Chapter 32

4.5K 165 22
                                    


When we entered the canteen umupo kami sa usual spot namin. Hindi nagtagal ay dumating na din si Harmony at si Alex.

"Waassupp mga hangal!" Malakas na sigaw ni Harmony pagpasok ng canteen.

Jusko. Ako nahihiya sa babaeng ito. Hilig talaga ng attention, tamo halos ng mata ay nasa amin.

Pa kembot kembot ito at maarte na umupo ang Alex naman ay nakasimangot lang at mukhang pangit ang gising.

"Hi loveyy." Pagkakita nito sa'kin ay ngumiti ito. Hinila ang upuan sa kabilang table at umupo sa tabi ko. "Hey." Nakangiting bati ko,

"I'll order muna, ano sa'yo?" Tanong ni Alex sa'kin. "No thanks. May lunch na ako," Turo ko sa lunch box na nasa harapan namin. Napahiyang napakamot ito sa batok,

"Kami nalang ilibre mo, Lex" Nakangising sabi ni Harmony.

"Shut up." Masungit na asik ni Alex at tinalikuran ito para mag order. Huh?

Hindi naman ganon si Alex ah? I mean hindi naman s'ya ganon kasungit. Tinignan ko si Mon, nakangisi ito ngunit may kung ano sa mga mata n'ya, lungkot?

"Anyare sainyo teh?" Athena asked,

See? Hindi lang pala ako naka notice.

"Wala. Pikon lang talaga yang kaibigan n'yo." Pairap na sagot nito bago sundan si Alex sa counter.

Nagkibit balikat nalang ako at nilabas na ang pagkain sa lunch box ko. Syempre hindi muna ako kakain kasi hihintayin ko muna sila, duh!

"Anyways, since wala naman tayong klasi mamayang hapon why don't we hang out?" Sam suggested,

"Basta 'wag lang iinom ha? Papagalitan ako." Gulat akong napatingin kay Dos.

"At sino ang magagalit sa'yo aber? Kailan ka pa natakot sa ibang tao maliban sa'kin?" Taas na kilay kong tanong,

"Edi sa kay Abo." Tudyo ni Fred na ikinailing ko. Abo ampota ano klasing pangalan 'yan?

"Yuck." Sabay na nandidiring sabi namin ni Sam with matching duwal pa ang gaga.

"Manahimik! Pag inggit pikit!" Pang asar ni Dos at dumila pa na parang bata, kala mo cute mukha naman aso.

Pinilig ko ang ulo at ngumisi bago binalingan si Athena na nakatingin na din pala sa'kin. I smile at her, "So, what do you wanna do?"

"Ano meron?" Sulpot ng dalawang isda at umupo sa kanilang upuan, syempre dahil maarte ang lola n'yong si Alex ay sumiksik ito sa'kin na para bang umiiwas sa isang germs na si Harmony.

Mga isda things.. Isda kasi parang may something fishy sa kanila, bright ko 'no?

"Hmm.. May klase pa kayo mamaya?" Tanong ko sa kanila,

"Oo, pero wala daw yung prof namin kaya wala na. Bakit?" Same course sina Alex at Mon,

"Okay nice! So anong gusto mong gawin?"

"Bowling?" Sagot nito at sumubo ng chicken curry n'ya.

Tumango naman ako. I actually like the idea of it since I haven't tried it before then maybe it's time for me to learn and experience. It would be fun lalo na't sila ang kasama ko,

Marunong kaya si ma'am maglaro si ma'am ng bowling?

Speaking of my langga, kumain na kaya s'ya? I grabbed my phone and texted her,

To: Langga ko❤️
Hi langga, kumain ka na po?

I smiled before I clicked the send button. Langga 'wag masyado kiligin pag natanggap mo ang message ko ha? Hindi din po yan pa fall, question lang yan—

Let Me Where stories live. Discover now