Controller 9 : Raws of commotion

60 10 4
                                    

Controller 9 : Raws of commotion

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maisip kung paano nangyari 'yon. We were just watching, enjoying ourselves, and didn't have any idea that 'that incident' may happen. Wala ni isa sa'min ang naghinala na posibleng mangyari iyon, sa Alhari, na mahigpit pag dating sa seguridad.


"Kasalukuyang nasa kamay ng mga police ang isang outsider na nagtangkang pasabugin ang kaniyang sarili sa loob ng xerxes base kung saan daang tao ang posibleng madamay, at ayon sa mga kapulisan ay may dalawa pa raw itong kasama subalit hindi nagsasalita ang suspect patungkol sa nangya–" hindi ko na narinig pa ang kasunod nang patayin ni Vicky ang flat screen tv.


"Grabe, hindi ko inaasahan na posible 'tong mangyari." Bakas ang pagaalala sa mukha ni Hydee. Kahit ako, hindi talaga makapaniwala. Ang imposible kasi talaga. This is Alhari, and I believe that Alhari's fully protected.


I sighed out of confusion, still cannot get over what occurred last night. Palihim kong tinignan si Dark na seryosong nakaupo sa sofa, walang kahit anong emosyon ang makikita sa kaniyang mukha.


Last night, habang nagpapaliwanag ang Outsider sa invention niya ay manghang-mangha ang mga manonood, pati na ang mga judges. Maganda kasi ang naisip niya, a bomb. Ayon pa sa kan'ya, through that bomb, he wants to protect his family, friend, his people, and his land.


Subalit, sa kalagitnaan ng laban, hindi inaasahan ang pag dating ni Chairman Harmen. Yup. We were actually stunned by what we saw. Si Chairman Harmen 'yon! Walang nag aakalang bababa s'ya ng XB para makinood or should I say, mag judge. Tuwang-tuwa ako sa mga sandaling iyon..


However, kasabay nang pagdating ni Chairman Harmen ay tila natuod na ang Outsider sa kaniyang kinatatayuan. Hindi na s'ya nagsalita at matalim na titig ang iginawad kay Chairman.


After that, he suddenly burst out and he rushed toward Chairman to attack him. Sabi pa n'ya ay pasasabugin n'ya ang buong lugar, but thankfully, hindi niya natuloy ang binabalak niya dahil naagapan ito ng special unit, tawag sa mga high ranked police.


And while that commotion was going on, I saw Dark, widened eyes, and stiffened at his feet. Nang tumingin ako sa mata niya, nakita ko, nakita ko 'yung halo-halong emosyon. Galit, poot, lungkot at paghihinagpis na tila may nawala sa kaniya.


Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya dahil wala na kaming oras para magtagal pa doon because Zenon ordered us to leave the place. Pero ewan ko ba at para bang tuluyang nang nabaon ang paa niya sa sahig, hindi na makagalaw.


Wala akong choice kung hindi hatakin s'ya at habang palabas kami, ramdam ko ang panginginig niya at panlalamig ng katawan niya. I just find it...weird.


Kaya naman kanina ay nakatanggap kami ng balita na mas mainam kung mananatili muna kami sa mga sari-sariling dorm. Bukod sa may posibilidad na maulit ang nangyari, hindi pa rin nahahanap ang mga kasamahan nung suspect.


"So, ano nang mangyayari sa'tin ngayon? No work, no money na ba ang peg?" napabuntong hininga na lamang ako sa tanong ni Vicky.

2060:  THE CONTROLLERWhere stories live. Discover now