Chapter 21

4.1K 181 84
                                    


A/N: HAHAHA gal8 na gal8 us2 manak8. Kalma po tayo papunta palang tayo sa exciting part
~

"Saan kayo nanggaling?" Usisa ni Athena sa'min habang nakataas ang dalawang kilay.

Hindi ako sumagot at umupo na lamang sa tabi ni Alex. Nakahanda na ang mga pagkain sa hapag at tanging kami nalang pala ang hinihintay. Umupo na din si ma'am sa tapat ko na katabi si Athena. Hay

"Saan kayo galing?" Si Zai naman ang nagtanong kaya tinuro ko ang direksyon ng dagat.

"I was calling you kanina pa hindi ka sumasagot." Wika ni Paris sa tabi ko.

"I forgot my phone." Maikling sagot ko at tinignan ang mga pagkain, iba't ibang uri may mga sea food at iba pa.

"What do you want to eat?" Tanong sa'kin ni Paris. I shrugged and gaze on my plate. wala akong gana

"What's wrong, hun?" She held my hand beneath the table and squeezed it. I smiled a little and shook my head.

After nung conversation namin ni ma'am ay hindi ko maiwasan ang bigat na nasa dibdib ko o baka boobs ko lang 'yon.

Charot.

Basta ang bigat sa pakiramdam, paulit ulit ba naman sinasampal sa'yo ang katotohanan.

"Ano'ng gusto mong kainin?" Tanong ni Alex,

"I can manage." Walang ganang sagot ko

"Kumain ka ng madami, Ari." Wika ko at nang humarap ako ay nakatanggap ako ng matalim na irap. Lah? Inaano ko nanaman s'ya? Parang ewan talaga 'to si ma'am Javier.

"Here, try this. Masarap 'to." Nilagyan n'ya ng buttered shrimp ang plato ko. Hindi ko na poproblemahin dahil wala ng balat.

"Love, try this one." Nilagyan din ako ng crab. Tapos kung ano ano pa ang nilalagay nila sa plato ko hanggang sa mapuno iyon ng ulam.

"Eto din, Franz"

"Love, oh."

"Eto pa."

"I promise you, masarap 'to."

"Kain ka pa, Franz"

"Guys, stop." Iritadong ani ko

Hindi ko 'to mauubos akala mo naman kung ilang tao ang kakain sa sobrang dami ng laman ng plato ko

"Hindi ko 'to kakayanin mag-isa. Kayo ang umubos n'yan." Utos ko, napakamot silang dalawa sa ulo,

Kinuha ko ang ibang ulam na nasa plato ko at nilagay iyon kay Ari, tsaka yung iba kay Alex naman.

"Nakita ko yung bagong profile mo, Franz. Sino ang kumuha 'non?" Pagbubukas ng topic ni Gray, edi lahat sila ay nag abang sa isasagot ko.

"Nasa caption ko na nagtatanong pa din kayo, yung totoo, marunong ba kayo magbasa?" Pamimilosopo ko

"Sino nga! Pogi ba?" Isa pa 'tong si Mon eh,

"Maganda." I corrected, tumili naman ang ibang kasamahan namin lalo silang naintriga, hays.

"Ano ang pangalan?" Agad na tanong ni Dos na ikinasimangot ni Gray, eh?

Let Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon