22: The Birthday Gift

Start from the beginning
                                    

"Mommy gusto po ni baby ng isa pang baby para po may kalaro po ako. Ayaw na po ni baby kalaro yung maids" sabi ni Avie sakin. Waaaah! My gosh! Kung sana nabibili lang sa mall yang mga ganyan.

"Ahm baby kasi ano eh...." Grrr... pano ko ba ipapaliwanag kay Avie? Should I say no? Napansin kong nag-iintay din ng sagot ang parents ko.

"Dianna, bakit hindi ka makasagot? Isn't it about time na masundan na si Avie?" sabi ng mom ko. Whoa! Wala namang ganyanan! Pressure?! "How old are you na nga baby?" she smiled when she asked Avie samantalang seryoso siya when she asked me. Avie raised her 4 fingers. "What's that in words baby?" she asked Avie again.

"Four po mamu" sabi ni Avie. Proud na proud naman ang mom ko dahil sa ginawa ni Avie. Hindi nila alam na kaya na ni Avie ang elementary algebra.

"Ang galing galing naman ng baby" My dad even clapped at Avie. Enjoy naman si Avie dahil napuri siya hahahahaha

Mom looked at me again. "O see? Four na pala si Avie, dapat kay Avie sinusundan na, bakit Dianna? Aren't you and Dave having sex regularly? Aba dapat madalas yan kasi healthy yan physically and para mas maganda ang married life niyo" nawindang ako sa sinabi ni mom.

"Mom!" Saway ko kay mom while covering Avie's ears. Bata palang ako inex-plain na samin ni mom kung ano yun. Iba pala ang feeling kapag sa next generation na ipapasa.

"What's wrong Dianna? You can't hide that truth from Avie forever. Bakit ba na-eeskandalo ka pa? Hindi ba't kaya nga nabuo si Avie ay dahil sa pag-ssex niyo ni Dave?"

"Mom!" Nakaka-stress ang nanay ko. Pinaliwanag niya sakin yun, pero 8 years old nako that time!!!!

I looked at dad para humingi ng saklolo. Wala lang kay dad at parang gusto niya rin ang ginagawang pangti-trip ni mom sakin.

Avie held my hand para alisin yung kamay ko sa ears niya. "Mommy, what's sex?"

Tsk! Too late narinig na ni Avie. Magiisip pa lang sana ako ng sasabihin when mom started to speak. "Baby it's when the pen---"

"Mom no! I'll explain that to Avie" bawi ko kay mom. Mas maganda nang ako ang mag-explain kay Avie kesa sa full version na ibibigay ng mom ko. Alam kong kaya ng mom kong gawing makulay at 3D ang imagination ni Avie sa ganung topic, pero hindi yun child friendly. Kaya mas mabuti nang ako nalang ang magpaliwanag kay Avie.

I stared at Avie. "Avie, baby we'll talk later about that ha? Now just drop the topic please baby? Secret lang muna yan with mommy ha?" Binuhat ko si Avie.

"Daddy!" Avie exclaimed sa likod ko.

"Ano yung secret lang muna?" sabi ni Dave sa likod ko. I bit my lip and closed my eyes. I took a deep breath. Takte naman! Bakit naman kasi ngayon pa siya dumating?! Makikisawsaw pa 'tong isang 'to.

"Dave buti naman at dumating ka, I'm trying to convince Dianna na mag-baby na kayo ulit, isn't it about time? 4 years old na si Avie o" sabi ng mommy ko kay Dave. Haaaaaayy! Nako naman!!!

Dave smiled at her, "Busy pa po kasi kami eh pero kapag may time na po"

"Dianne, baka naman mashado kang busy sa trabaho kaya hindi mo na mabigyan ng time si Dave at si Avie. Kawawa naman pala ang apo ko" sabi ng mama ni Dave.

"Ma hindi naman po kami pinapabayaan ni Dianne kahit marami siyang ginagawa" pagtatanggol sakin ni Dave sa mama niya sabay akbay sakin. "Mommy kapag may time na po, magha-honeymoon po ulit kami para masundan na si Avie" sabi naman ni Dave sa mommy ko.

"Bakit naman kapag may time lang? Hindi na ba kayo regular ni Dianne?" parang shocked pa ang mommy ko. Ay grabe? Mas marunong pa?

"Ahhh.. Hindi na po kami umaabot sa quota eh" sabi ni Dave kay mommy.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now