Kabanata 14

98 8 0
                                    

Pagsasabihan ko sana si Laura tungkol sa ginawa niya ngunit nagsalita iyong umihip sa trumpeta kanina.

"Ang anak ng Punong Tagapamahala, Lowell Dunhall!"

Hindi pa rin natatanggal iyong hawak ni Laura sa akin kaya ramdam ko ang panggigigil niya. Sa tingin ko ay hindi lamang eleksyon ang dahilan ng kaniyang inis dito, mayroon pang iba.

Bumaba mula sa kalesa ang isang lalaki na halos kaedaran lamang ni Laura. Nakapadausdos papunta sa likod ang kaniyang buhok. Mataas din ang kaniyang tingin dahil sa anggulo ng kaniyang baba. Nakasuot ito ng pormal na kasuotan. May pagkakahawig siya sa kaniyang ama, maliban na lamang sa parte na may kalakihan ang tiyan dahil papunta na rin siya roon.

Hindi ko alam ngunit pati yata ako ay naiinis na rin sa hitsura niya. Hindi kasi matanggal-tanggal sa kaniyang mata at labi ang taglay na kayabangan. Mukhang siya iyong tipo na namumudmod ng pera.

Binantaan ng mga lalaking nakapormal na kasuotan ang mga mamamayan upang pumalakpak. Inilabas nila ang kanilang mga baril at itinutok ito sa mga tao.

Dahil hindi ko nais na mapasabak sa kahit na anong gulo, wala akong ibang magagawa kung hindi tamad na pumalakpak. Napatingin ako kay Laura na tila naging bato na sa kaniyang kinatatayuan. Siniko ko naman ito at ipinakita ang paggalaw sa aking mga kamay.

"Kailanman, hindi ko papalakpan ang isang iyan o kahit na sino sa pamilya nila," sabi niya.

Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Napalibot ako ng aking tingin sa nasa paligid namin kung may mga nakarinig ba. Mabuti naman at mukhang wala. Hihigitin ko na sana siya papalayo nang narinig namin ang isang tinig na tumawag sa kaniyang pangalan.

"Laura Rein!"

Sabay kaming napalingon. Laking-gulat ko nang nalaman na iyong anak ng Punong Tagapamahala ang tumawag sa kaniya.

"Matagal-tagal na mula nang huli tayong nagkita," aniya sa boses na wala yata siyang balak na hinaan. "Mabuti na lamang at hindi ka nagbago ng kulay ng iyong buhok kaya naman ay nakilala kita. Lila pa rin ito, katunog ng alila na parang ikaw lang."

Isang serye ng halakhak ang pinakawalan niya. Nang napansin niyang siya lamang ang natawa ay binulungan niya ang mga nasa likuran niyang tauhan niya at pilit na nakitawa rin ang mga ito.

"Kung ako sa iyo, umatras ka na sa laban na ito, Laura Rein. Walang puwang ang mga babaeng katulad mo sa pagiging isang pinuno."

Kung nasa Lehiyon ako, baka kanina ko pa pinatumba ang isang ito. Nakakairita ang mga lumalabas sa bibig niya.

"Mas lalo namang walang puwang ang isang mangmang na katulad mo. Hindi ako aatras dahil wala akong dapat na ikatakot. Kung mayroon man, hindi ikaw iyon," sagot ni Laura.

Kung hindi siya, sino naman ang mahigpit niyang kalaban? Hindi ba at Dunhall siya? Hindi kaya...?

Biglang nagsitilian ang karamihan sa mga kababaihan. Naalerto ako at ihahanda na ang aking sarili nang nalaman ko kung sino ang may pakana ng kaguluhan.

Morgan Dunhall.

Pamangkin ng Punong Tagapamahala at ang paborito niya kaysa sa kaniyang anak. Napangisi ako, ito siguro ang nagpapaalinlangan kay Laura. Ngunit hindi siya dapat mangamba rito, dahil kung matino ang mga tao ay hindi nila iboboto ang isang ito.

"Mas mahal na nga ni Ama si Morgan, pati ba naman itong mga mamamayan?" Nais kong tumawa nang pagkalakas-lakas sa kinomento ng isa pang Dunhall. Nararapat lamang sa kaniya iyon.

"Kumpara naman kasi sa iyo, mas matino itong si Morgan, at--" Tumikhim si Laura bago nagpatuloy, "--makisig na rin."

Kusang nagtagpo ang aking mga kilay sa isinaad ni Laura. Nakikisigan siya sa Morgan na iyon? Alam niya kaya kung anong klaseng tao ito?

The Legion [ ongoing ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt