49- Confused and Surprised

875 37 0
                                    

(A/N) : This will be the last chapter of SRitKoM, after this will be the epilogue. I just want to say thank you dun sa mga nagtiyagang basahin ito😘. Pag-iisipan ko pa kung gagawan ko siya ng special chapter since magpoproceed na ako sa mga pending stories ko. Yun lang. Once again tysm! 🥰 Enjoy this chapter.

~~~~~~~~~~~



(Shantell POV)

Dali-dali akong pumunta sa bintana at binuksan ito. Makulimlim ang paligid. Tinignan ko ang orasan sa side table ko. It's 4 in the morning?

Like for real! I'm look like a crazy shit right now!!! What's happening?

I look for my calendar, it's July 14, 2022 isang araw pa lang ang lumipas simula nung nakatanggap ako ng gold memory.

Tinignan ko ang gold memory pero wala na doon! Fuck! Napahilamos ako sa aking mukha. Ang lahat ba nang iyon ay panaginip? Ngunit impossible dahil ramdam kong totoo ang mga iyon!

"Listen, Shantell or Elizabeth, our love story will never ends here. This is just the beginning of our story. And I will give you a thing that you will hold onto."

Biglang pumasok sa isipan ko ang huling sinabi ni Kael.

Napasinghap akong tumingin sa ring finger ko at tumili ako na parang baliw sa loob ng room ko!

"Ahhh!!!!!"

"It's real right?? RIGHT!!!!"

Sabi ko habang tinitignan ang singsing na binigay sa akin ni Kael. Yes! Nasa daliri ko siya!

Huminga ako nang malalim at kinalma ang aking sarili. I try to surround my sel with my element pero walang nangyari. I thought it was real pero bakit wala akong kapangyarihan?

Isang tao lang ang naiisip kong may alam ng lahat ng nangyayari sa akin!

Ms. Gabriella!!

Hindi na ako natulog dahil hindi rin ako makakatulog. Kasalukuyan na akong papunta sa university ngayon at balak kong hanapin kaagad si Gabriella! Or Chazaqiel!

Pagkadating ko sa Faculty Office ay hinanap ko kaagad si Ms. Gabriella at nandoon siya nag-aayos ng mga gamit sa table niya.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at umupo sa harap ng table niya kung saan may upuan. Nagulat pa ito dahil sa pagdating ko.

"Oh Shantell? Napaaga ka yata? After lunch pa klase niyo diba?" Sabi nito pagkatapos ay nagsimula ulit ito sa pag-aayos.

"Explain what's going on right now dahil malapit na akong mabaliw!" I shout out of frustration to her. Pati ang ibang teacher ay napatingin sa akin na gulat sa kanilang mga mata. Well I don't care!

"Hey Ms. Reese. You are being disrespectful to your teacher" sabi ng isang teacher at sinabihan lang sila ni Ms. Gabriella na okay lang at siya na ang bahala.

Hinarap ako nito nang may pagtataka.

"What are you talking about Shantell?" Huminga ako ng malalim upang makontrol ang temper ko na malapit ng maubos dahil sa pagmamaang-maangan niya.

"The golden memory? The Kingdom of Manta? The elementalists? The war? And the angels! Chazaqiel stop playing around!" I said it. Ngunit mas lalo lamang akong nagugulohan dahil sa ipinapakita nitong expression ng mukha na parang wala talaga siyang ideya.

"Oh are you talking about the game that I gave you? Maganda diba? I played that too kaso natapos ko na kaya ibinigay ko na sa iyo kase akala ko magugustohan mo din" she said.

Wala sa sarili akong tumayo at lumabas ng office niya. Game? Is it really a part of the game? But what about the ring?

Sabi niya itong bagay na ito ang panghahawakan ko. Sabi niya hindi pa tapos ang love story namin dahil nag-uumpisa palang ito pero bakit, bakit ganito? Bakit pinaglalaruan ako ng mundo! Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hanggang sa hindi ko na maramdaman ang paligid ko at tuluyang nilamon ng kadiliman ang aking mundo.

Nagisin ako at agad na nasilaw sa ilaw na natatanaw ko. Medyo masakit din ang ulo ko. Dahan dahan kong muli minulat ang aking mga mata at ng makaadjust na ako sa liwanag ay nilibot ko ang tingin ko sa paligid.

May dextrose sa aking kanang kamay, ibig sabihin nasa hospital ako. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor. Agad itong lumapit sa akin at sinuri ako.

"Ano pong nangyari sakin doc?" Tanong ko sa kanya.

"You are mentally and emotionally tired. Wala ding laman ang iyong sikmura. Hindi ka ba kumain whole day? Kaya ka nahimatay. May pinagdadaanan ka ba?" Umiling ako sa kanya dahil baka kapag sinabi ko sasabihan niya pa akong baliw, edi baka sa mental hospital na ang bagsak ko!

"Hhmmm, maaari ko bang malaman kung ilang araw na ako dito at kung sino ang nagdala sakin dito?"

"Isinugod ka dito ng service ng inyong university kasama ang isang guard na nakakita sayo. Dalawang araw ka na dito sa hospital. Basi sa nakikita ko ay maaari ka nang makalabas kelan mo gugustohin" he said.

After ko na discharge ay umuwi na ako sa condo ko. Dapat hindi ko na stressin ang sarili ko baka mapahamak pako! Tinignan ko ang singsing sa kamay ko. As long as suot suot ko, maniniwala ako na lahat ng nangyari sa Kingdom ng Manta at totoo. Ang mga bagay na naranasan ko doon ay kailanma'y hindi ko makakalimutan.


Mabilis na lumipas ang isang taon, at ngayon ay first day of school namin at third year na ako! Nandito na ako sa room. Tinignan ko ang kamay ko, nandun pa din ang singsing at hinding hindi ko yan aalisin jan.

Sa nagdaang taon madami ang nanligaw saken ngunit wala eh, walang sinuman ang makakatulad sa kanya. Siguro tatanda na akong dalaga nito hahaha.

Pumasok ang prof namin kaya umupo na ako ng maayos at tumingin sa harap.

"Goodmorning Third year!" Bati ni maam kaya nag Goodmorning din kami.

"How many are you in here?" Tanong ni maam.

May isang kaklase naman ang tumayo ko at binilang kaming lahat. "39 po maam"

Tinignan ni maam ang student list.

"But, nakasulat dito na 40 kayo? Anyways baka late lang. So now I will tell you the rule and regulation inside my..... "

*tok* *tok* *tok*

Napatigil si Maam dahil sa may kumatok sa pinto. Sakto naman na pagbukas niya ng pinto ay ang paghulog ng ballpen ko kaya pinulot ko ito.

"You must be the other one. Come and introduce yourself" rinig kong sabi ni Maam.

Pagkapulot ko ng ballpen ko ay agad ko itong pinatong sa armchair at humarap sa gitna.

Ngunit nanlaki ang mata ko dahil sa aking nakikita. Biglang nagtubig ang aking mga mata dahil sa taong nakatayo sa harap!

"Hi everyone, I'm Mikael Blaze"

Pagpapakilala nito pero sa akin lamang ito nakatingin habang nakangisi. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at tinignan siyang mabuti kung siya ba talaga.

Itim na ang buhok nito maging ang mga mata niya. Ngunit iyon lang ang nagbago sa kanya! Siya pa din ang lalaking iyon!

"Okay now you can take a seat besides Miss Reese since yan na lang ang bakante. "

Dahan dahan siyang naglalakad papunta sa katabi kong upuan habang palakas ng palakas naman ang tibok ng aking puso.

Nanlamig ang buo kong sistema nung naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Napalunok ako at parang naestatwa sa aking kina-uupuan. Hindi ko magawang ikilos ang aking ulo upang tignan siya.

Muli akong napalunok ng maramdaman ko ang paglapit niya sa akin at bumulong sa aking taynga na nag dulot muli nang aking pagluha. A tears of joy actually.




"It's good to see you again your Highness"

Shantell Reese in the Kingdom of MantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon