Controller 5 : The Outliers

73 10 6
                                    

Controller 5 : The Outliers

Nagmamadaling napabangon ako nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng aking kwarto. I didn't bother to wash my face as I rapidly walked towards the door.

Ow, what did we get here? Umagang- umaga pero kumukulimlim na.

"Ano? Ang aga-aga nang iistorbo ka." salubong na kilay kong saad sa kumakatok.

"At ang aga-aga nagsusungit ka, tss," Tignan mo'to. Nambubwiset nanaman.

"Kung nandito ka para pagtripan ako, umalis ka na dahil hindi kita papatulan ngayon." matapos magsalita ay balak ko nang isara ang pinto nang pigilan niya ito ng kamay niya.

" May nagpunta ditong announcer kanina, may event daw na gaganapin." Ani Dark at inismiran lang ako.

"Event? What kind?" He didn't speak but instead stared at me.

"Ano? magtititigan nalang ba tayo dito?" iiling-iling siyang nag-iwas ng tingin at saka nagsalita.

"Bilisan mo at ng makapag almusal na tayo nang sabay-sabay. Nasa sala kami." Inirapan ko lang siya bago isara nang tuluyan ang pinto.

Event? Bihira lang magkaroon ng event dito sa Alhari pero sa tuwing nagkakaron naman ay talagang bongga. Isinantabi ko nalang ang isiping iyon at nag- asikaso na.


Matapos mag-asikaso ay pinasadahan ko lang ng tingin ang sarili sa salamin. Sleeveless fitted green dress. A khaki lace-up stiletto heels. To finalize my look, nagsuot lang ako ng hikaw at saka necklace with a moon-shaped pendant. Lastly, Perfume.


Lumabas na ako ng kwarto at saka tumungo sa sala kung saan sila naghihintay. Naabutan ko silang nanonood ng cartoons. At tulad ko, mga nakaporma rin sila. Naunang mapatingin sa'kin si Zenon at saka pinasadahan ang kabuuan ko.


"What?" Nanatili lang itong nakatingin sa'kin.

"Girl! Ang sexy mo! Grabe, dream body ko 'yan!" napalabi ako sa papuri ni Hydee.

"Ang lakas ng loob ni Senshi mag sleeveless! Palibhasa may ipagmamalaki." nakangusong wika ni Elle.

"Gutom lang 'yan." saad ko. Nahagip ng mata ko si Dark na nasa akin ang tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay ngunit nanatili siyang tahimik.

"Guys! Breakfast is ready!" narinig naming sabi ni Vicky mula sa kusina.

"Breakfast? Hindi pa tayo aalis?" naguguluhan kong tanong.

Si Ace naman ang sumagot sa tanong ko. "Aalis na dapat tayo kaso nagugutom na daw si Hydee 'tsaka si Dark kaya naman naisipan muna magluto ni Vicky." Napa tango lang ako at sumabay na sa kanilang pumunta sa dining table.

Sa kalagitnaan nang pagkain, naisip kong itanong kung anong klaseng event ba ang gaganapin.

"Anong event nga pala 'yung pupuntahan natin?"

"Hindi ba sinabi ni Dark?" nilingon ko si Dark at pinanliitan ng mata.

Umiling ako kay Elle at saka nagsalita. "Hindi, e." Nilunok niya muna ang kinakain n'ya bago muling magsalita.

"Outliers," Natigilan ako habang nanlalaki ang mata.

"Huh?!" tanging bulalas ko dahil sa sobrang gulat.

"Yup! Kababalik lang nila dito sa pilipinas kahapon and guess what?" Tahimik lang ako at hinihintay ang kasunod niyang sasabihin.

"Sila ulit ang nanguna sa contest na sinalihan nila sa New York." Abot tenga ang ngiti ni Hydee nang sinabi ito.

2060:  THE CONTROLLERحيث تعيش القصص. اكتشف الآن