48- Twisted Event

838 32 0
                                    

(Shantell POV)

Natagpuan ko ang sarili ko sa isang magarbong silid. Hindi ko alam kung kaninong pamamahay to ngunit mabilis akong napabangon sa aking kinahihigaan ng maalala ang nangyari.

"Ang digmaan!!!"

"Anong nayari!!"

Sigaw ko at mabilis na pumunta sa pintuan at binuksan ito. Pagbukas ko ng pintuan ay nakatayo doon so Tatang ngunit, kakaiba na ang kanyang kasuotan dahil para siyang hari ngayon na nakatayo sa aking harapan.

"Tatang?" Pagdadalawang isip kong sabi. Napatawa siya ng mahina dahil sa sinabi ko.

"Kumalma ka at maaaring bumalik ka muna sayong kinahihigaan ay may balak akong sabihin sa iyo kaya naman....."

"Anak!!!! Elizabeth! Anak" napahinto si Tatang sa pagsasalita dahil biglang pumasok si Queen Sheraphine at niyakap ako ng mahigpit." Tsaka teka? Tinawag niya ba akong anak?

"Ahhh, mawalang galang na po pero maaari niyo po bang ipaliwanag sa akin ang nangyari? " tumango si Tatang at pumasok sa kwarto ko, habang si Queen Sheraphine naman ay inalalayan akong maupo sa kama.

"Noong nakaraang digmaan ay ako ang pinili ng Kalangitan upang protektahan ang kaharian ng Manta, ngunit binigo ko ang kalangitan dahil mas pinili ko na protektahan ka. Ang aking anak. Isa ka palang sanggol noon, at lahat ng aking kapangyarihan ay ipinasa ko sa iyo at pinadala kita sa Mortal World sa pamamagitan ni Chazaqiel upang iligtas ka sa gulong nangyayari." Huminga ako ng malalim dahil ngayong malalaman ko na ang nangyayari bakit parang kinakabahan ako, bakit parang wala akong sayang nararamdaman?

"Ang sumpa naman sa reyna ng Holy Light palace na ang iyong tunay na ina ay isang balatkayo lamang. Soba ang galit niya sa akin kaya sinabi niya noon na hinding hindi siya mag-aanak muli hangga't hindi kita naibabalik sa kanya." Dugtong ng hari.

Namayani ang katahimikan sa loob ng silid. Hindi ko alam ang aking sasabihin.

"Kaya ako ay lubusang humigingi na kapatawaran sa iyo, alam kong mabigat ang iyong mga pinagdaanan at naging responsibilidad kaya patawad" huminga ako ng malalim at hinarap siya.

"Nagpapasalamat po ako sa inyo dahil dinala niyo alo sa mundong ito. Kung hindi po dahil sa inyo ay hindi ko po makikilala ang mga kaibigan ko ngayon kaya kaysa sa magalit sa inyong ginawa, ipagpapasalamat ko nalang po ito dahil sa mga kaibigan ko" iyan ang tooong nararamdaman ko.

Napag-isip isip ko na kahit hindi ko na makita at makilala ang totoong mga magulang ko ay ayos na din sa akin hangga't nanjan ang mga kaibigan ko. Sila ang nagpadama at nagparanas sa akin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pamilya.

Niyakap ako ni Queen Sheraphine at ganoon din si Tatang. Napangiti ako sa pakiramdam na bago sa akin. Ganito pala, ganito pala ang pakiramdam ng yakap ng isang magulang.

Matapos ang naging pag-uusap namin ay nagpahanda ng isang malaking pagsasalo si Ama. Ayaw niya nang tawagin ko siyang tatang.

Imbitado ang lahat ng mamamayan ng kaharian ng Manta. Pati ang reyna at hari ng bawat palasyo. Ibig sabihin ay makikita ko silang muli!

Lumipas ang gabi ay napuno ng mga tao ang bulwagan ng palasyo. Ang mga hari at reyna ng bawat palasyo ay nasa isang mahabang lamesa, maging ang mga kaibigan ko at nandoon, nakakalungkot lang dahil nabawasan kami ng isa. Nasa ikalawang palapag ako habang tinitignan sila. Pumunta sa entablado si Ama at kinuha ang atensyon ng lahat.

"Magandang Gabi mga mamamayan ko, nais kong ipakilala sa inyo, sa wakas sa loob ng mahabang panahon ay makikilala niyo na din siya. Ang God of the Guardian spirit. Ang aking nag-iisang anak. Elizabeth! " napuno ng palakpakan ang mga tao.

Isang hingang malalim ang aking ginawa at dahan dahan na bumaba sa hagdan. Nakasuot ako ng isang puting gown na napakaganda. Dahan dahan akong naglakad hanggang sa nasa tapat na ako ng entabalado.

"Magandang gabi sa inyong lahat" panimula ko. Nakita ko ang mga kaibigan ko na kumakaway sa akin.

"Lubos akong nagpapasalamat dahil sa inyong pagdalo sa araw na ito, sana po ay maging masaya ang bawat isa sa inyo ngayong gabi" pagkatapos kong magsalita ay tumugtog ang isang musika.

Umakyat muli sa entablado si Ama at pumunta sa harapan ko.

"Maaari ko bang maisayaw ang aking anak?" Napangiti ako sa kanyang sinabi at agad na ipinatong ang dalawa kong kamay sa balikat niya.

"Napakasaya ko ngayong araw dahil muli kang nagbalik sa amin, ngunit ito ay pansamantala lamang dahil alam kong may sarili lang daan na tinatahak sa ngayon." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin ama?" Naguguluhan kong tanong.

"Ang sandaling ito ay hiram lamang anak. Ngunit lagi mong tatandaan sa iyong puso at isipan na mahal na mahal na mahal na mahal ka namin ng iyong ina." Hindi ko alam pero naramdaman ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Magsasalita pa sana ako ngunit agad niya akong ipinasa sa isang lalakeng nakasimangot na nakatingin sa akin.

"May I have this dance?" He asked, that made me smile and nod.

"I'm Kael of Fire Palace your highness" tumaas ang kilay ko habang tinitignan siya. Napakaseryoso ng kanyang mukha at ang kanyang dalawang pulang mata na ang sarap titigan.

"Ano nanamang drama yan? Atsaka pwede ba magtagalog ka? Ni minsan di pa kita naririnig magtagalog eh" Pagtataray ko ngunit ngumiti lang ito. Ang mga ngiti niya na minsang mo lang makikita ngunit hinding hindi mo makakalimutan.

"Nothing, I just want to say that because it's really suits you. You look a fine princess now" hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ane be!!!! Char!

"Listen to me" he said seriously dahilan upang kabahan ako.

"I just want you to know that I love you so much." Unti unti siyang lumuhod sa harap ko na ikinagulat ko.

"According to Grey, this is the right thing like what people in mortal world do" may kinuha siya sa kanyang bulsa, a red little box.

"Listen, Shantell or Elizabeth, our love story will never ends here. This is just the beginning of our story. And I will give you a thing that you will hold onto."

Dumoble ang kabang nararamdaman ko and for the first time. Nagtagalog siya ngunit hindi ko inaasahan na itong mga salita ang una kong maririnig sa kanya.

"Maaari mo ba akong pakasalan? "

Sobrang saya ng aking nararamdaman. Dahan dahan akong tumango habang kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ito bago niya isuot ang singsing sa daliri ko.

Muli siyang tumayo at hinarap ako hanggang sa dahan dahan niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin. Napapikit na lang ako ng biglang nagtama ang aming mga labi.

Hanggang sa nabalot ng puting liwanag ang buong lugar. Napapikit ako ng sobrang tagal dahil sa nakakasilaw na liwanag. Ilang minuto pa ang lumipas ay binuksan ko ang aking mata ngunit wala na ako sa loob ng palasyo.

Napatakip ako sa aking bunganga sa sobrang gulat dahil nakita ko na lamang ang aking sarili sa harap ng aking computer sa loob ng aking condo.

Shantell Reese in the Kingdom of MantaWhere stories live. Discover now