5- Dormitory

1.7K 54 0
                                    

(Shantell POV)

Kasalukuyan akong nasa dormitoryo ng mga elementalist, nakaupo ako sa sofa pero ewan kung anong tawag nila dito. Hindi mo magawang eenjoy ang paligid dahil nasa harap ko ngayon ang ilang mga elementalist.

"Yun na yun? Hindi mo alam ang mundong to? " nabibiglang sabi ni prinsesa Lucy ng Water Palace. Kinuwento ko kasi sa kanila ang pagpadpad ko sa lugar nila. Tinatanong nila ako kung kilala ko si Selena o ang pamilya nito dahil iisa kami ng elemento ngunit kahit isa sa kanila ay wala akong kilala.

"Hayaan na muna natin siya, siguradong naguguluhan din siya sa mga nangyari" malumanay na sabi ni Shia ng Nature Palace. Ang cute niya dahil sa berdeng buhok nito na nakatitintas at may bulaklak din ito na nakapabilog sa kanyang ulo.

"Ayon sa sinasabi niya, nanggaling siya sa mundo ng mga mortal, maaaring ang liwanag na sinasabi niya ay isang lagusan papunta sa mundo natin. Hindi ko aakalain na makakakita ako ng isang mortal" hinihilot ni Almira ng Air Palace ang kanyang sintido habang sinasabi ang mga katagang yan.

Samantalang ako ay palipat lipat ng tingin sa kanila. Well ang mga babae lang dahil wala ang mga lalake dito dahil nasa kanya kanya na silang mga silid. As if I need their welcome tss.

"What the actual fuck is happening now! I'm tired! I want to go to sleep." Inamoy ko ang sarili ko at napangiwi ako dahil 2 days na akong di naliligo arg!!!!

Napansin ko ang pagtahimik nila at nagulat ako dahil nanlalaki ang kanilang mga matang nakatingin sa akin. What is it now?!!

"Marunong din siya ng lenggwahe ng mga banyaga na tanging mga prinsesa at prinsipe lamang ang nakakaalam" napangsinghap na sabi ni Selena.

"Teka nga! Naiintindihan niyo ba yung sinabi ko?" I ask them out of frustration. Napahinga ako ng malalim dahil tumango sila.

"We know how to speak in this language too" ngayon naman ay ako naman ang nanlaki ang mata dahil sa sinabi ni Almira. Okay! Andami ng nangyari at hindi na kaya ng braincells ko ang mga ito.

"How long you will going to ask her? Just let her rest for a while princesses! " napalingon ako sa nagsabi. Ito ay si Lucas ng Earth Palace.

Kaya nagsibalika na sila sa kanilang mga kwarto pero huling umalis si Shia. "Sige mauna na kami, kita nalang tayo mamaya ha hihihi" hagikgik nito bago tuluyang umalis.

Nakahinga ako ng malalim ng umalis na sila. Ngayon ay papunta na ako sa silid ko. Maging ang mga pinto ay nakaayon sa kulay, kaya hinanap ko ang puti na pinto. Kapansin pansin din ang kulay ginto nito sa bawat gilid ng pinto. Nakasabit na din sa doorknob ang pangalan ko.

Sabi ni Shia ay kakagawa lang ng room ko since hindi nila inaasahan na may dadagdag sa grupo nila. Nagulat nga ako dahil ganun kabilis itong natapos. Well ano pa bang aasahan sa mundo ng mahika.

Binuksan ko ang pinto at halos bumagsak ang panga ko dahil sa nakikita ko. Kwarto ko ba to? Bakit anlaki naman ata? Talo pa nito ang condo ko eh!

A white with a touch of gold is the color of my room. There is a big queen size bed at may whito itong napakakapal nacomforter.
Mayroon akong side table at may gintong lampshade dito. Nakaayos din ang bookshelves ko, mayroong mini sala at isang sofa na kulay puti din. God!! Mabuti nalang at malinis ako sa katawan, nakakahiya kung madudumihan ang mga ito.

May walk in closet thin ako!!! Punong puno ng mga damit na magkakapareho ang design, may iilang robe which I think is our uniform. Kahit ano lang naman ang isusuot as long as suot mo din ang robe to identify your class. Pero alam mo yung mga damit? Yung mahahaba na parang ang yaman sa tela ang mundong to. Yung parang sa mga pari? Ganern!

Shantell Reese in the Kingdom of MantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon