Chapter 38

4.8K 148 25
                                    


I haven't seen her for a while, mag dadalawang araw na din. Is she avoiding me now?

I blew out some air and stared at the door. We have our period with her today and I am hoping to see her walk in this room. It's kinda weird and unusual of her to absent for two days straight.

"Franz, you okay?" Binalingan ko si Sam. Walang emosyon akong tumango. "Why wouldn't I?"

"You look.. Off these days." Nag-aalalang sabi n'ya. Nagkibit balikat lang ako.

Mabilis pa sa alas kwatro akong lumingon ng bumukas ang pinto.

"Huh? Anong ginagawa ni Zai dito." Dinig kong bulong ni Sam.

Napuno ng bulungan ang silid namin. Karamihan ay nagtataka kung bakit si Zai andito ngayon imbes na si ma'am Javier, at isa na ako ro'n.

"I know all of you is wondering why I am here today. I will be the one to replace Solace Javier. Ako na ang magiging teacher n'yo from now on."

Napakunot ang noo ko. She's serious of avoiding me now, huh at talagang binigay n'ya sa iba ang section namin.

Hindi na ako nakapagfocus dahil tuluyan ng gumala ang isipan ko. Pagkatapos kasi naming mag-usap ay biglang pumasok si Athena, nagulat pa nga ito ng madatnan n'ya kaming umiiyak pero tinanguan lang ako nito at hinatak paalis si ma'am.

Dahil do'n ay mas lalong dumami ang katanungan sa isipan ko. Parang wala lang sa kanya na nag-uusap kami ng 'girlfriend' n'ya kuno. Sa pagkakatanda ko kasi ay umuusok na ang ilong n'ya kung makita nya kaming magkalapit o magkausap ni ma'am three years ago.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko sa oras na 'yun pero wala naman akong maramdaman ng makita ko silang magkasama at magkahawak kamay.

Syempre dahil nga naka move on na ako.

Siguro nga ganon iyon. Ngunit hindi mawala sa isipan ko ang huling sinabi n'ya sa'kin, hanggang sa pagtulog at pagkagising ko ay nagpaulit ulit iyon na sumasagi sa isipan ko,

'Let's meet again in another lifetime, Ky.'

Ano ang ibig n'yang sabihin? Is she going to move in another country for good? Puputulin n'ya ba lahat ng connections n'ya here in the Philippines to start a new life? O di kaya may malubhang sakit s'ya na—Hindi pwede!

"Hindi ka ba nagugutom?" Nagising ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni Fred, "Kanina ka pa namin inaaya pero nakatulala ka lang d'yan sa board. Ayos ka lang ba?"

"Mm.. Medyo masama lang yung pakiramdam ko." Walang ganang sabi ko. Tumayo ako at naunang lumabas.

"Mama!!"

Agad na kumurba ang ngiti sa labi ko ng makita si Francis na tumatakbo papunta sa'kin kaya niluhod ko ang isang paa at binuksan ang dalawang kamay.

"Baby!" Mahigpit na niyakap ko ito at binuhat. Napahagikhik ako ng pinugpug ako n'ya 'ko ng halik sa buong mukha.

"I miss you mama."

I kissed his cheek, nanggigil ako sarap kagatin. Grr, ang laki laki at ang soft. "I miss you too, baby."

Napangiti ako ng makita si Amir na kumakaway samin. Nakapamulsa, pa swabe kung maglakad, parang model. Girls were drooling over him and I am proud of it.

"Hi." He greeted.

Yumuko naman ng bahagya ang tatlo sa kanya, pasimpleng tumango naman si Amir sa kanila. "Let's go?"

Kinuha n'ya sa'kin ang bag at mga gamit ko. Napailing nalang ako ng makarinig ng mga tilian at mga chismis. Hayyy, mga marites nga naman!

'Grabe ang gwapo naman pala ng husband n'ya.'

Let Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon