12| Kakaiba talaga!

2 0 0
                                    

Valentina

Naramdaman mo na ba ang feeling na empty-ness?

Naranasan mo na bang ma-miss ang isang taong mahal mo?. . or maybe someone na lang.

Tulala, nakatunganga at parang baliw sa mental hospital.

'Yan ang nilalarawan ko sa sarili ko ngayon.

Kanina pa kasi ako nakatitig sa larawan namin. Ito 'yung buong estudyante na umatend ng camping. Nakapost ang picture sa official page ng school namin.

Kahit malabo, nakapuon lang attention ko sa isang tao. Zinoom ko pa ito.

Ang saya saya ko! Katabi ko pa siya dito HAHAHAHA!

Weyt. . .

"Bakit ang saya-saya ko?"

Yan din ang tanong ko sa sarili ko. Nararamdaman ko nanaman kasi siya.
'Yung weird feelings!

Butterfly in stomach, blushing, Kinikilig habang nag sasandok ng kanin, Tumatawa mag isa basta't parang timang lang.

I feel like it's the same way as i feel 'nung na gustuhan ko si Ray.

No!

I shake my head at bumalik sa home ng phone ko at sin-wipe ang facebook sa recent apps na nagamit ko. Binaling ko ang tingin ko sa kisame, Hinawakan ang dibdib ko at pinakingan ang tibok ng puso ko.

Oh my... Hindi puwede toh!

Sinampal sampal ko ang mukha ko. Pilit kong tangalin siya sa isip ko. Hindi ako puwedeng umibig uli. Noong una kong time na nainlove ako, hindi naman ito gumana.

Masasaktan lang din ako uli.

Nakakahiya...Nakakahiya ako. . .

Hindi ko na malayang tumulo ang luha ko.

"Okay lang yan." Saad ko sa sarili ko.

"Alam ko namang mag se-senior high na siya next school year. . . Mawawala na rin siya at mawawala na yang nararamdaman mo"

Napabuntong hininga ako at pinunasan ang luha ko. Mawawala? Pero parang ayaw ko eh.

Sana sa same school parin ang ie-enroll niya makita ko parin siya.

Huhu Ano ba tong iniisip ko!?

Ang gulo gulo.

Gusto ko ba siya o hindi?!

May narinig akong tatlong katok sa pintuan at dali daling inayos ang sarili ko.

"Tina! Sama ka raw sa mall? Mag sho-shopping daw si mama."

Mabuti naman! Para kahit papaano ma-distract ako sa mga problemang kinakaharap ko ngayon.

Pag labas ko mag sho-shower na sana ako kaso naka bihis na sila!

"Dalian mo Tina mag aalis na!" Saad ni Mama.

"Ano ba yan! Dapat kanina nyo pa ako sinabihan!" Kaagad akong kumuha ng damit at nag bihis.

Wala na akong oras para maligo ket ang dugyot-dugyot ko na.

Last kong ligo ay nung nakaraan, nung pag kauwi ko na. Nag lagay na lang ako ng deodorant at perfume para mawala wala ang kaaciman ko.

Sa sobrang pag mamadali, nakuha kong damit ay yung finding nemo na pang bata. Ang liit-liit sa akin para akong sinasakal ng sarili kong damit.Tapos naka leggings pa! eh 'yun yung ayaw na ayaw ko suotin kasi bakat 'Yung panti ko.

Ito naman kasi si Ate hindi man lang sinabi saakin kaagad! Kanina pa ako timatawag ng mama ko.

"Weyt lang!" agad agad akong pumasok sa kotse at tinali na lamang ang buhok ko na messy bun.

Secondary FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon