandoon na sina Georgia at Lauanne na nag hahanda na ng tent. Tinulungan ko sila sa pag kabit nito at nag pasalamat sila saakin.

Sunod naman na bumaba ang may ari ng tent na tutulugan ko, Si Sam.

"Hi Kanina pa kayo nandito?" Tanong niya saamin.

"Hm..Siguro mga 10 minutes na." Saad ni Georgia at tumango naman si Lauanne.

Pumunta siya sa may tabi ng tent nila, siguro mga likod likodan pa at sinet-up ang tent.

Tinulungan ko din ito. Napansin ko naman ang papalapit na babae sa amin na may dala dala ng bagahe.

Pinagmasdan ko itong ilagay ang gamit niya sa tent. Nang lumabas siya tumama ang mga mata namin.

"H-hi"

                              ___________


Secondary FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon