43- Under Attack

858 31 0
                                    

(3rd Person POV)

Sa isang pribadong siling ng kaharian ay magsisimula na ang pagpupulong at ang sentro ng talakayan ay ang kasalukuyang nangyayari sa kaharian ng Manta.

Ang mga matataas na opisyal ng kaharian ay nasa loob ng silid pagpupulong maging ang bawat hari at reyna ng bawat palasyo ay nandirito din.

Pumasok ang isang magiting na lalake sa loob, siya ang hinihintay ng mga naroroon upang opisyal na simulan ang pagpupulong. Ang Hari sa kaharian ng Manta.

Matikas itong naglalakad habang bakas sa mukha nito ang pagkaseryoso at awtoridad, umupos ito sa upuan na nasa sentro ng isang mahabang lamesa at pinagmagsdan ang bawat isa na nasa loob, ngunit ang tingin nito ay tumagal sa isang napakagandang reyna na nasa kanyang kaliwa ngunit hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.

"Ngayon ang ating kaharian ay nalalagay sa pagsubok, hindi pa natin alam ang tunay na rason sa likod ng kanilang pagkuha sa mamamayan ng kaharian ng Manta ngunit nasisiguro kong ang binabalak nilang plano ay ikakasama nang ating kaharian" huminto ang hari sa pagsasalita at tinignan ang mga opisyal.

"Tama, nais ko munang malaman ang ginawang imbestigasyon ng ating mga opisya. Mag-ulat kayo" utos ng hari.

"Mahal na hari, ayun sa aming pag-iimbestiga, at narinig na usapan ng dalawang nakaroba na tinatawag na Necromancer ay inutusan sila ng kanilang panginoon upang manguha ng mga Wizard at Summoners sa ating kaharian ngunit mas matutuwa raw ang kanilang panginoon kung ang mga elementalists ang kanilang makuha at maihalad sa panginoon nila" sabi nang tagapagsalita nang mga opisyal.

Napakunot ang ibang mga hari at reyna, iniisip nila ang kanilang mga angkan.

"Mukhang kailangan nila ang kapangyarihan ng mga elementalists." Huminto ang hari sa pagsasalita at tinignan ang mga hari at reyna ng bawat palasyo. "Kayo ang mga pinuno ng inyong palasyo kaya alam kong alam niyo na ang gagawin sa inyong nasasakupan." Dugtong pa nito.

Madami pa silang napag-usapan tungkol sa nagaganap sa kaharian ng Manta ngunit katulad ng sabi ng hari, kailangang maghanda ng lahat dahil ang totoong digmaan ay hindi pa nagsisimula.

Samantala, matapos ang pagpupulong ay bumalik ang hari sa kanyang silid at tumayo malapit sa malaking bintana habang pinagmamasdan ang buong kaharian ng Manta.

Isang puting nilalang ang biglang nagpakita sa tabi ng hari. Ang nilalang na ito ay may nag-aalalang ekspresyon ng mukha.

"Hanggang kailan mo balak manahimik? Ang digmaan ay nararamdaman kong magsisimula na, kung hindi ka kikilos ngayon maaaring mawalan ka na ng panahon na gawin iyon." Bakas ang lungkot sa boses nilalang na ito. Samantalang walang reaksyon lamang ang hari.

"Kung mamamatay siya sa digmaan, ibig sabihin iyon ang kanyang kapalaran at habang buhay niya nang hindi malalaman ang katotohanan. Ngunit kapag napagtagumpayan niya ito, ako mismo ang magsasabi sa kanya nang lahat lahat." Sabi nang hari. Sa mata ng nilalang ay walang emosyong sinabi ito ng hari ngunit sa loob loob ng hari ay ipinagdarasal niya ang kaligtasan nito.

"Ngunit..... " magsasalita pa sana ang nilalang pero pinutol na ito nang hari.

"Alam ko ang nararamdaman mo ngunit dapat mo din malaman ang dahilan kung bakit siya naririto, iyon ay para iligtas ang kaharian na ito sa pagkawasak. Siya ang magpapatuloy ng responsibilidad na dati ay pasan pasan ko. Kung wala ka nang sasabihin ay makakaalis ka na." Sabi ng hari bago iniwan ang nilalang na nakatayo doon.

Ngunit sa kanyang paglalakad ay nagulat ito dahil sa isang magandang babae ang nakatayo sa harap nito.

"Ano ang dapat kong malaman?" Malamig na sabi ng babae ngunit kahit na ganoon ay makikita ang kalungkotan sa mga mata nito.

"Sabihin mo sa akin, ano ang pinag-usapan ninyo ng anghel na yun? May kinalaman ba ito sa anak ko? Sa anak natin!!!" Hindi na magawang pakalmahin ng babaeng ito ang kanyang sarili dahil sa narinig na usapan ng dalawa. Bumunton hininga naman ang hari at walang magawa kundi ang sabihin na ang lahat lahat sa kanyang asawa. Ang babeng nakatayo sa kanyang harapan.

(Shantell POV)

"Anong ipinangalan mo sa bagay na yan?" Turo ko sa ulo ni Kael kung saan natutulog doon ang munting nilalang.

Nandito kami ngayon sa loob ng dorm. Namiss ko din itong dorm namin no! Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan at itong katabi ko kanina pa nakasimangot dahil ginawang pugad ang ulo nito hahahaha.

"Firis" he said. "He's the one who said it to me, Firis"

Napa o ang bibig ko. So nakakapagsalita pala siya?

"In my mind"

Ang galing naman!! Sana ako din kaya ko din sana yan!

"You can't"

Ano daw?... Teka nga!!!

"Hoy ikaw! Paano mo nalalaman ang iniisip ko?" Sabi ko Kael na ngayon ay nakangisi na.

"You are just easy to read" napasingkit ang mata ko sa kanya. Siguraduhin niya lang.

Maingay din sa panig nila Damon dahil kinukulit nito si Shiya na magbagong anyo at buhatin daw siya at ilipad. Abnormal diba? Tiningnan ko sila isa-isa. Yung masaya nilang mga mukha. Sila, sila ang rason kung bakit hindi ko tinalikuran ang ibinigay sa akin na responsibilidad. Ayokong iwanan at hayaan ang mga ito dahil sila na ang pamilya ko ngayon kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila.

"Why are you crying Shanty?? Pinaiyak ka ba ni Kael?" Shia asked kaya madali kong pinunasan ang luha ko na hindi ko namalayang tumulo na pala.

"No. Hahahaha. Napuwing lang ako. Hihi" I said.

"Okay" Shia said.

Nagsimulang muli ang kulitan ngunit maya maya pa ay biglang nakarinig kami ng malakas na pagsabog! Nasundan pa ito ng isa, dalawa at tatlong pagsabog!

Agad na nagsitakbuhan kami palabas ng dorm at nagulat ako dahil ang mga estudyante ay nagsitakbuhan papunta sa amin. May iba na nakahandusay sa sahig. Nagkagulo ang paligid!

Isang itim na lagusan ang nabuo sa gitna ng field dahil sa dalawang necromancer na bumuo nito. Paano ba sila nakapasok dito!

"Ang barrier, nasira!" Turo ni Damon sa barrier na ngayon ay wala na.

Samantala hinanap ng mga mata ko si Marie at Aklas. Nakahinga ako ng makita sila ngunit nakita ko dinang sugatang braso ni Aklas.

"Something's coming!" Grimuel said. Napalingon ako sa lagusan at mula doon ay napakaraming nilalang ang lumalabas! Mga halimaw! Mga kalansay at mga patay na hayop at tao!

"Everyone listen. Damon, guide all the wounded students in a safe place. Shia will heal them. The rest of who can fight will fight. Understand?" Kael said with full of authority.

"Yes!!" They shout!

Agad na kumilos si Damon at Shiya. Lucas build a barrier made of stone to protect the wounded students.

"Be careful guys! Mamatay tanga okay!" I shout at them na nagpangisi sa kanila. And with that we covered our body with aura and in a second we disappeared from their sight.

I will end this, I will stop this. This is what I need to do, to save them. I don't want anyone to die. I will protect them at all cost.

And with that I released a big wave with just a simple gesture of my hand that kill who ever hits it.

Shantell Reese in the Kingdom of MantaWhere stories live. Discover now