Chapter 23

100 9 6
                                    

|TWENTY THREE|



"Kawawa naman.."

"Siguro ay hindi sila nakabayad ng buwis kaya kinukuha ang anak nya.."

"Grabe na talaga ang imperyo ngayon. Pati bata ay hindi nila pinalampas.."

Narinig kong sabi ng mga taong nanunood sa nangyayari.

"Parang awa nyo na! Huwag ang anak ko!" Pagsusumamo pa ng nanay habang nakaluhod at nakakapit na ngayon sa binti ng isang gwardya.

Nagulat ang lahat nung walang sabing sinipa ng gwardya ang nanay at tinutukan ito ng espada para takutin ito. Napahagulgol nalang ang babae dahil sa takot.

Sinenyasan na nya ang iba pa nyang kasama na ituloy na ang paghila sa tatlong batang lalaki.

"Bitiwan nyo ako! Inay! Tulong!" Sigaw ng isang bata. Maski si Rin ay nagpupumiglas sa hawak ng isang gwardya.

"Tsk, tsk. Panigurado ay ipapatapon nila ang mga batang iyan sa gerang nagaganap ngayon.."

"Nagkakaubusan na yata ng ipapadalang kawal ang imperyo kaya maski batang lalaki ay gagamitin nila."

Tiningnan kong muli ang paligid. Kanya-kanya sila ng bulungan habang pinapanood ang nangyayari. Walang sino man ang nagtangkang makialam sa takot na baka madamay sila.

"Luci.." Tiningnan ako ni Clementine. "What are you doing?" Tanong nya nung makitang hinihigpitan ko ang tali ng hood ko sa aking leeg.

"I know that kid," sagot ko. Kinuha ko ang panyo ko at binigay kay Clementine. "Hanapin mo ang lalaking nagtitinda ng alahas at ibigay mo 'yan. Sabihin mo rin ang mga katagang ito: ROBBERS ASSEMBLE."

Napakunot ang noo ni Clementine at may halong pagtataka ang kanyang mukha. "Huh? Why?"

"Just go. I'll give you five minutes."

"But—"

"Go!" Sigaw ko. Wala nang nagawa si Clementine kung hindi ang tumakbo at sundin ang inutos ko. Mula sa aking hita ay kinapa ko ang maliit na espadang nakasabit doon.

It's only a small and thin sword the size of my thigh. Lyra told me that Lucille used to carry hidden weapons inside her garments since she's a very cautious person. Dahil doon ay naengganyo akong gayahin sya. Who would have thought that it will become so handy.

"Oy." Tawag ko sa atensyon ng mga gwardya. Maski ang atensyon ng mga taong nanunood ay nakuha ko rin. "Bitawan nyo ang batang iyan," utos ko sabay turo kay Rin.

Tiningnan ako ng isang gwardya na sa tingin ko ay mas mataas ang ranggo kumpara sa apat. "Bakit? Ikaw ba ang nanay ng batang ito?"

Hindi ko alam kung maooffend ba ako or what. Mukha na ba akong nanay ng isang sampung taong bata? "Ako ang ate nya," sabi ko nalang. Tiningnan naman nya ako mula ulo hanggang paa bago tumingin sa mga kasama nya at sinenyasan ang mga ito sa gawi ko.

Agad namang nagsilapitan ang dalawang gwardya. Base on their actions I think they want to capture me too. One guard tried grabbing me but I quickly pulled out the small sword hiding beneath my cloak and pointed it on them.

Napatingin sila saglit sa maliit na espadang hawak ko bago sila humagalpak ng tawa.

"Ano 'yan, Miss? Saan mo naman nakuha ang laruang iyan?" Tumatawang tanong nila.

"Anong magagawa ng maliit mong espada sa amin?"

Napataas ang kilay ko sa mga sinasabi nila habang patuloy nila akong pinagtatawanan. Again. I am offended. Habang abala sila sa pagtawa ay sinamantala ko iyon para atakihin ang isa sa kanila. I stabbed the guard near me on his left foot. Agad syang napahinto sa pagtawa at napadaing ng malakas dahil sa ginawa ko. Bago ko pa mahugot ang espadang nakatusok sa paa nya ay agad na nyang nahawakan ang hood ko kasama ang buhok ko.

The Me In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon