Chapter 11

118 14 0
                                    

|ELEVEN|



"So...? What are you doing here?" Taas ang kilay na tanong ko kay Remus habang nakahalukipkip.

"I should be the one asking," he said. He motioned his head towards Jade. "Kilala mo ba ang mga taong 'to?"

Tiningnan ko sila Jade bago tumango. "Yeah, si Jade, Dom at 'yung isa si Loren."

"Alam ba ng tatay mong nandito ka?"

Napaiwas ako ng tingin. "Oo naman."

"Sino ang kasama mong pumunta dito?"

"Si--" I gasped loudly. "Shit! Si Nik! I gotta go." Lumingon ako kay Jade. "Ikaw muna ang bahala sa batang 'yan. Babalik ako. Hahanapin ko lang 'yung kasama ko." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Jade at agad na umalis. Shemay, yari ako kay Nik nito. Baka kanina nya pa ako hinahanap.

Napahinto ako at nagtago pagkarating ko malapit kung san ako iniwan ni Nik kanina. Nadatnan kong nadoon pa ang ilang lalaking umaaligid na sa tingin ko ay mga tauhan ni Ferez. They were all scanning the faces of every women they see.

Shete. Paano ko hahanapin si Nik nito? Whatever. Kailangan ko munang makaalis dito at baka makita pa nila ako.

Inayos ko ang pagkakatakip ng hood sa ulo ko at umikot sa kabilang eskinitang nakita ko. Marami pa rin ang mga tao sa paligid kaya hindi ko magawang mahanap si Nik. Plus, the Baron's men are everywhere. Mukhang hindi sila titigil hangga't hindi ako nakikita.

Napalingon ako sa dalawang lalaking pasimpleng nagbubulungan habang sumusulyap sa akin. Shit. Mga tauhan din ba ni Ferez ang dalawang 'to? I need to get out of here. Napatingin ulit ako sa dalawang lalaki na ngayon ay pasimpleng lumalapit sa akin. 

Crap, run, Luci.

Halos lakad-takbo ang ginawa ko para lang makalayo. What should I do? Should I leave Nik behind? Maybe he's already gone and went home instead? What if he's still looking for me? 

I was busy thinking whether to ditch Nik and just go home all by myself when I suddenly bumped to something. Hindi ko pa man din nakikita kung ano ito nung maramdaman ko ang dalawang kamay na mahigpit na nakahawak sa balikat ko.

"Luci! Where have you been?! God! I was so worried!"

Tiningnan ko si Nik at bakas ang pagaalala sa mukha nya. I suddenly felt guilty.

"Sorry. Something happened earlier."

"What do you mean? May nanggulo ba sayo?"

"Wala. Oh my! Food!" Kinuha ko ang plastic na nakasabit sa kamay ni Nik at inumpisahang kainin ito para hindi na ako tanungin pa ni Nik. "Shet! Ang sarap naman nito!" Medyo OA na sabi ko, though masarap naman talaga. "Here! Eat!" Inabot ko sa kanya ang isang stick ng kebab. Nikolai looks like he wants to ask me something. Napailing nalang sya at kinuha ang kebab sa akin.

"Gusto mo bang maglibot?" Tanong ni Nik na mabilis kong tinanguan. Mabuti nalang at medyo nabawasan na ang mga tao sa paligid kaso ay iniisip ko ang mga tauhan ni Ferez. Baka mamaya ay mamukhaan nila ako.

"Maskara! Maskara!"

Napalingon ako sa matandang lalaking may hawak na maskara na mukhang gawa sa kahoy. Lumapit ako sa kanya at tinanong kung magkano ito.

"Isang pilak lang binibini."

Copper, silver and gold. Those are the currencies here in this world. Copper ang pinakamababang halaga ng pera dito. Habang gold naman ang pinakamataas.

Lumingon ako kay Nik at nilahad ang kamay ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay.

"Aanhin mo ang maskara?" Tanong nya.

The Me In Another WorldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang