Chapter 14

109 15 1
                                    

|FOURTEEN|

I tightened the hood of my cloak to cover my face as I trace down the path according to my memory from that night. Nakailang liko ako sa ilang eskinita bago ko natanaw ang maliit at lumang gusali na syang pakay ko. Pagkapasok ko sa loob ay bumungad kaagad sa akin ang amoy ng alak. Kumpara nung unang punta ko dito ay mas marami ang mga tao ngayon.

I saw a man lying face flat on the ground while mumbling incoherently. The alcohol must have knocked the life out of him. May ilan pa akong nakitang mga lalaki na akala mo ay nagpapaligsahan sa pag-inom ng alak. May ilan namang mukhang nagkakainitan na at malapit nang mag-away. Some were just peacefully drinking their beers at the counter.

"Naligaw ka yata, Miss?" Sabi ng isang babaeng biglang sumulpot sa gilid ko.

"I'm looking for some-"

"Miss, pasensya na pero hindi ko natutunan ang salita ng mga mayayaman. Ilang mga salita lamang ang alam at kaya kong maintindihan."

"Oh. Sorry." I cleared my throat. "Nandito ba sila Jade?"

"Sila Jade? Nako, wala sila dito ngayon. Baka mamaya pa sila dumating. Anong kailangan mo sa kanila? Ninakawan ka ba nila?"

"Muntik lang pero hindi naman natuloy," sagot ko na ikinatawa naman ng babae. "May dinala silang batang lalaki dito nung nakaraan. Alam mo ba kung nasaan na 'yung bata?"

"Ah, si Rin ba? Ayun sya oh." Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng babae at nakita ko ang batang lalaking nagpupunas ng lamesa. "Ikaw siguro yung sinasabi nila Jade na may utang sa kanila."

Wow, ha.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. "Dito ka rin ba nagtatrabaho?"

"Yula ang pangalan ko. Tara dito."

Naunang maglakad si Yula sa counter. Alanganin man ay sumunod ako sa kanya at naupo sa bakanteng upuan sa may dulo kung saan malayo sa mga lalaking lasing. Naglapag ng isang mug na gawa sa kahoy si Yula sa harap ko.

"Mahina lang ang alak na 'yan at gawa sa berdeng mansanas kaya masarap. Subukan mo."

Napalunok ako at tumitig sa alak na nasa harap ko. The cold moist dripping down from the mug and the froth looks pretty on top of it. Maybe a glass of it won't be that bad.

"Salamat," sabi ko bago sumimsim sa alak. Pagkainom ko ay nanlaki ang mata ko sa sarap nito. "Ang sarap.." sabi kobago uminom pa ulit.

"Sabi sa 'yo, e. Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo pa," saad ni Yula. "Tungkol sa tanong mo kanina, ako ang may-ari ng taberna na 'to."

"Eh? Talaga?" gulat na tanong ko. "Sayo 'tong lugar na 'to?"

"Oo," sagot nya. Tiningnan ko syang maigi. She's definitely looked like some fragile girl that will cry any minute. The freckles on her nosebridge made her more innocent. I can't believe that a girl like her actually own a--rowdy, full of sweaty and wasted men--bar.

"Teka, ilang taon ka na ba?"

"Twenty? Tama ba? Iyong nga ba ang salita para sa dalawampu?"

I slowly nodded. So, she's twenty years old, huh. Kasing edad sya ni Amira.

"Oy! Isa pang alak dito!" sigaw ng isang lalaking lasing na lasing na pero nanghihingi pa rin ng alak. Agad namang nagdala ng alak si Rin at binigay sa lalaki.

"Hindi ba bawal ang mga batang magtrabaho?" tanong ko kay Yula since sya naman ang may-ari ng bar na 'to.

"Walang ganoon sa mga tulad namin. Kahit ano pa ang edad mo kung kaya mong magtrabaho ay magtatrabaho ka kung ayaw mong mamatay sa gutom."

The Me In Another WorldWhere stories live. Discover now