Chapter 11

4.7K 178 4
                                    

~

"Hoy! Kanina ka pang sabog, kanina pa tayo paulit-ulit, pagod na kami uy!" Pagrereklamo ni Peach habang nagpupunas ng pawis.

Hays, bwesit na windbreaker. I am out of focus the whole practice, everyone's frustrated because me. I feel bad, sobrang hataw ng sayaw nila but ako lang palagi ang sablay.

"Guys!! One more, Franz.. Please mag focus ka naman." Halos magmakaawang sabi ni Desiree,

Okay, mag focus ka muna, please lang. Para makauwi na kayo, pagod na ang mga kasama mo. Sabi ko sa sarili.

Nang marinig ko ang hudyat ng music ay binuhos ko ang lahat ng effort at focus ko sa pagsayaw.

After the dance nag hiyawan ang lahat at pinupuri ako, "Much better!" Tinapik pa ni Desire ang balikat ko.

"Kaya mo naman palang mag focus eh, pinahirapan mo pa kami." Mataray na saad ni Peach that made me roll my eyes,

Naunang umalis ang boys para maligo sa kabilang gym since occupied naming mga girls ang cr dito.

Imbes na maligo ay magpapalit nalang ako ng t-shirt at sa bahay nalang maliligo. Napatingin ako kay Peach na abala sa pagpapalit ng damit.

"Good afternoon po." Bati naman sakanila, nakuha naman namin ang kanilang atensyon.

Magiliw na lumapit sakin si Zai, "How's your practice?" Tanong n'ya,

Pero nung tumingin ako kay ma'am Javier ay isang matalim na irap lang ang natanggap ko,

Seriously, what is her problem? S'ya na nga yung nantrip sa'kin tapos nagtataray pa?

"May isang tao lang naman po ang hindi nagfofocus at palaging nagkakamali, diba Franz?" Pagpaparinig n'ya sa'kin

Tinakpan ang kanyang bibig and glared at her pero agad din napabitaw dahil dinilaan nya ang palad ko. Nakakadiri

Iiyak talaga to kung puputulin ko yang dila mo!

"Sino?" Nagtatakang tanong ni Zai habang palipat lipat ang tingin sa'min ni Peach.

Imbes na sumagot si Peach ay tinignan lang ako nito at ngumisi, syempre nagets agad yun ni Zai,

"And why is that?" Napatigil ako sa pag-aayos ng bag nang marinig ang malamig na boses na iyon.

"Sabog!" She's just putting fuel to the freakin' fire

I heaved a sigh before wearing my shirt, kahit kailan talaga ang bunganga ni Peach walang preno. Puro panumbong at asar lang ang lumalabas sa bibig.

"Oh I almost forgot!" Napatingin ako kay Zai

"I have some errands to do pala. Ahm, Franz, pwede mo bang ihatid si Sol? Malapit lang naman ang bahay n'ya dito, Franvilla Executive." Kusa akong napatingin kay ma'am Javier na hindi maipinta ang mukha

"Mag tataxi nalang ako." Agad na pagtanggi n'ya,

"Sige, ikaw bahala." Hindi na kumuntra si Zai at nagmadaling umalis habang hila hila si Peach,

Nang tumingin ako kay ma'am ay naglalakad na ito palabas kaya nagmadali akong lumigpit ng mga gamit saka sumunod sa kanya.

"Ayaw mo po ba talagang sumabay?" Pagsisigurado ko, gabi na natapos yung practice namin dahil tudo buhos na kami dahil sa Friday na gaganapin yung party.

"Yes." Maikling sagot n'ya, kaya tumango ako, ba't ko naman pipilitin? Ano s'ya gold?

"Sige po. Mag ingat po kayo!" Wika ko at sumakay ng kotse at bago pa man ako makalabas ng campus ay tinignan ko muna si ma'am Javier sa rear view na naglalakad papuntang waiting area ng cab.

Let Me Where stories live. Discover now