46- Her Death

815 27 0
                                    

(3rd Person POV)

Kasalukuyang nakalutang sa ere sa Shantell habang pinagmamasdan ang gusali na ngayon ay isang malaking bangin na.

Sa gitna nito ay unti-unting nabubuo ang usok hanggang sa tuluyang naging si Lucian muli ang usok.

Samantala, mabilis na pinuntahan ni Damon si Shia at niyakap ito. Akala niya ay mapapahamak na ito kanina kung hindi dahil kay Shantell hindi niya alam kung ano ang posibleng nangyari.

"Kailangan natin siyang tulongan," mahinang sambit ni Shia pero rinig ng lahat. Kapwa tumango ang isa't-isa saka lumutang at tumabi kay Shantell.

Nagbagong anyo si Shia maging si Lucy, habang ang iba ay nababalutan ng kani-kanilang awra ng elemento.

"Aim for his hearts. Hindi siya mamamatay kung hindi mawawasak ang puso niya" Almira said.

"Hearts?" Naguguluhang tanong ni Shantell.

"He have four hearts" Sabi ni Almira habang seryosong tinitignan si Lucia na tuluyan ng nabuo.

Samantalang si Lucian ay nakangising tinitignan ang sampu na nakalutang sa kanyang itaas. Maya maya pa ay naglabas ng usok ang kanyang katawan hanggang sa nakabuo ito ng isa pang Lucian hanggang sa naging lima, hanggang sa naging sampung Lucian ang nabuo.

"Gusto niyong maglaro? Sige. Maglalaro tayo!" Sabay sabay na sinugod ng sampung Lucian ang mga elementalist at sila naman ay nagkanya kanya ng pwesto.
"Mamatay tanga!" Malakas na sigaw ni Shantell bago sinugod ang Lucian na papasugod sa kanya.

Samantalang ang buong kaharian ay patuloy pa din sa pagharap ng mga alagad ni Lucian. Ang bawat hari at reyna naman ng bawat palasyo ay nakakaramdam ng pagkabahala hindi dahil sa mga sarili nila, ngunit sa kani-kanilang mga anak na ngayon ay kaharap ang isang malakas na kaaway.

Samantalang sa palasyo ng hari sa kaharian ng Manta ay nakatayo ito sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang napakagandang babae na natutulog doon.

Pinatulog niya ito upang ilayo ito sa kapahamakan. Matapos nitong nalaman ang lahat ay nais nitong harapin si Lucian na hindi naman pinayagan ng hari.

Naksuot ang hari ng pandigmang kasuotan habang tintignan ang babaeng natutulog. "Hindi ko hahayaan na sa ikalawang pagkakataon ay may mawala o malayo mulo sa akin na mahal ko sa buhay. Ipinapangako kong wala ng digmaan ang makapaglalayo sa ating tatlo." Bigkas nito ng mga salita bago tuluyang lumabas sa silid at hinanda ang sarili. Tuluyang nilisan ng Hari ang kanyang tahanan at nagmamadaling umalis papunta sa lagusan na nakikita niya sa kalangitan.

Samantalang si Headmistress Mathilda kasama ang lahat ng guro ay nasa isang tabi sa loob ng akademya.

"Makinig kayo mga kapwa ko guro. Kailangan nating isara o sirain ang lagusan na iyon. Maghanda kayo sa pag atake" sabi ni Headmistress Mathilda. Maya maya pa ay isa isa nilang inatake ang lagusan. Sumasabog ang kanilang atake pagkalapat nito sa lagusan. Hindi sila tumigil sa pag-atake habang may pagkakataon pa sila.

Nilingon ni headmistress Mathilda ang nangyayaring laban sa pagitan ng mga Elementalists at Lucian.

Samantala, hinihingal na tinitignan ni Lucas ang kanyang kaharap na Lucian. Hindi niya aakalain na na hindi man lang nabawasan ang kabuohang lakas nito kahit hinati nito sa sampu ang kanyang katawan.

Nakikita niyang mabuti ang apat na puso nito gamit ang kanyang elemento. Dalawa sa magkabilang dibdib at dalawa sa magkabilang tiyan at lahat ng ito ay protektado ng isang enerhiya na bumabalot dito.

Ngunit kahit hinihingal ay hindi nakikitaan ng pagsuko si Lucas. Ipinikit nito ang kanyang mga mata at pinagtagpo ang mga palad nito na parang nagdadasal. "Spirit of the Earth, lend me your power" maya maya pa ay biglang umangat ang sahig na kinatatayuan ni Lucas hanggang sa lumabas ang isang higante na gawa sa bato! Kapansin pansin din ang hawak nitong maso.

Tumalon si Lucas pababa kasabay nito ang pag atake ng higante gamit ang maso na kanyang hawakhawak.

Bawat isang elementalist ay hindi nagpapatalo sa bawat laban. Kahit na abala si Shantell sa kanyang kalaban ay tinitignan pa din nito ang lagay ng kanyang mga kasama.

Umikot si Shantell kasabay ng pagwasiwas nito ng espada na sinalag naman ni Lucian, pinadyak nito ang kanyang paa at isang matulis na yelo ang lumabas sa kinatatayuan ni Lucian ngunit mabilis itong tumalon at inatake si Shantell ng marahas na enerhiya.

Tumilapon si Shantell ngunit agad nitong nakontrol ang sarili sa ere. Pinagaspas nito ang kanyang mga pakpak at mabilis nitong narating ang kinaroroonan ni Lucian. Mabilis nitong tinusok sa dibdib ni Lucian ang espada kung nasaan ang isang puso nito ngunit hindi tuluyang nabaon ang dulo ng sandata nito dahil sa nakaprotektang enerhiya dito.

'Kailangan ko ng mas malakas na enerhiya upang matalo siya' sa isip isip nito.

"Mukhang kailangan ko nang tapusin ang laro natin" naalerto si Shantell sa sinabi ni Lucian. Binawi nito ang kanyang iba pang katawan at pumasok sa mismong katawan nito.

Idinipa ni Lucian ang kanyang mga palad at dalawang maitim na bilog ng enerhiya ang lumitaw dito.

Magkasabay niya itong tinapon kay Shantell na mabilis namang sinangga nito. Nanggigil si Shantell dahil sa sobrang lakas ng enerhiya. Napapaatras na din siya nito at maging ang mga kalasag niya ay unti unting nasisira.

"Ahhhhhhhh!!!!!!" Malakas na sigaw nito at pumalibot sa katawan nito ang kanyang kapangyarihan.

Samantalang ang ibang elementalist ay napapikit at napatakip sa kanilang mukha dahil sa liwanag. Malakas na pagsabog ang nangyari. Tuloyang nawala ang liwanag sa paligid kasabay nito ay ang pagluhod ni Shantell sa lupa. Sira sira ang mga kalasag nito at hinihingal na nilibot ang paningin at hinanap si Lucian ngunit, parang nablangko ang kanyang isipan at tumigil ang mundo na kanyang ginagalawan.

Nanlaki ang kanyang mga matang nakatingin kay Lucian na nakangising nakatingin sa kanya. Nasa harap nito ang katawan ni Lucy na kasalukuyang duguan. Nakatusok ang sandata nito sa tiyan ng dalaga at tumagos ito hanggang likod.

"Hindi" mahinang bulong nito. Nakita nito ang paghugot ni Lucian ng sandata sa katawan ni Lucy at ang dahan dahang pagbagsak ng katawan nito sa lupa.

"Hindi" mahina at malamig nitong sabi.

Hindi siya maka kilos maging ang iba, hindi sila makagalaw habang tinitignan ang katawan ni Lucy n ngayon ay nasa sahig na at naliligo sa sarili nitong dugo.

Muling kumilos si Lucian upang atakehin ang nakatulalang si Shantell. Ito na ang kanyang pagkakataon upang kuhanin ang medallion at upang wakasan ang buhay nito.

Mabilis ang naging kilos ni Lucian at agad itong nakarating sa harap ni Shantell  na kasalukuyan paring naka-luhod.

Naging huli ang reaksyon ni Kael at ang iba pa, huli na upang pigilan si Lucian na ngayon ay nakataas na ang sandata. Mabilis nitong winasiwas ang sandata ngunit bago pa man tuluyang tumama sa leeg ni Shantell ang sandata ay isang sandata din ang humarang dito.

"Oras na para tapusin ito Lucian" seryosong saad ng sumangga sa espada nito.

Napangisi si Lucian dahil sa wakas ay dumating na ang kanyang hinihintay.

"Ragar" ngising sabi nito at isang segundo lang ay nasa kalangitan na silang dalawa at nagpalitan ng mapangwasak na atake.

Samantalang si Shantell ay nakatulala pa din sa katawan ni Lucy na ngayong ay yakap yakap na ni Grey. Naramdaman nalang nito ang paglutang ng kanyang katawan sa ere na parang may bumuhat sa kanya.

"Rest first, you've done a lot of exhibition today." A man was slowly walking and take her in one safe place.

"Kael" after Shantell said that, she burst into tears in Kael's arm.

Shantell Reese in the Kingdom of MantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon