8- Elemental Practice

1.4K 58 0
                                    

(Shantell POV)

Nandito ako ngayon sa library, nagulat pa nga ako dahil sobrang laki nito para sa isang library. I mean napakataas ceiling tapos lahat ng kabinet na may mahigit  limampung palapag ata ay nakapalibot sa buong silid, nasa gitna naman ang mga mesa. May mahahabang hagdan para maabot ang mga libro na nasa taas.

Hindi rin ikaw ang kukuha ng mga libro dahil may mga witch na nagtatrabaho dito at sila ang kukuha ng libro para sayo.

Ngayon ay binabasa ko ang isang libro patungkol sa lugar na ito, ang kaharian ng Manta. Marami na akong nabasa, at namamangha lamang ako. Isa sa mga abilidad ko na ipinagmamalaki ko ay ang madali akong makamemory ng mga bagay bagay na nakikita at nababasa ko.

I mean, kahit isang beses ko lang nabasa or nakita ay hindi ko na ito nakakalimutan. Kaya siguro nangunguna ako sa klase lagi. Speaking of that, kamusta na kaya doon? I'm sure nagtataka sila dahil ilang araw na akong wala. Hayyys.

Ang kaharian ng manta ay ilang daang taon na at hanggang ngayon ay tinataguyod pa din ito ng mga mamamayan, maging ng hari. Ang hari na namumuno ngayon ay ang ikatatlong hari na namumuno dito, dahil may kakayahan ang mga mamamayan maging ang hari na mabuhay ng higit pa sa daang taon.

Nabasa ko din ang ilang palasyo ng mga elementalist, mayroon silang kanya kanyang teritoryo na pinapalibutan ang sentro ng kaharian. Gusto ko sanang makita ang bawat palasyo ngunit walang litrato na nakalagay dito. Hindi ata uso ang picture dito eh.

Ngunit ang pinaka tumatatak sa isip ko ay ang ikasampung palasyo na tinatawag na Holy Light Palace. Naawa ako sa reyna dahil isinumpa siyang hindi na siya magkakaanak dahil sa di malaman na dahilan. Kaya noon pa man ay tanging siyam na elementalist lamang ang naipapadala dito.

Nabasa ko din ang tungkol sa katana na hawak hawak ko ngayon o tinatawag nilang long sword. Ito ay ang katuwang ng mahal na hari sa pakikidigma noon pa man kaya nakapagtataka na binigay niya ito sa akademya. Sinuri ko itong mabuti at bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina sa klase kung saan kinalaban ko ang wildboar.

Nangangatog ang mg tuhod ko habang nasa gitna ako ng Gym. Okay Shanty! It's now or never!

Tatakbo na sana ako ngunit biglang may nagsalita sa loob ng isipan ko! Pinapakalma ako ito, at sinabing mag-isip ako ng galaw na nakita ko sa mga kaklase ko. Natataranta ako dahil tumatakbo na ang wildboar patungo sa akin!

Biglang pumasok sa isipan ko si walking fire! Oo si Kael. Kinalma ko ang sarili ko at tumayo ng tuwid. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang wildboar. At gaya ng ginawa ni walking fire ay winasiwas ko dinang katana ko, wala akong naramdamang pwersa dito, para lamang akong nagwasiwas sa hangin ngunit laking gulat ko ng bumagsak ang wildboar sa gilid ko na nahati na sa dalawa.

Napamulat ako ng biglang may sumundot sa pisngi ko. Si Shia nanakangiting nakatingin sa akin.

"Lunch na daw, kaya pumunta na tayo doon." Tumatalon talon itong naglalakad paalis kaya sumunod naman ako.

Shantell Reese in the Kingdom of MantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon