"O-Okay, naiintindihan ko." Mas lalong bumilog ang mga mata ko at mas lalo akong nagulat dahil sa narinig kong sagot mula kay Benjamin.

Nilingon ko s'ya ulit sa kan'yang direksyon habang ang ekpresyon ay hindi pa din nagbabago.

What is he saying?! Hindi ako andito dahil may kasalanan s'ya sa akin, nandito ako para maliwanagan sa sinabi n'ya sa akin doon sa bahay nina Missy!

Alam kong hindi ko na 'yon dapat tinatanong o pinagsasayangan ng oras dahil hindi naman 'yon karapat-rapat na itanong dahil lasing s'ya no'n at hindi n'ya alam ang sinasabi n'ya, pero parang may kung ano sa akin na nagdidikta na dapat kong malaman kung ano ang ibig sabihin n'ya doon, lasing man s'ya o hindi.

"Magdadamit lang ako, babalik din agad ako." Sabi ni Benjamin na para bang sa akin n'ya 'yon sinabi dahil sa akin s'ya nakatingin. Umiwas lamang naman ako ng tingin at ibinalik sa mga kuko ang atensyon.

Inangat ko lamang ang ulo ko nang marinig ko ang mga papalayong yapak ng paa ni Benjamin. Napalingon ako sa kaliwa kong gawi nang maramdamang umupo doon si Marian, at bago pa man n'ya masabi ang kan'yang dapat na sasabihin, naunahan ko na s'ya dito.

"Ikaw, ha! Anong sinabi mong may kasalanan ang kapatid mo kaya ako andito?" Nakakunot noong tanong ko sa kan'ya.

Nangisi naman si Marian at inihilig ang ulo sa sofa.

"Basta." Simple n'yang sagot at pagkatapos no'n ay tumayo na s'ya at nagpaalam na aakyat na s'ya ng kuwarto n'ya. Napailing naman ako ng ulo at sinundan s'ya ng tingin. Nang hindi na maabot ng mga mata ko si Marian, tiyaka ko lamang nilingon ang inilapag n'yang pitchel ng juice na may dalawang baso at dalawang pack ng baked cookies. Binuksan ko ang isang pack at kumuha doon ng isa.

"Uh, I'm sorry kung natagalan," Napahinto ako sa pagnguya ng cookie nang marinig ang papalapit na mga yapak ng paa ni Benjamin. Kaagad akong umayos sa pagkakaupo, inayos ko na dim ang buhok ko at kahit hindi ko pa man maayos na nangunguya ang cookie ay nilunok ko na kaagad ito. Hindi naman ako nabulunan doon, pero hindi ko din nalasahan kung anong lasa ng cookie na 'yon dahil kaagad kong nilunok.

"Ayos lang. Ako nga itong nakaabala, eh." Ngumiti ako ng tipid at binigyang distansya ang mga katawan namin.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na matakabi ko s'ya dahil nakasama ko na s'ya no'ng Commercial Pilot pa lamang ako habang s'ya ay flight Captain na, nakakainggit nga, eh. Mas nauna s'yang maging Flight Captain kesa sa akin. Nakasama ko din si Benjamin no'ng nasa Japan ako, nakasama ko s'ya sa paglalakad, at sa pagkain na din. Hindi ako no'n nailang o na-pressure nang malala, pero ngayon, para akong biglang natakot at na-pressure.

"I know you're mad, and I deserve that." He chuckled that makes me more confused.

Wait, what? Don't tell he really believes what his sister told him about my reason why I'm here?!

Hindi alam ni Marian ang dahilan ko dito! Gawa-gawa lamang n'ya 'yon, bakit s'ya naniwala?!

"I denied you. I avoided you. I am mean towards you. But..."

"But what?" I almost asked in whispered. Umaasa ako na sana tama ang nasa isip ko.

"I am sorry." Itinungo n'ya ang kan'yang ulo. "K-Kailangan ko kasing gawin."

Kaagad na nawala ang mumunting pag-asa na namumuo sa isipan ko, pero hindi ko 'yon pinahalata sa kan'ya.

"T-Teka, hindi kita naiintindihan. Hindi ako andito dahil galit ako sa'yo or anything. Andito ako dahil may itatanong lamang ako at kapag nasagot mo na 'yon, aalis na ako."

"Aalis ka kaagad? Agad agad?"

Tumango ako. "Hindi naman kasi tayo magkaibigan, kaya bakit naman ako magtatagal dito, diba?"

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon