Prologue

129 12 8
                                    

"Everyone," we deliberately stopped what we were doing when Dark called our attention.


"Are you all ready?" hindi ako kumibo sa kaniyang tanong. I'm still analyzing the situation and the possible outcome of this shit-plan.


Malakas ang buntong hiningang ibinigay ni Victoria bago ito magsalita. "Ano bang mapapala natin sa kabaliwang ito?" she asked with a cold voice. pinapanatiling kalmado ang kaniyang sarili.


"Hindi ito kabaliwan, Vicky. Our lives depend on this operation. Magtatagumpay tay-" HIndi sumagot si Dark kaya't si Zenon ang nagsalita ngunit hindi na pinatapos pa ni Victoria ang nais nitong sabihin dahil muli siyang nagtanong.


"Paano kung hindi?" muling namayani ang katahimikan sa amin.


"I'm scared.. No, I'm afraid. mababaliw ako sa mga pinaplano ninyo! Alam niyo bang mas magiging delikado ang kalagayan natin kapag pinagpatuloy natin 'to?! ha?! syempre hindi niyo alam! kasi kapag hindi nagtagumpay ang binabalak niyo, may uuwian pa rin kayong pamilya na kayang kaya kayong buhayin kahit wala kayong ginagawa!" pilit pinapakalma nina Elle at Hydee si Victoria dahil sa panginginig nito sa galit.


"Victoria! Ano bang pinuputok ng butchi mo? huh! Ito na nga 'yung sagot sa problema mo, diba?! eto na 'yun! kailangan mo ng pera at mas malaki ang kikitain mo kapag sariling pangalan mo ang nakapaskil sa bawat artikulong lumalabas katabi ng mga imbensyon mo!" halatang natigilan si Victoria sa kaniyang kinatatayuan dahil sa pagsigaw ni Ace.


No one dared to speak after what Ace said. We are all dumbfounded about this plan. We didn't even have an idea why Dark and Zenon thought this crazy-operation-somethin'! well, kahit ako naguguluhan but deep down on my mind, naiintindihan ko pa rin kahit papaano pero kasi naman! hindi pumasok sa isip ko na tototohanin nila ang mga binabalak nila!


"Okay, okay. Kumalma muna tayong lahat, ayos ba? pare-parehas lang tayong nagulat sa biglaang pagpaplano nina Dark at Zen pero 'wag naman sana maging sanhi 'to ng hindi natin pagkakaunawaan." mahabang litanya ni Hydee na pilit pinapakalma ang sitwasyon. ngunit hindi ko maiwasang magbigay ng komento sa sinabi niya.


"Paano tayo magkakaunawaan kung una palang hindi na pinaunawa nila Dark ang mga binabalak nila? huh? Bakit pabigla-bigla? Hindi man lang tayo tinanong kung anong gusto nating mangyari, kung sang-ayon ba tayo sa pinaplano nila, kung tama bang gawin nila 'to." i keep my voice steadily because i know that anytime, my tears will may fall from my eyes.


"Enough," Dark signed heavily before continue what he's saying. " Kung hindi kayo sang- ayon sa pinaplano namin, then don't come with us. ganoon lang kasimple. Kung gusto niyo namang maging bahagi ng operasyong ito, then much better. Sa ayaw at sa gusto niyo, itutuloy namin itong napag usapan." napaawang ang aking bibig dahil sa narinig mula kay Dark.


Alam kong may makasariling taglay itong si Dark but I did not know that this was too worse. How about our opinion? Hindi valid? kasi? anong rason ? hindi ko rin alam!


"Okay, fine. hindi ako sasama." ani Victoria at nakipagtitigan sa seryosong Dark na siya ring madilim ang tingin nito sa kaniya.


"A-ako rin.. Hindi ako sasali. Hindi tama 'tong binabalak n'yo." sinundan naman ni Elle ang hindi pag sang-ayon at saka muling nanahimik.


Hindi ako makahinga. Masyadong mabigat ang hangin sa paligid namin. Pakiramdam ko nasa ilalim ako ng tubig.


"How about you? Hydee." matagal sumagot si Hydee dahil mukhang pinag iisipan nito mabuti kung ano bang dapat niyang isagot.


Ilang minuto lamang ng muli itong magsalita. "Sasama ako kung ipapaliwanag niyo sa'kin ang dahilan kung bakit natin 'to kailangang gawin." hindi kumibo si Dark sa sinabi ni Hydee ngunit binigyan naman siya ng tipid na ngiti ni Zenon.


"Fine." maikling sagot ni Zenon.


"Ako, sasama ako." Itinaas ni Ace ang kaniyang kamao na balak makipag fistbump kay Zenon na tinapatan naman nito.


Lahat sila ay nasa akin na ang tingin. Shit. Bakit parang sa'kin nakasalalay ang magiging desisyon ng dalawang panig? pero sabi naman ni Dark kanina na wala siyang pake, diba? SO pumayag man ako o hindi, wala lang iyon sa kanila.


"Oka-" hindi ko natapos ang nais kong sabihin nang makarinig kami ng sunod-sunod na katok mula sa pintong pinag mimeetingan namin.


"Is there someone there?" Agad kaming nagkatinginan at bakas ang taranta sa mata ng bawat isa. Kilalang kilala namin ang boses na iyon! That's Mr. Harmen!


"Shit! Anong gagawin natin?! Si Chairman 'yon!" Damn! Ang puso ko parang lalabas na sa dibdib ko dahil sa lakas nang kabog nito!


Kanya-kaniya kaming ayos ng sarili nang bumukas ang pinto.


"Anong ginagawa niyo dito?"


******

A/N

Ano nga ba ang pinag-uusapan nilang plano? Halina at subaybayan ang susunod na kabanata! Wiiiiww.

At last! nakagawa rin ng prologue! akala ko hindi ko na masisimulan itong The Controller e HAHAHAHA nawala lahat nung imagination ko kaya natagalan bago ulet nagkaroon.




2060:  THE CONTROLLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon