Chapter 30

4.1K 144 15
                                    

It's only 5:00am and I excitingly pack my clothes for two days trip in Boracay. Naalala n'yo ba yung prize kung magiging champion kami? Eto na 'yon!

And what excites me the most is that, makakasama ko nanaman ulit si ma'am Javier. I miss her,

Ilang araw akong umiiwas sa kanya to the point na hindi nagtatagpo ang landas namin, except sa period namin sa kanya. Nag tetext at tumatawag ito, nirereplyan at sinasagot ko naman iyon, alam kong naiintindihan n'ya ako.

And hindi ako tumuloy sa mansion ng Mosheic but instead dito natutulog si Amir sa'min. Laking pasasalamat ko na may araw na din na hindi ko makikita ang pagmumukha ng lalaking iyon kahit dalawang araw lang.

I heard a knock on my door nagmadali akong hinila ang maleta at binuksan ang pinto.

"Ready?" Nakangiting tanong ni Kieffer, tumango ako.

"Alright, let's go, your langga is there na." Halos talunin ko pababa sa sobrang excited na makita s'ya, ang kaninang ngiti ko ay napalitan ng simangot ng makita si Amir sa gilid ng hagdan.

Inirapan ko lang ito at dire diretsong lumabas. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ito sumunod.

My lips curve into a smile when I saw ma'am Javier standing beside the van. Kumaway ako sa kanya, para akong matunaw ng bigla itong ngumiti. Gosh.. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang ganda ng langga ko.

"Hi langga, good morning!" I whispered. Sinilip ko ang mga kasama namin sa van, kumaway ito sa'kin na sinkuklian ko ng ngiti.

"Good morning. Get in." Nakangiting bati nito sa'kin. Owshiii, ito ang good sa morning!

"Mikay!" Sabay kaming lahat napalingon sa pinanggalingan na boses.

"Is that acquaintance guy?" Kunot noong tanong ni ma'am, "Pumasok ka na muna," Sabi ko.

Napatawa ako ng samaan ako nito ng tingin at inirapan, may binubulong bulong pa ito bago pumasok ng van. Napailing ako na sinarado ang pinto.

"Amir's planning something, 'wag na 'wag mong ihiwalay ang cellphone mo sa katawan, okay? Susunod ako, okay?" Hinaplos nito ang aking pisngi,

"Your girl is glaring at me. Enjoy, Mikay." Sumulyap ito sa loob ng van. He then kissed my forehead and cheeks. "Suyo well." Tinapik nito ang aking balikat at tumawa ng malakas. Inis ko itong sinundan ng tingin dahil nakailag ito sa hampas ko at ang gaga ay kumaripas ng tumakbo.

Alinglangan akong pumasok. Napalunok ako ng magtama ang paningin namin ni ma'am, nakakatakot mukhang kakatay na ng tao, dinagdagan pa ng mga tukso at pagintriga ng mga kasama ko.

Kamot sa ulo akong umupo sa tabi nito sa pinakahuli na upuan sapagkat ito nalang ang vacant seat.

Hindi ko nakita sina Ari baka nasa passenger's seat.

"Franz sino yun? Jowa mo?"

"Ang pogi ni fafa,"

"Single ba 'yon?"

"Bagay kayo!"

"Nakakakilig naman, sana all!"

"Naol tinanan"

Hindi ko iyon pinansin at binalingan ang propesor ko na masama ang tingin sa'kin at kaunti nalang ay bubuga na ng apoy,

"Langga--"

"Shut up if you don't want me to kick you out of this van." Malamig na sabi nito,

Napakamot ako ng ulo at sinulyapan ang mga kasama namin na may sari-sariling mundo na.

Let Me Where stories live. Discover now