Controller 7 : Pride

75 10 10
                                    

Controller 7 : Pride

Apat na araw na ang lumipas nung magkasagutan kami ni Dark at sa loob ng apat na araw na'yon ay wala namang nagbago para sa'kin. Okay, fine. May nagbago. Mas naging boring ang buhay ko.


Well, sila mostly ang nagbago. Kung dati ay panay ang pagpupumilit nilang sumama ako sa tuwing may pupuntahan sila, ngayon hindi na nila ako tinatanong. I fully understand why. Kaya hindi ako nagrereklamo.


At ngayon ay nandito kami sa Lab nakapabilog dahil pinagpaplanuhan na namin 'yung mga tools and equipments na maaaring gamitin para sa actual product nung Terminus Frontier. Sa loob nung apat na araw na'yon ay hindi na ulet nasundan ang malalang sagutan namin ni Dark. Palagi pa rin niyang kinokontra ang mga ideya ko. Of course, dinidibdib ko iyon. Parang nababalewala ang presensya ko dahil sa ginagawa niya but I'm just letting it pass.


Naisipan ko rin na sa tuwing mag ve-vent out ako ng iniisip ko ay kay Zenon nalang mismo. Zenon is a good listener. He won't judge you on what you think.

Pero ngayon ay masasabi kong kakaiba ang naging takbo ng araw ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Basta it's.. amazing.

"Ano sa tingin n'yo mas okay gamitin? Solid metal or wood?" Nanatili akong tahimik dahil ayoko nang maulit 'yung nangyari noon.

And yeah, siguro nga natatakot ako na baka mareject nanaman 'yung ideas ko. Ayoko lang ulet magmukhang tanga sa harapan nila.

Walang sumagot sa tanong ni Dark. Lahat tila nag iisip. I already have an idea kung anong mas okay gamitin but like I said, I chose to keep quiet.

Sinuri ko lang muli ang illustration ng Terminus Frontier na ginawa ko at hinayaan na silang magdesisyon kung anong gusto nila.

"Uhm.. you have some suggestion?"

Hmm, hindi ko maiwasang mapangiti sa kinalabasan ng gawa ko. Kahit pa ilang beses kami nagtalo ni Dark noong sinisimulan ko'to. I managed to make it exquisite and amazing at the same time.

"Senshi," mabilis akong napaangat ng tingin nang banggitin ni Zenon ang pangalan ko.

"Uh, yup?" I asked. Clueless.

"Dark was asking you," napamaang ako sa sinabi niya. Huh? Is he? Really?

"W-what do you mean? Asking what?" naguguluhan kong tanong at ibinaling ang tingin kay Dark.

Dark scratch the back of his head before he speaks. "Well, I was asking you if you have some ideas. Wood ba o solid metal ang gagamitin natin dito sa gun? Ano sa tingin mo?"

I kept silent as I cannot believe that he was asking my opinion. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Vicky and I saw how Zenon smile at me. Samatala narinig ko naman ang pag sipol ni Ace.

What's with them?

Dark cough intentionally to catch my attention. Nabalik sa kaniya ang tingin ko na s'yang naghihintay sa sasabihin ko. Actually, lahat sila.


I first put the few strands of my hair behind my ear bago magsalita. "I think it's better to use solid metal. As you can see, if we use a wooden handle, it was too old-fashioned. We're in the year 2060. Masyado ng advance ang taon natin para gumamit ng kahoy."


"Hindi ba masyadong mabibigatan 'yung gagamit nung TerFro kung sakaling solid metal ang gagamitin natin?" kunot noo na tanong ni Ace.


" 'Am glad you asked," umalis ako saglit sa'king kinauupuan para kunin 'yung transparent ipad na nasa bag ko.


2060:  THE CONTROLLERWhere stories live. Discover now