Controller 1 : Xerxes Base

143 10 16
                                    

Controller 1 : Xerxes Base

"Ma'am, 15 minutes pa po before serving. Maupo muna kayo doon," She pointed out her forefinger towards the table beside the window.

"Alright," hindi ko na hinintay pang makasagot siya at nauna nang maglakad papunta sa lamesang itinuro niya.

Nang makaupo na, inilabas ko ang cellphone ko upang makatingin ng mga bagong balita.

JUST IN: ALHARI ORGANIZATION DECLARED TO SHOOT PROTESTORS IF THEY DIDN'T LISTEN TO POLICE.

Napalingon ako sa labas ng bintana nang makarinig nang malakas na sigaw ng lalaki.

"HINDI KAMI PAPAYAG NA PATULOY NINYONG KUKURAKUTIN ANG PERA NG TAONG BAYAN!" Ang protestors. Nagpoprotesta sa harap mismo ng Alhari Building.

Sa harapan nito ay sa tingin ko mga kasing edad ko lamang at  may mga hawak na kariton kung saan nakasulat ang:

PAGKAIN ANG KAILANGAN NAMIN HINDI TEKNOLOHIYA!

NASAAN NA ANG KARAPATANG PANTAO!

2060 NA PERO BOBO PA RIN KAYO MAG PLANO!

Napailing na lamang ako sa nakita. Tao nga naman, puro nalang reklamo. Bakit hindi nila ilagay ang sarili nila sa sitwasyon ng mga nakaitataas upang makita nila kung bakit ganito ang desisyong inilalabas? Tss.

"Here's your order, ma'am." Nabalik ako sa sarili nang ilapag ng babae ang order kong kape sa lamesa. Agad akong nagpasalamat. Tinignan ko ang aking relo at napagtantong 10 minutes nalang ang meron ako bago bumalik sa Lab.

Shit! I overlooked the time.

Nagmamadaling tumayo habang bitbit ang kape at saka mabilis na nilisan ang coffee shop.

****

Alhari Organization used to be a brotherhood where well-known scientists came from. This organization was established in 2030. That time the life of employees here was literally heaven. Mga hayahay ang buhay at masasabing matatag ang samahan dahil lahat nagkakaisa. Malaya ang bawat isa at lahat may karapatang mag desisyon. Kasundo ng mga scientist ang pinuno na si Mr. Brunette- who used to be a chairman.

Ngunit sa kasamaang palad, binawian ito ng buhay noong May 2048 kaya naman ang anak niyang si Mr. Harmen Brunette ang bagong namamahala nito. Noong bata ako ay paulit-ulit pinagmamalaki nina Mom and Dad ang Alhari Organization at kung gaano kabait si Mr. Harmen.

Kaya naman hindi ko lubos na maintindihan kung bakit ang daming may galit sa kaniya kung sa gayong kapakanan lang naman ng bayan namin ang inaalala niya. Kung hindi dahil kay Mr. Harmen ay hindi makikilala ang bayan namin sa isa sa pinakamagaling pag dating sa pag iimbento ng mga kagamitan.

Ang mga kabataang nakikitaan niya ng potensyal ay agad nilang binibigyan ng opotunidad na maging bahagi ng Alhari. Ang Alhari ay namimili ng mga 18 years old pataas na may kakayahang umimbento ng mga bagay-bagay. Pero kung gusto mong makapasok ay hindi rin naman imposible. May mga eksaminasyon lang na kailangang daanan.

Ngunit tulad kong mabilis nakapasok dahil kilala ang mga magulang ko. Unfair tignan subalit wala akong pakealam doon. Isa sa pangarap kong makapasok sa Alhari dahil gusto ko ring ipakita kung anong kaya kong gawin.

"Senshi!" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang pagtawag sa pangalan ko.

"Ano ba, Vicky?!" Inis kong tanong dito dahil sa mismong mukha ko pa siya sumigaw.

"Kanina pa kaya kita tinatawag, lalim nang iniisip mo, e." saad nito habang nakapamaywag pa.

"So? Ano nga kailangan mo?" She crossed her arms before she speak.

2060:  THE CONTROLLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon