34- The Sea Monster

896 37 0
                                    

(Shantell POV)

We are alreadt heading to the exit of the volcano, and to my surprise it's alreadt midnight in the outside.

"Grabe! Ganun katagal tayong nanatili dun sa loob? " I said in disbelief.

Napatingin ako kay Kael, naalala ko ang egg niya hahaha! Di ko maiwasang matawa talaga.

Nasa loob ito ng kanyang malaking bag, kabilin-bilinan ng Spirit of the Volcano na dapat ay lagi itong nasa tabi niya hanggang sa mapisa ito.

"Why are you grinning?" He asked.

"Nothing" I said. Tsaka inalis na ang tingin sa kanya.

"Should we get moving or wait for the sun to rise? " I asked them.

"We should go, there's a town near by the sea" Kael said.

I look at the sea from here. It's shining because of the light coming from the moon. I took a deep breath. We're almost there, I almost there!

Nagpatuloy kami sa paglalakad na inabot ng halos apat na oras. Grabe, kung ako ang susunod na maging presidente ng lugar na to, isa sa mga ipapatupad ko ang public transportation!

Mayroong transportation dito kaso tanging ang mga hari at reyna lang ang mayroon, yung mga unicorn. Wala namang kakayahan ang mga mamamayan para magkaroon nun!

Nakatayo kami ngayon sa harap ng tarangkahan ng isang bayan. Ngunit walang guwardiya na nagbabantay ngayon. Tahimik na din ang buong paligid dahil gabi na din at siguradong natutulog na ang mga tagabayan.

Pumasok kami at nagmamasid sa paligid. Madilim ang buong bayan dahil kahit ang ilaw ng bawat kabahayan ay nakapatay na din. Kaya sa tingin ko ay sa lansangan kami matutulog ngayon.

Ngunit, naabutan namin ang isang matanda na kasalukuyang nagsasara ng kanyang inumang pwesto. Napatigil ang matanda sa pagkilos ng mapansin kami.

"Hmmm, mga dayuhan. Mabuti pa kung pumasok na muna kayo sa inyong tuluyan dahil delekado ang maglakad lakad tuwing gabi dito sa bayan" sabi ng matanda bago nagpatuloy sa pagsasara ng kanyang pwesto.

"Ahh, tatang kakarating lang po namin dito at wala po kaming matutuluyan, baka sakali  po ay pwedeng makituloy sa iyong pwesto, magbabayad kami at aalis din kami bukas" sabi ko kay tatang.

Tinignan kami nito na parang pinag-aaralan ang bawat isa sa amin. Maya maya pa ay muli nitong binuksan ang harang sa kanyang pwesto at binuksan ang pinto ng kanyang pwestong inuman.

"Halina kayo, tuloy kayo. Ngunit walang silid dito dahil inuman lamang ito ng mga mangingisda kaya pagtiisan niyo na lang."

"Maraming salamat po tatang" sabi ko.

"Walang anuman, ako nga pala si Seryo. Ipagpaumanhin niyo at wala ding pagkain dito, tanging serbesa lamang ang aking tinitinda" napatingin ako sa mga kasama ko at alanganing ngumiti.

"What about a glass of beer? " sabi ko habang pilit na ngumiti.

"Sure," Shia.

"I'm okay with it" Selena

"Count me in" Lucy

"Me too" Almira

"What about you boys? " I asked.

"Of course! " malakas na sigaw nila Damon at Grey. So it decided.

"Ah Tatang serbesa lang po," agad namang inasikaso ni Tatang Seryo ang mga beer namin.

"Nga pala Tatang Seryo, ano po ang ibig niyong sabihin sa delekado sa bayan ang maggala kapag gabi? Napansin ko din na nakapatay ang ilaw ng mga bahay dito. " tanong ni Shia.

Shantell Reese in the Kingdom of MantaWhere stories live. Discover now