Chapter 10

129 16 4
                                    

|TEN|


"Wow."

"Don't let go of my shirt, okay?"

"Okay," I replied while busy looking around as I tightly held on the sleeve of Nikolai's shirt. We reached the Plebeian town and I was so amazed by the amount of people gathered here tonight.

Maraming mga iba't ibang stalls ang nakatayo sa gilid ng kalsada. May mga pagkain, palaro at kung ano-anong mga bagay ang tinda sa paligid.

"So...? Anong balak mong gawin dito?" Tanong ni Nik habang naglalakad sa harapan ko at gumagawa ng daan para makalusot ako sa dami ng tao. He's basically like my shield para hindi ako mabunggo ng mga tao.

"I want to look around."

Saglit na lumingon sa akin si Nik. "Yeah, but there are lots of people here. Mahihirapan ka rin maglibot dahil sa dami ng tao."

"May alam ka bang lugar na hindi gaanong matao?"

"Mayroon."

We pushed through the crowd. May isang babae pa ang nakabunggo sa akin dahilan para mabitaw ako sa damit ni Nik. Mabuti nalang at agad nyang nahawakan ang kamay ko.

"Okay ka lang?" He asked and I nodded. "Please excuse me.."

Hindi ko pa nagets nung una kung bakit nya sinabi iyon. Nahigit ko na lang ang hininga ko nung bigla nyang ilagay ang kaliwang braso nya sa likod ko. He easily guided me throughout the crowd while protecting me from getting pushed again.

"Thank you," nahihiyang sabi ko nung makarating kami sa lugar na hindi na masyadong matao. I lowkey cleared my throat and suddenly felt embarrassed.

Nilibot ko ang tingin kung nasaan kami. May mga benches sa paligid at isang fountain sa gitna. May ilang tao sa paligid na mukhang nagpapahinga. Hindi kamukha sa dinaanan namin kanina ay wala na masyadong mga stalls sa paligid kaya siguro walang ganong tao dito.

"May gusto ka bang kainin?"

My eyes automatically lit up. "Kebab!" I paused. "That grilled food with skewer—"

Nikolai raised a brow. "I know what kebab is."

Oh, kebab din pala tawag nila dito.

"What else do you want?"

"Anything delicious and something sweet."

"Sigurado ka?"

"Yup!"

Lumingon sa paligid si Nikolai. He's like scanning the place to see if there's any threat.

"Stay here. I'll be back real quick."

"Okay."

Hindi pa rin umaalis si Nik. I think he's rather contemplating whether to leave me here or what.

"Kapag may kahina-hinalang lumapit sayo tumakbo ka kagad at sumigaw ka lang." He fixed my hood on top of my head to hide my face.

Napataas ako ng kilay. "Bakit? Darating ka agad?"

Nikolai smirked. "In a flash."

Natawa nalang ako at napailing. Hay, nako, itong batang 'to pinapakilig ako masyado.

Umalis na si Nik kaya naupo nalang ako sa isang bench na bakante at pinanood ang mga batang naglalaro malapit sa fountain. Kahit na gabi na ay nasa labas pa rin sila para magenjoy. I think common people here doesn't have that much restrictions, unlike the nobles who probably live their lives full of restrictions for the sake of their reputations.

The Me In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon