8| Hindi maintindihan

3 0 0
                                    

Valentina

"Bakit ang tagal nyo??" Tanong saakin ni Georgia noong umupo na ako sa tabi niya.

"A-ah wala may naiwan lang ako." Tumango lang siya at ibinalik ang tingin sa stage.

Mas naramdaman ko ang tibok ng puso ko kahit hindi ko nilagay ang palad ko sa aking dibdib.

Dala siguro ng kaba, frustration at galit.

Nagising na lamang ako sa senses ko noong kami na ang susunod.

Pinapunta kami sa backstage at nag prepare. Nahahagip ko si Ray na tumitingin saakin ngunit hindi ko ito pinapansin.

"Give a round of applause to group number 5!" Biglang nag palakpakan ang mga tao sa loob.

Lumabas na sa backstage si Samuel dala dala ang bag na gawa lamang sa tela.

Kumaway siya sa audience at napatili naman ang ibang babae at nagpalakpakan ang lahat.

Nag simula na mag kuwento ang narrator.

"May isang Jew na nag lalakbay galing Jerusalem papuntang Jericho." Nakita naman na lumalakad si Samuel sa stage.

"Ngunit habang siya ay naglalakbay, naka salamuha siya ng magnanakaw at binugbog siya, ninakawan,ninakaw pati ang mga alahas at iniwan doon na walang malay." Agad agad na lumabas si Ray at ang dalawa pang kasama nya.

Sa una ang dalawang kasama nya ay sinasaktan lamang siya nang mahina. Roleplay nga hindi ba.

Ngunit noong si Ray na ang mag bu-bogbog ay mukha itong totoo...

Dumudugo ang ilong at ang labi.

Napa aray siya sa sakit at halatang galit na galit ang kamao ng lalaking bumubugbog sakanya.

Hindi ko alam kung anong gagawin kung tutulong ba o go with the flow.

Kahit ang ibang tao sa loob ay nagulat din.

Dali daling tumakbo paalis sila Ray.

"Ahm.. *Ehem* I- iniwanan siya mag isa sa gitna ng araw, Nangangangalay at punong puno ng sugat at pasa. Mga ilang minuto ang lumipas, May dumaan na isang Pari." Doon na pumasok ang isa pang kasama namin na naka suot ng pang pari.

"Ngunit hindi niya ito pinansin at umalis na lamang." Patuloy lang sa pag lalakad ang kasamahan namin hanggang sa lumabas na siya ng stage.

"Sunod naman ang isang membro ng isang simbahan. Nakita niya rin ito ngunit kayagay ng pari, hindi niya ito pinansin at patuloy na ito sa pag lalakad."

Namamawis na ako sa kaba at pag mamadali. Kitang kita ko kasing nahihiralan na siyang tumayo at parang sumasara na ang mga mata nito.

"Ngunit biglang dumaan ang isang Samaritano o samaritan. Ang mga samaritan ay pinaka ayaw ng mga Jews. Ngunit noong nakita niya ito kaagad niya itong tinulungan."

Pag labas ko ay dali dali ako pumunta sakanya. Hinawakan ang kanyang ulo at inilapag ito sa aking hita.

"Psst..Okay ka lang?" Tanong ko dito ngunit hindi ito sumasagot. Naka bukas pa din ang kanyang mata ngunit sa kisame lang siya nakatitig.

"Oh kawawa kanaman! Anong nangyari saiyo?!" Saad ko.

"Hinilom niya ang kanyang sugat gamit ang gamot na mayroon siya at idinala sa isang paupahan para siya ay makapag pahinga." Agad agad akong kumuha ng betadine sa bag ko.

Dapat nga ay kunwari lang na iniispray ko ito sa katawan niya ngunit ngayon ay tinutoo ko.

Napa aray siya sa sakit. Dahan dahan ko itong pinunasan ng panyo at nilagyan ng bandage ang sugat na kaya kong lagyan.

Secondary FriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora