33- The Blessing of the Volcano

902 30 2
                                    

(Shantell POV)

Dahan dahan kong minulat ang aking mata at nilibot ang paningin sa paligid. Maliwanag ang buong paligid dahil sa sikaw ng araw.

Nasa isang maliit na kubo ako at tanaw dito mula sa maliit na bintana ang maaliwalas na kalangitan.

Dahan dahan akong bumangon at napansin kaagad ang naka-upo at nakayukong lalake sa harap ko. May pula itong buhok at halatang natutulog ito.

Dahan dahan akong tumayo pero hinawakan nito ang kamay at hinili ulit ako nito pahiga.

"Rest" maikling sabi nito ang yumuko ulit.

"Ilang araw akong tulog" tinignan ako nito ng mapupungay nitong mata na halatang puyat at pagod.

"2" maikli ulit nitong sabi kaya napasigaw ako.

"Ano!!! Dalawang araw? Dalawang araw ang nasayang dahil lang sa tulog ako? Bat di moko ginising"  sumimangot itong tumingin sa akin.

"Lower your voice lady. You got high fever after the exhibition of yours" napanguso ako sa sinabi niya. Nilamon ako ng galit nun kaya yung imagination ko na dragon ay inisipi kong hulamahin gamit ang enerhiya ko kaya naman ay napangiti ako. Sabi ko na nga ba makakaya kong gawin yung isa sa mga ultimate skill ko eh kaso nakakaubos ng enerhiya yun kaya hindi ko na ulit yun gagawin kung hindi kinakailngan.

Kinalabit ko ito dahil parang matutulog nanaman siya.

"What now? " inis nitong sabi.

"Ugh.. Ano.. Hmm Tha.. Thank you" sabi ko saka umiwas ng tingin. Nakonsensya naman ako dahil halatang pagod at puyat ito.

"You don't have to if it is not sincere"

"I mean it!" Inis kong sabi saka tumayo at lumabas sa kubo.

Nandito pa pala kami sa village. Nagbalik na ang buhay sa nayon na ito kaya napangiti ako.

Lumabas si Grimuel sa isang kubo na nasa harap ko.

"You're awake. Come, the villagers are waiting for you." Sumunod ako sa kanya at hinila si Kael dahil nga hinihintay na kami ng mga taga nayon.

Nasa malawak na lupain kami ngayon at nakaharap sa mga villagers na may ngiti sa kanilang labi. Nakakahawa ang kanilang mga ngiti kaya kahit ako ay napapangiti na din. May mga magkakaibigan na magkakasama, magkapamilya at magkasintahan na nakatingin sa amin.

"They would like us to know how thankful they are. At talagang hinintay ka nilang magising just to say goodbye, and now they can rest in peace" pinikit pikit ko ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Grimuel, anytime parang tutulo ang luha ko dahil parang tinutunaw ang puso ko.

Kumaway ako sa kanila bilang paalam dahil parang hindi ko kayang magsalita.

Unti unti silang nabalot ng puting liwanag. Nakita ko ang mga magkakaibigan na niyakap ang isa't-isa bago maghiwalay at pumunta sa kani-kanilang mga pamilya. Ang magkasintahan na nagyayakapan, at higit sa lahat ay ang isang buong pamilyang yakap yakap ang isa't-isa. After seeing them hindi ko na napigilan ang luha ko bago sila tuluyang nawala sa paningin ko ay ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

Kahit kailan ay hinding hindi ako mapapagod sa pagtulong hangga't kaya ko. Kusa akong tutulong hindi dahil sa gantimpala na matatanggap. Dahil ang tunay na gantimpala ay makitang masaya ang mga taong tinulungan mo at hangga't may kakayahan kang tumulong gawin mo dahil ang sarap sa pakiramdam kapag napagtagumpayan mo ito lalong lalo na, na walang hinihintay na kapalit.

"Are you crying? " panira talaga ng moment tong Walking Fire na to.

"Hindi no! "

"Then what's that? " tinuro niya ang mga luha ko.

Shantell Reese in the Kingdom of MantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon